Marso 3
Victoria "Vicky" Cherubillo
Born: December 25, 1994
Died: March 1, 2018
Age: 23Interment
Date: March 8, 2018
Time: 7:30 AM
Place: Mercy Heaven CemeteryIlang iyak ang aking nadirinig mula pa kagabi nang iburol ako.
Marami pala akong kaibigan, nagtatanong bakit ko nagawang magpakamatay. Masayahin naman daw ako, palangiti at masigla palagi.
Ako pa nga raw iyong palaging maasahan kapag sila ay may problema. Ako pa nga raw ang palaging naroroon para gabayan sila sa buhay nila. Ako ang palaging karamay, kasangga, at kakampi.
Nasa tabi lamang ako ng aking kabaong. Pinagmamasdan ko ang aking hitsura. Dinadama ko ang pakiramdam kung tuluyan na nga ba akong ibabaon sa hukay. Hindi ko maramdaman, kung anong pakiramdam. Parang mas gusto ko pa, parang mas gusto kong mabaon na lang talaga sa ilalim ng lupa kasama ang aking maliit na bahay-bahayan.
"Iha, wala ka ba talagang nalalaman sa pagkamatay ni Victoria?" tanong ng babaeng napagkaalaman kong aking ina. Nalaman ko kahapon na ina ko ang namamalo sa akin ng tambong walis.
Mayroong kadarating na isang babaeng mahaba ang buhok, maganda, at matangkad. Akay-akay niya ang aking ina palapit sa aking kabaong kahit na luhaan pa ang kaniyang mata. Mukhang close sila ni nanay.
Umiling-iling na ito sa tanong sa kaniya.
"Bridgette. Kung may alam ka, sana naman, kahit kaunti, ipagpaalam mo sa akin. Wala kaming alam lahat sa kaniyang dahilan para magpakamatay siya." Umiling lamang muli ang babae. Matapos no'n ay nagpaalam ang aking nanay na lalabas muna para ayusin ang ibang nakikiramay.
Naiwan ang Bridgette na tinawag ni nanay.
"Best, ngayong wala ka na, magiging masaya na ang aking buhay. Akala mo ikaw lang ang magaling, kung magsalita ka, akala mo alam mo na ang lahat? Ngayon, sino ang nakahimlay riyan? Sino ang mukhang talunan? Ako ba? Ikaw." Sumilay ang munting ngisi nito sa labi. Mahina lamang ang kaniyang bulong at ako lamang ang nakadirinig.
Tinawag niyang best ang bangkay ko. Ibig asabihin, siya ang bestfriend ko. Kung bestfriend ko siya, bakit parang mas gusto niya pang nakikita akong namatay?
"Wala na akong kalaban ngayon bilang pinakamagaling na tagapagpinta. Ikaw ay magiging alaala na lang sa buong lugar natin. Ako ang mas kikilalanin na dakilang pintor, ang pinakamahusay sa larangan ng pagpipinta sa ating lugar. Mabuti na lang at namatay ka. Ganiyan talaga kapag mabait, kinukuha agad ni Lord. Hindi nga pala ikaw kinuha ni Lord, nagpakamatay ka." Tumutulo ang luha nito ngunit iba ang lumalabas sa bibig nito. Aakalain mong nagdurusa talaga ito sa itsura niyang umiiyak-iyak pa sa aking kabaong ngunit ang ibinubulong naman niya ay puro pangsarili.
"Naalala mo ba noong tumatawag ka sa akin bago ka namatay? Hindi ko sinasagot ang tawag mo at sinadya ko iyon. Sinasadya ko ang lahat para tuluyan ka nang makaramdam na hindi kita itinuturing na kaibigan. Ginagamit lang naman kita para malaman ko ang sekreto mo sa pagpinta. Nakakaawa ka. Akala mo, kaibigan mo ako, akala mo, ako lang ang meron ka kapag inaaway ka sa bahay niyo. Eh, puro ka naman kasi katamaran sa inyo kaya lagi kang napapagalitan. Akala mo, palagi kitang naiintindihan tuwing magtatangka kang lumayas sa inyo. Wala ka namang ibang mapupuntahan kung hindi ang bahay niyo lang dahil wala ka namang ipon. Hindi ka naman talaga magaling sa paghawak ng pera, kaya palagi kang napapagalitan. Akala mo, kakampi mo ako? Akala mo lang lahat ng iyon. Dahil wala akong pakialam sa iyo." Nagpunas pa siya ng luha niya. Hindi ako makadama ng sakit sa aking dibdib sa kaniyang mga sinabi. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kaniya o maaawa ako sa aking sarili.
Umalis siya sa aking tabi. Kung nakikita mo lamang ako ngayon, baka pagsisihan mo ang mga sinabi mo.
Palakad ito palabas ng pintuan ngunit...
Lumapit ako sa kaniyang tabi. Pinilit kong hipan ang kaniyang buhok. Nagtagumpay naman ako kaya tinayuan ito ng balahibo sa braso.
Nagulat ito sapagkat walang hangin sa kahit saang sulok ng lugar na iyon.
Napayakap siya sa kaniyang sarili. Kinikalabutan at gustong humiyaw.Mukhang naramdaman niya ang presensiya ko.
Kaunting galaw pa ang ibinigay ko sa bandang leeg niya kaya nakadama ito ng kilabot sa kaniyang batok.
Napabalik siya ng tingin sa akin, sa kabaong ko. Napabalik ito sa aking tabi at marahang hinaplos ang salamin sa aking kabaong.
Takot na takot ang mukha nito at mangiyak-ngiyak ang buong mukha.
"Vicky, Vicks.. S-sorry na kung hindi ko sinasagot ang tawag mo. Patawarin mo ako Vicky sa mga sinabi ko sa iyo. Ang totoo'y inggit lang ako sa iyo. Ikaw palagi ang magaling. Ikaw palagi ang mabait. Vicky, sa totoo lang hindi ko kaya ang mga ginagawa mo. Naiinggit ako sa iyo kasi kahit anong sabihin nila sa iyo na masasama, wala ka lang sasabihin na masamang ibabalik na bato sa kanila. Sobrang nakakainggit ang pasensiya mo kaya mahal ka ng maraming tao. Sa bawat gagawin mo, naroon ang pagmamahal, naroon ang ganda at galing dahil alam na alam mo kung paano gagamitin ang talento mo sa emosyon ng tao. Nakakainggit ka Vicky. Naiinggit ako sa iyo. Sorry. Sorry kung hindi ako totoong naging kaibigan sa iyo. Patawarin mo ako."
Inggit. Inggit dahil mas magaling ako kaysa sa iyo?
Hindi mo ako itinuturing na kaibigan dahil mas mahal ako ng tao kaysa sa iyo?
Kapag may kaibigan ka ba ay dapat mo itong kainggitan?
Hindi ba't dapat mas natutuwa ka dahil maraming nararating ang iyong kaibigan?
Kapag nagtatagumpay ang kaibigan, kasiyahan din ng puso ang nararapat na batid nito sa iyo. Hindi INGGIT.Ang tagumpay ng iyong kaibigan ay iyong tagumpay rin. Ang kapighatian ng iyong kaibigan, ay siyang kapighatian mo rin. Hindi KASAKIMAN AT PANGGAGAMIT.
Nagkunwari kang kaibigan ako para gamitin lamang ako?
Karapatdapat bang tanggapin ang iyong paumanhin?
Karapatdapat bang kalimutan ang pagiging kaibigan mong hindi tunay?
Nararapat bang bigyan ng kapatawaran ang taong inakala kong totoo ngunit hindi naman pala?
Masakit malaman na hindi pala tunay ang aking matalik na kaibigan. Akala ko'y ginto ngunit tanso pala ito. Kung hindi pa ako namatay, hindi ko ito malalaman.
Kung tunay nga ba ang kaibigan ko, magpapakamatay kaya ako?
Kung naramdaman kong mayroon akong makakausap sa sandaling iyon, kikitilin ko pa kaya ang aking buhay?
Kung naging mapili lamang siguro ako sa kaibigan baka sakaling mayroong tao na sa akin ay sumagip nang tunay.
Ngunit wala...
Dahil ang matalik kong kaibigan ang siyang isa sa akin ay pumatay.
-------------------------------------------
SAVAGEBLOSSOM || Wattpad2018 ||
All Rights Reserved