Marso 22

772 29 10
                                    

Marso 22
Name: Bella Sue T. Yap

Bella Sue T. Yap

Born: September 25, 1990
Died: March -- 2018
Age: 28

Interment
Date: March --, 2018
Time: 7:30 AM
Place: Mercy Heaven Cemetery

Nakatitig ako sa tarpaulin ni Bella. Kitang-kita ko kung gaano ito kaganda at kung gaano ito kasaya sa kaniyang larawan. Kasa-kasama ko siya simula pa kahapon, Nandito lamang ako sa burol niya at pareho kaming pinagmamasdan lamang ang mga taong dumadalaw sa kaniya. Bawat tao na dadalaw sa kaniyang lamay ay mayroon siyang mahabang paglalarawan at pagsasadula kung paano niya ito nakilala, ano ang mga katangian na nagustuhan niya sa mga ito.

Hindi ko akalain na matutuwa akong makasama siya ngayon kahit na pareho na kaming kaluluwa. Parang nakakita ako ng isang bagong kaibigan sa kamatayan. Malungkot naman talaga na mag-isa.

"Sue, bakit hindi ko mabasa nang buo iyong date ng pagkamatay mo at iyong date ng libing mo?" tanong ko sa kaniya nang mapadaan muli kami sa kaniyang tarpaulin.

"Ah, 'yan ba?" Turo niya sa tarpaulin na tinutukoy ko.

Natawa siya habang sumasagot, "hindi ko nga rin iyan mabasa nang buo, eh. Ikaw ba? Nababasa mo nang buo?" tanong niya sa akin. Nagtaka naman ako sa kaniyang sinagot.

"Hindi nga? Bakit hindi mo mabasa? Nababasa ko naman nang buo pero hindi lahat, iyong date lang ang wala. Akala ko, hindi lang nila nilalagay ang date ng pagkamatay mo at date kung kailan ka nila ililibing." Napakunot naman ang kaniyang noo. Halatang hindi nito nababasa kung ano ang nasa tarpaulin.

Pinilit niyang titigan ito ngunit kahit anong anggulo ay hindi talaga niya mabasa kung ano nakasulat.

"Wala talaga, eh. Blangko kaya!" Hindi ko na siya inimik dahil alam kong nagsasabi ito ng totoo. Kaluluwa na nga kami, magsisinungaling pa ba kami sa isa't isa?

"Hayaan mo na, baka hindi lang talaga para sa iyo na mabasa pa iyan." Nang sabihin ko iyon ay niyaya na uli ako nito sa tabi ng kaniyang kabaong.

"Alam mo, ang ganda-ganda mo." Ngumiti ito sa akin habang nakapatong ang kaniyang kamay sa salamin ng kaniyang kabaong.

"Paano kaya kung subukan kong bumalik sa katawan ko, noh? Tapos lahat ng tao magsitayuan dahil natakot?" Natawa ito bigla sa kaniyang iniisip. Natawa rin ako sa kaniyang sinabi.

"Doon na natin malalaman kung sino talaga ang nagmamahal sa iyo! Biro mo, kahit na nabuhay kang muli, tanggap ka nila?" pagsakay ko sa biro nito.

"Oo nga, sabagay. Ang saya lang siguro takutin itong mga tao rito. Iyong feeling na biglang didilat iyong mata ko habang may nakikiramay. Iyong mga tao na matatapang humarap sa kabaong ko at tignan ako nang buo." Napapabilib ito sa sariling iniisip. Gusto pa ata nitong manakot ngayon.

"Puwede naman tayong manakot ngayon. Doon tayo sa salamin tapos kapag may dumaan at tinignan ang sarili nila, makikita nila tayo," suhestiyon na mukhang buo ang loob na takutin ang mga taong nakikiramay sa kaniyang pagkamatay.

Umiling-iling ako.

"Hindi ko nga makita ang sarili ko sa salamin, eh. Iyong mga taong tatakutin pa kaya natin?" Nagtaka siya sa aking sinabi. Dinala niya ako sa isang malaking salamin at doon ay kinumprima ang aking sinabi.

"Oo nga, noh? Hindi nga kita makita sa salamin!" gulat na pagkukumpirma nito sa kaniyang natuklasan tungkol sa akin.

"A-aaaaah!" malakas at mahabang sigaw ng isang bisita. Biglang nagkagulo ang mga tao.

She's DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon