Marso 24

578 27 3
                                    

Marso 24

Kahapon nang huli kaming mag-usap ni Bella ay hindi na ito nagpatuloy sa kaniyang kuwento. Mukhang hindi pa ito handa na ilabas sa mundo ang kaniyang malungkot na mga dahilan ng kaniyang buhay kaya siya nagkaganito.

Iyong mga sandali na iyon ay nagpaalam ito sa akin na gusto niya muna maglakad mag-isa. Mayroon daw siya pupuntahan na siya lamang ang nakakaalam at dahil alam ko na kailangan niya ng privacy kahit na kaluluwa na kaming dalawa ay hinayaan ko na siya.

Naiwan tuloy ako kasama ang Mommy Bea niya. Dahil nga maghapon ako kahapon sa tabi ng kaniyang mommy ay nalaman ko na ang pangalan ng kaniyang mommy. Hindi naman ako nabigo ng isang araw ng pagsunod-sunod ko kay Mommy Bea dahil marami akong nakilala na natulungan ni Bella na mga bata at mga tao na nakikilamay.

Marami pa lang tinutulungan si Bella na mga institutions para sa mga bata na iniwan ng kanilang mga magulang. Karaniwan sa mga bata na binebenta ang sariling katawan sa murang edad, mga bata na hindi makapasok sa eskwelahan at sinusuong na ang pagtatrabaho, at lalo na ang mga bata na walang matirhan.

Halos iyong iba sa mga bata na natulungan niya ay araw-araw na tumutulong dito sa kaniyang lamay. Kaya tuloy mas lalo akong nagtataka kung bakit niya kinitil ang kaniyang sariling buhay kung marami naman na pala siyang mga taong maaring hingahan ng kaniyang problemang dinadala.

Itong buong araw ay hindi ko nakita si Bella. Hindi pa siya nagpapakita sa akin. Hindi ko naman alam kung saan iyong lugar na tinutukoy niya dahil gaya nga ng sabi niya, siya lang ang nakakaalam no'n.

Dumating ang isang babaeng buntis.

Umiiyak ito at tila bugbog-bugbog ang mukha nito. Umiiyak ito papunta sa kabaong ni Bella. Hindi ko sigurado kung ano ang relasyon niya kay Bella pero mukhang isa na naman ito sa mga tao na natulungan niya.

Dahan-dahan itong lumapit sa kaniyang kabaong na parang naghihintay siya ng lalapit sa kaniya at sasabihing hindi si Bella ang nakalamay sa lugar na iyon. Mababakas sa mukha niya na umaasa siya na hindi si Bella ang nakahimlay sa kabaong na iyon.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa kabaong ay dahan-dahang dumaloy ang masaganang luha sa kaniyang mukha galing sa maga-maga at pasa-pasang mata.

Nang mapansin ni Mommy Bea ang babaeng buntis na halos hindi na makagulapay sa tapat ng kabaong ng kaniyang anak ay lumapit na ito at inalalayan ang babaeng buntis na hindi matumba sa kaniyang kinatatayuan.

"Anak, maari bang ikaw ay huminahon?" magalang na tanong ni Mommy Bea.

Magsasalita sana ang babaeng buntis ngunit naiyak lamang ito lalo sa balikat ni Mommy bea. Mukhang hindi nito matanggap ang pagkawala ni Bella.

Yumakap ang babaeng buntis sa kabaong ni Bella at hindi ito maawat ni Mommy Bea.

"Hindi! Hindi ito totoo! Bella! B-bel.. Bella—please, tell me, mali ito! Hindi ito totoo!" hiyaw niya sa salamin ng kabaong ni Bella na halos yapusin na niya ito.

Tumulong na ang mga ibang nag-aayos ng lamay na pakalmahin ang babae dahil nag-alala sila sa kalagayan nito.

Sinundan ko ang babae at si Mommy Bea.

Pinainom ng isang basong tubig ang babaeng buntis at unti-unti na nga itong nakalma.

Mga ilang saglit ay tuluyan na nga itong nakabawi ng kaniyang sarili at mukhang handa na itong kausapin si Mommy Bea.

"Ako po iyong matagal nang Secretary ni Bella. Ako po si Georgia. Hindi na po siya iba sa akin at kahit kalian ay hindi po siya nagpapatawag ng Ma'am. Gusto po niya ay tawagin ko siya sa pangalan niya na Bella." Suminghot-singhot ang babae at nang tatangkain na naman nitong umiyak ay pinigil muna siya ni Mommy Bea.

She's DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon