-2-

639 18 0
                                    

Gail's POV
Matapos kong pumasok sa lagusan agad bumungad sakin ang magulong mundo ng mga tao. Ibat-ibang uri ng tao na may kanya kanyang personalidad. Ngayon lang ulit ako bumalik sa lugar na ito at base sa nakikita ko mas sibilisado na at may mga bagong teknolohiya na silang ginagamit. Agad kong binuklat ang libro ko. At gaya ng inaasahan lumitaw ang una kong susunduin.

Ayon sa libro, dito magaganap ang pagsundo sa tapat na tanghali. Mag iintay nalang ako. Asan na kaya siya?

Di rin nagtagal dumating ang unang taong nakasaad sa libro at saktong pagdating niya may naganap na isang malaking aksidente.

Hala yung babae, tumawag kayo ng ambulansya. Sabi ng lalaking nakasaksi sa nangyari.

Tumunog ang suot kong orasan ibig sabihin oras na. Agad akong lumapit sa katawan ng babae. Di rin nagtagal ay bumangon siya. Nagulat pa siya sa nakita niya.

Anong nangyari?! Teka sino ka?! Patay na ba ako?!

Ako si Gail, isa akong taga sundo at ngayon na ang oras. Sumama ka na sakin. Nilahad ko ang kamay ko at agad din niya itong tinanggap. Maya maya ay may liwanag na lumitaw at inihatid ko na siya doon.

Ok 1 down. Sinong sunod? Binuklat ko ang libro at agad lumitaw ang pangalan ng susunod kong misyon.

-fast forward-
Hay! Nakakapagod 8 na ang natatapos ko 2 nalang at magiging matagumpay na ang misyon ko at buti nalang walang masyadong aberya sa misyon ko. Nakita ko pa yung ilang kasamahan ko na abala din sa misyon nila. Nakakatuwa at nakakaexcite sigurado matutuwa sakin si Shin at Clyne nito. Bubuksan ko na sana ang libro kaso di ko sinasadyang nabagsak ito hay! Kainis naman! Nasa taas pa naman ako ng building agad akong naglaho at mabilis na kinuha ang libro ko na kasalukuyang nasa babang bahagi na ng building na inuupuan ko. Pagkakuha ko sa libro agad ko itong inalisan ng dumi.

Kainis! Dapat di ito masira malalagot ako nito kay Clyne. Pagkalinis ko ng libro agad kong binuklat ito at binasa ang nakasaad ayon dito sa isang hospital ang susunod kong misyon, Lumingon lingon ako sa paligid at lumawak ang aking ngiti sa nakita ko.

Uy! Pag sinuswerte ka nga naman oh!  Di na ako mahihirapan hanapin ito. Nandito na pala ako. Agad akong pumasok sa loob at bumungad sakin ang tipikal na senaryo sa hospital mga busy mga empleyado, mga kaanak ng pasyente, at iba pa. Di na ako nagpaligoy ligoy pa at hinanap ang susunod kong misyon.

Nasaan na ba kasi siya? Ang laki ng hospital na ito. Matatagalan ako pag...

-Samantha Montereal
Dr. Chua

Bingo! Nahanap din kita. Agad akong pumasok sa silid niya. Hindi na ako nagulat ng makita ang mga makina na naka konekta sa katawan niya. Iyon kasi ang description sa kanya ng libro. Na coma siya sa loob ng 3 taon pagkatapos niya maoperahan sa isang malubhang karamdaman. Lumapit ako sa katawan ng babaeng misyon ko. Napakaganda niya sayang lang at oras na nito.

Biglang tumunog ang orasan hudyat na ito na ang tamang oras. Kasabay ng pagtunog ng orasan ko ay ang pagtunog din ng mga makina na hudyat na nawawalan na ito ng buhay.  Agad akong napalingon sa lalaking kakapasok lang ng silid ng babaeng nagngangalang Samantha.

Sammie!!! Nurse!!! Nurse!!!  Kinakabahang tawag ng lalaki habang may pinipindot na bagay sa dingding.

Sammie, wag mo naman biruin si kuya oh! Please wag muna di ko pa kaya. Please princess don't die. Lumuluhang saad ng lalaki. Samantalang nakatitig lang ako sa kanila, walang emosyon, parte na iyon ng trabaho namin bilang taga sundo hindi namin maramdaman ang nararamdaman ng pamilyang naulila ng mga taong sinusundo namin siguro para di kami makagawa ng maling desisyon na maaring makasira sa balanse ng mundo.

Di rin nagtagal dumating ang mga doktor at nurse na agad rumesponde kay Samantha pero huli na sila. Lumapit ako kay Samantha. Di rin nagtagal ay nakita niya na ang nangyayari sa katawan at sa paligid niya.

Kuya?! Bakit ka umiiyak? Kuya? Hinaplos haplos pa nito ang mukha niya pero nanatiling nakatingin ang lalaki sa katawan ni Samantha. Agad napalingon ang babae at nagulat ng makita ang katawan niyang nag aagaw buhay.

Teka bakit nakikita ko ang sarili ko? Patay na ba ako?

Oo, at ako ang taga sundo mo Samantha kaya halika na sumama ka na sa akin. Nakangiting lahad ko ng kamay ko sa kanya.

Ayaw ko sumama sayo, di ko iiwan ang kuya ko. Dito lang ako.

Hindi maari, tumatakbo ang oras Samantha sa oras na magsara ang lagusan di ka na maaring pumasok.

Pero, paano ang kuya ko? Ayaw ko siyang maiwang mag isa ako nalang ang meron siya.

Lahat ng ito ay may dahilan Samantha. Maaring may plano ang Diyos para sa kapatid mo kaya halika na malapit ng magsara ang lagusan.

Agad na sumunod si Samantha sakin. Agad lumitaw ang lagusan pero bago umalis si Samantha ginawaran niya ng halik sa pisngi ang kapatid.

Wag ka mag-alala kuya. Mawala man ako sa tabi mo lagi kitang babantayan kung nasaan man ako. Mahal na mahal kita kuya. Mag iingat ka palagi.

Agad na pumasok si Samantha, at ng masiguro ko ng nakapasok siya saka ko pa lamang nilingon ang lalaking walang humpay ang pag iyak. Naagaw ng mga doktor ang atensyon ko. Iiling iling lang na humarap ang mga ito sa lalaki  hudyat na wala na silang magagawa

Time of death 08:22pm. I'm very sorry.

No!! Hindi pa siya patay, buhay pa ang kapatid ko!! Bakit ninyo tinigil ang pag revive sa kanya. Hindi pa siya patay!!! Ituloy ninyo lang alam kong magrerespond  pa siya.

I'm sorry sir. At umalis na ang mga ito. Nanatili lamang akong nakamasid sa lalaking walang humpay ang pagluha di mo makikitaan ng kahit anong expresyon ang mukha niya kundi pighati sa pagkawala ng kapatid at lungkot.

Sammie, hindi totoo ang sinabi nila diba? Di mo iiwan si kuya? Alam kong nagbibiro ka lang please princess ayaw ni kuya ng ganito gumising ka na.

Agad niyakap ng lalaki ang katawan ng kapatid niya. Gustuhin ko mang manatili pa sa lugar na iyon ay kailangan ko na umalis para matapos ko na ang misyon ko. Bago ako tuluyang maglaho tiningnan ko sa huling sandali ang lalaki puno parin ng kalungkutan ang kanyang mga mata.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon