-71-

231 12 7
                                    

[Gail]
Nag iintay lang kami dito ni Cindy na matapos sila Five na mag usap. Ano kaya ang magiging resulta ng pag uusap nila? Sana magkaayos na sila.

Teka... si Five ba iyon? Napatingin naman ako sa tinuro ni Cindy. Tama si Five iyon. Mukhang aalis na ito kaya balak ko na sana siyang sundan ng hawakan ako ni Cindy kaya napatingin ako dito, umiling lang siya. He needs space Gail. Let him have it. Tumango naman ako sa sinabi ni Cindy.

Agad naman naming pinuntahan ang nanay ni Five.

Ihahatid na po namin kayo. Agad naman itong napatingin sa akin.

Alam mo iha? Nakuha ko naman agad ang ibig nitong sabihin kaya tumango ako.

Pasensya na po kayo kung nagsinungaling ako sa inyo. Gusto ko lang pong matulungan si Dustin. Agad naman akong niyakap nito.

Salamat iha! Salamat sa tulong mo. Nakausap at nakita ko na din ang anak ko. Maiyak iyak nitong sabi. Gumanti din ako ng yakap sa kanya.

Wag po kayo mag-alala, maaayos din po ang lahat hindi po tayo papabayaan ng Diyos. Bumitaw na kami sa pagyakap at nginitian ko na siya.

Nang matapos namin siya mahatid sa tindahan niya ay umalis na kami ni Cindy para pumasok sa trabaho.

Sana ayos lang si Five.
-----------------------------------------------------------
(Kinabukasan)
Naglalakad kami ni Cindy papunta sa room namin. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga.

Wag ka masyado mag-isip Gail. Magiging okay din ang lahat. Nakangiti niyang sabi sa akin kaya ngumiti din ako kay Cindy.

Agad akong napatingin sa room nila ngunit hindi ko ito makita.

Baka late lang. Okay lang siya Gail, wag ka masyadong mag-alala. Okay? Tumango naman ako kay Cindy.

Nagdaan ang mga oras, natapos ang klase namin ngayon umaga. Pagkalabas na pagkalabas ng guro namin ay agad kong kinuha ang phone ko para itext si Four.

Calling Four...

Sakto tumatawag siya. Agad ko naman itong sinagot.

Four.

Hello? Gail, nabasa ko ang text mo, absent siya ngayon. Agad naman akong napabuntong hininga dahil sa narinig ko. Ahh... Gail? Nandiyan ka pa ba?

A-Ah oo... ganun ba, sige salamat Four.

Gail.

Hmm...

Don't think too much. He will be okay. Matapos sabihin iyon ay nagpaalam na siya na ibaba na ang tawag.

Nagpaalam lang ako sandali kay Cindy para ikutin ang ilang lugar na madalas tambayan ni Five. Nagbabakasakali kasi ako na baka nandito lang si Five.

Huli kong pinuntahan ang puno kung saan madalas siyang matulog kaso nang dumating ako ay wala siya. Napabuntong hininga ulit ako.

Tama ba ang ginawa ko? Dapat bang hinayaan ko siya makapag-isa? Dapat ba sinundan ko siya?

Agad ko naman kinuha sa bulsa ng palda ko ang phone ko ng maramdamang nag vibrate ito.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon