-18-

265 18 4
                                    

Gail's POV
Natapos na ang tour namin, at isa lang ang masasabi ko sobrang laki ng paaralan na ito. Andaming bagong lugar para sa akin. Pinaka nagustuhan ko ay ang library na tinatawag nila, para siyang silid aklatan sa lugar kung saan ako nanggaling pero higit na mas malaki ito kumpara sa amin. Isa pa sa paborito kong lugar ay ang hardin nila napaka lawak nito at ang daming magagandang bulaklak.

Kasalukuyan kami ngayong papunta sa block 3 kung saan ituturo niya ang silid na kabilang ako. Inaantay ko lang siya dahil may kumausap sa kanya na kakilala niya. Nasasabik ako na mag aral dito. Habang abala pa siya sa kausap niya nilibot ko muna ang paningin ko sa lugar. Nakakamangha ang ganda ng paaralan na ito.

Ano ba ibalik ninyo sakin iyan. Hindi naman sa inyo iyan eh. Tinig ng isang babae. Saglit kong hinanap kung saan nanggagaling ito.

Hindi naman ako nabigo at natagpuan ko kung saan ito nagmumula, nasa liblib silang parte. May isang babae na kumakausap sa tatlong babae at pilit na may kinukuha.

Bakit ba ang damot mo. Kokopya lang kami kaya wag kang maingay diyan nerd kung ayaw mong punitin ko ito sa harap mo.

Bakit ba hindi kayo gumawa ng sa inyo!!

Aba! Lumalaban ka na ah. At tinulak siya ng babae. Agad naman ako lumapit sa kanila at tinulungan siya.

Bakit ninyo siya tinulak? Sa kanya ang gamit na iyan dapat ninyo iyang ibalik. Pagtatanggol ko sa babae.

At sino ka namang pakialamera ka?

Unang-una hindi ako pakialamera, dahil magkaiba ang pakikialam sa pinagtatanggol. Kumukuha kayo ng gamit na hindi sa inyo. At bakit kailangan ninyo siyang itulak eh kung tutuusin ay kanya naman ang gamit na hawak ninyo.

Hindi mo ba kami kilala ha? Bago ka lang dito no? Kay bago-bago mo ang lakas ng loob mong lumaban.

Lalaban ako kung alam kong tama ako. At ano ngayon kung bago ako, bakit aapihin ninyo rin ako ng gaya ng ginagawa ninyo sa kanya?

Sasagot pa sana siya ng may biglang binulong sa kanya ang kasama niya.

Di pa tayo tapos, tatandaan ko ang araw na ito. Humanda ka. Tapos binato niya sa akin ang isang bagay. Agad naman lumapit sa akin ang babae.

Okay ka lang ba? Pasensya ka na nadamay ka pa. Dinampot na niya ang notebook niya. Iyon ba ang binato sakin? Grabe iyong babaeng iyon ah.

Oo ayos lang ako, ikaw ayos ka lang ba medyo malakas pagkakatulak sayo ng babaeng iyon ah? Nagaalala kong tanong.

Oo ayos lang ako, hindi naman siya gaanong masakit eh. Ako nga pala si Cindy. Nakangiti niyang pakilala. Sabay abot ng kamay niya.

Ako naman si Gail. Masuyo kong inabot ang kamay niya.

Miss Dizon anong nangyayari dito? Nagulat naman ako ng may magsalita.

Ah Liam mer--

Wala po Mr. President, tinulungan niya lang ako pulutin ang mga nahulog kong gamit. Pagputol ni Cindy ng sasabihin ko, teka hindi naman iyon ang nangyari ah.

I see, so Ms. Dizon si Ms. Ramirez na ang magtuturo kung saan ang classroom mo. You have the same block. Meron lamang akong meeting na pupuntahan. Siya na bahala magturo sayo ng mga bagay bagay about this school.

Ms. Ramirez, assist her bago lang iyan dito.

Yes, Mr. President.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon