-82-

225 14 11
                                    

[Gail]
Matapos kong masigurado na nagpapahinga na si Xave ay panandalian akong lumabas ng kwarto niya para palitan ang tubig sa maliit na palanggana.

Gail!!! Nagulat naman ako sa biglang paglabas ni Shin at sa biglaan nitong paghawak sa kamay ko. Hinila niya ako palabas ng kusina.

Teka Shin anong bang nangyayari??!  Pagbawi ko sa kamay ko at naguguluhan ko siyang tiningnan.

Umalis ka na dito. Diba ang mahigpit kong bilin sayo ay lumapit ka lang sa mortal na iyon pag nanghihina ka!! Galit na wika nito.

Pero may sakit siya Shin! Misyon ko siya kaya responsibilidad ko ang alagaan siya. Bakit ba nagagalit ka?

Umiwas naman ito ng tingin sa akin. Maiintindihan mo din sa takdang panahon. Umuwi ka na ako na ang bahala sa mortal na iyon. Sapat na pag-aalaga mo sa kanya.

Shin, hindi ko siya pwedeng iwan. Kailangan niya ako! Pagtutol ko.

Ako na ang bahala sa kanya.

Pero— hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko ng maglaho ito. Nagulat nalang ako ng bigla itong lumitaw sa harapan ko at hinawakan ako sa mukha. Napakabilis ng nangyari hindi ko namalayan na unti-unting bumabagsak ang mga mata ko hanggang sa nagdilim ang paningin ko.
——————————————————
[Third person]
Nang mawalan ng malay si Gail ay agad itong sinalo ni Shin, agad niya itong kinarga at kinumpas ang kanyang kamay bago ito tuluyang naglaho.

Dahan-dahang inihiga ni Shin si Gail sa kama nito, nanatili parin itong walang malay. Hinaplos nito ang maamo nitong mukha.

Patawad Gail, maiintindihan mo din sa tamang panahon ang ginagawa ko. Pinoprotektahan lang kita. Tiningnan niya ulit ito bago tuluyang naglaho.

Sa kabilang dako naman, Kasalukuyang nakatayo sa tabi ng kama ni Xave si Shin.

Pasalamat ka mortal nasa iyo ang proteksyon ni Gail. At dahan-dahan tinapat ni Shin ang kamay niya sa ulo ni Xave. Unti-unti niyang pinapagaling ito.

Nang matapos siya ay agad niyang hinawakan ang mukha nito.

Panatilihin mong ligtas ang proteksyon ni Gail. Siguraduhin mo iyan mortal. At naglaho na ito.
——————————————————
[Gail]
Agad akong napabangon dahil naalala ko ang nangyari kahapon. Agad kong nilibot ang aking paningin. Tama nga ako nandito ako ngayon sa apartment. Ginamitan ako ni Shin ng pampatulog. Ano ba kasi nangyayari sa kanya?

Agad naman akong nag ayos, mamayang gabi na ang balik nina Cindy mula sa seminar nila. Buti nalang walang pasok ngayon kaso may pasok naman ako sa trabaho pero bago ako pumasok dadaan muna ako sa condo ni Xave para kamustahin siya.

Inalagaan kaya siya ni Shin kagabi. Nang matapos ako mag ayos ay umalis na ako ng bahay.

(Xave's Condo)
Nang makarating ako sa harap ng pinto ng condo ni Xave. Nag aalangan pa akong pumasok, paano kung wala na siya diyan?

Sa huli, tinaype ko din ang password niya at huminga muna ako ng malalim bago tuluyan pumasok sa loob.

Agad akong sinalubong ng mabangong amoy, amoy ng nilulutong pagkain kaya dumiretso ako sa kusina.

Agad naman akong napasinghap sabay talikod  matapos makita si Xave na nagluluto. Agad naman uminit ang pisngi ko dahil sa nakita ko. Nakita ko lang naman kasi si Xave na walang damit pang itaas tanging sweat pants pambaba ang suot nito.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon