[Gail]
Gail ayos ka lang ba? Kanina ka pa tahimik. Ngumiti lang ako kay Cindy bago siya sagutin.Oo, ayos lang ako. Bakit naman ako hindi magiging okay? Nakangiti kong sabi kay Cindy. Sinubukan kong pasiglahin ang boses ko. Napabuntong-hininga naman ito.
Pag usapan natin iyan mamaya. Hindi ka okay, ang peke ng ngiti mo. Mauuna ka na bang umuwi?
Oo, doon nalang kita hintayin. Maaga kaming pinauwi ni Sir Chan eh.
Sige, sabay na tayo pumasok ng coffeeshop. Tumango lang ako sa kanya at nag paalam.
Habang nagiintay ako ng masasakyan dito sa may waiting shed. Naisipan kong bisitahin ang nanay ni Five. Nang may sasakyan na ay agad ko itong pinara at sumakay na.
Nang makarating ako dito. Agad ko naman siyang pinagmasdan dito sa pwesto ko. Mukhang abala siya magbitbit ng bagong deliver ng prutas. Agad naman akong lumapit at tinulungan siya dahil mukhang nahihirapan siyang bitbitin ito.
Naku! Salamat sa--- iha? Ngumiti naman ako sa kanya.
Kamusta po? Nakangiti kong sabi sa kanya.
Bibili ka ba ulit ng prutas iha? Umiling naman ako sa tanong niya.
Hindi po, napadaan lang po ako. May binili lang po ako sa grocery store. Naisipan ko pong dumaan dito.
Ahh ganun ba... ito may bagong deliver ng paninda ko kaya medyo pagod.
Kamusta po kayo? Nagkita na po ba kayo ng anak ninyo? Nagulat naman ito sa tanong ko. Ngumiti siya sa akin pero makikita mo sa mga mata niya ang lungkot.
Hindi pa. Hindi ko din alam kung magkikita pa kami. Maliit palang kasi siya ng huli kaming magkita? Tinulungan ko ulit ito sa dala dala niya.
Ano po bang nangyari? Bakit po ba kayo nahiwalay sa kanya? Natigilan naman ito sa tanong ko.
Wala naman talaga akong balak iwan siya eh. Nilayo siya sa akin kaya hindi ko na siya nabalikan. Mapait itong ngumiti sa akin.
Simula palang ng ikasal ako sa tatay ng anak ko hindi na ako gusto ng ina nito. Nang magbuntis ako sa anak ko at nagumpisang imanage ng asawa ko ang kompanya nila madalas na itong wala sa bahay, madalas na din akong pagmalupitan ng nanay niya. Maraming masasakit na salita ang sinasabi nito sa akin pero lahat ng iyon ay tiniis ko para sa anak ko. Nang maisilang ko ang anak ko mas lalong lumala ang nanay ng asawa ko. Kung ano-ano ang sinasabi nito sa asawa ko tungkol sa akin. Sinisiraan niya ako, at ang masakit pa doon ay naniniwala ang asawa ko. Napagbubuhatan na ako ng kamay ng asawa ko noon dahil sa binibintang sa akin ng nanay niya. Buwan, taon ko tiniis iyon dahil ayaw ko masira ang pamilya ng anak ko. Kaso hindi ko na talaga kaya dahil nakikita ko ang asawa ko na nambabae. Kaya napagpasyahan kong umalis na kasama ang anak ko. Masugid akong nakikinig sa kwento niya. Mababakas sa mata nito ang lungkot at sakit.
Nalaman ng nanay ng asawa ko ang plano ko kaya sinabi niya ito sa asawa ko. Nang araw na aalis na kami ng anak ko ay hindi niya ako payagang isama ito. Pinagbantaan nila ako na dadalhin nila ang anak ko sa ibang bansa, wala akong magawa mahirap lang ako at ayaw ko mawalay sa akin ang anak ko. Masakit man ay iniwan ko ito at nangakong babalikan ito. Bumalik ako noon kaso huli na ng malaman ko na dinala ito sa London. Ilang taon ang inintay ko, umaasang babalik sila. Nabalitaan ko na nakabalik na ang mga ito kaya lang hindi na sila nakatira sa dating bahay namin. Sinubukan kong hanapin ang anak ko kaso kulang ang pera ko para mahanap siya. Agad naman tumulo ang luha nito, nang mapansin ito ay palihim niya itong pinahid.
BINABASA MO ANG
Oh my Angel!
Fantasy• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members