[Gail]
Lumipas ang isang buwan, nakikitaan ko na ng improvement ang misyon ko. Sa nakalipas na buwan nagiging komportable na sakin si Xave. Hindi na siya nakikipagbasag ulo, pero minsan hindi talaga maiwasan lalo na pag hinahamon siya. Paano ko nalaman? Sinusundan ko kasi siya. Hindi na din siya nagmumura at nagiging mabait na siya kahit papaano.Madalas na kami tumambay ni Cindy kasama sila, kaso nandoon pa din ang masamang titig sakin ni five, kaya nakakahinga ako ng maluwag pag hindi ito nakakasama, napapadalas nga ito eh. May problema kaya siya?
Lagi din ako iniimbitahan ni Tita Celine at Tito George sa mansion nila kaya napapadalas yung pagpunta ko doon syempre kasama si Xave, kaso iwas parin siya sa tatay niya at kay Tita Cel kaya iyon yung aayusin ko dahil parte naman iyon ng usapan namin ni Tito George.
Sa nakalipas din na buwan palaisipan parin sa akin kung sino yung tumulong sakin magbayad ng renta. Nakakagulat naman kasi talaga dahil pang isang taon ang binayaran niya. Kung sino man siya, salamat dahil nabawasan ang isipin ko dahil sa kanya. Ipagdadasal ko nalang siya.
Mas naging malapit din sakin si Treston. Hindi ko alam o sabihin na natin na ayaw ko alamin ang ginagawa niya. Madalas siya sumasabay samin ni Cindy pag hindi ko kasabay si Xave. Lagi ko siyang nakikita pag mag isa ako. Siya yung kasama ko kapag wala si Cindy at Xave. Hindi ko na din natanong yung tungkol sa ginawa niya noon nung kumain kami sa lomihan.
Maraming magaganda pangyayari ang nangyari sakin, at hindi din maiwasan na merong hindi maganda, tulad nalang ng mas lalo ako pinagiinitan ni Chelsea dahil nagkawarning siya sa ginawa niya sa akin noon. May nakakita kasi sa ginawa niya at ng mga alipores niya sa akin at inireport ito kay Dean Castro. Pilit ko tinatanong si Dean kung sino yung nag report kaso ayaw niya sabihin. Kung sino man siya salamat sa kanya.
Isa pa sa hindi magandang nangyari ay ang pag iwas sakin ni Sky. Kahit sinasabi niya na busy siya at maraming ginagawa ay alam kong iniiwasan niya ako. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako sa kanyang mali para iwasan niya ako. Nagsimula ito noon hinatid niya si Cindy sa apartment.
Hay.... buntong hininga ako.
Ang lalim noon ah. Sabi ni Cindy. Kasalukuyan kasi kaming naglalakad papunta sa room. Iniisip mo parin yung tungkol kay Sky? Tumango lang ako sa sinabi niya.
Baka abala lang talaga siya. Parang hindi mo kilala si Sky. Tsaka bakit ka naman niya iiwasan?
Iyon na nga Cindy eh, wala akong nakikitang dahilan para iwasan niya ako pero malakas talaga ang kutob ko na iniiwasan niya ako.
Hayaan mo kakausapin ko si Vice para di ka na mag isip masyado.
Nang makarating kami ng classroom ay inantay nalang namin na dumating ang guro namin.
(Few hours later)
Sorry Gail, hindi kita masasamahan kumain may pinapatapos kasi sakin si President eh.Ano ka ba! Ayos lang. sige na pumunta ka na para matapos mo na agad ang gagawin mo. Agad naman nagpaalam si Cindy. Nang makaalis ito napabuntong hininga nalang ako. Mag isa na naman ako.
Lumabas na ako ng room namin para pumunta sa garden ng makita ko sa labas ng room namin na nag iintay si Treston.
Hi! Mag isa ka ba ulit? Napatango naman ako sa kanya kasi nagulat akong makita siya. Kailangan mo ba ng kasama? I'm available. Haha.
BINABASA MO ANG
Oh my Angel!
Fantasy• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members