[Gail]
Nang imulat ko ang aking mata ay nasa harap na ako ng bahay ni Treston. Agad naman ako pumasok sa loob. Naabutan ko ang mga kasambahay na nagkakagulo. Agad naman ako lumapit sa kanila.Ano pong nangayayari? Tanong ko sa isang kasambahay.
Nagwawala po si sir Treston sa kwarto niya, tapos naka lock po ang pinto. Nagulat naman ako sa sinabi ng kasambahay kaya agad akong umakyat sa taas. Naabutan ko naman ang ilang kasambahay at isang babaeng may kaedadan na sinusubukan kausapin si Treston.
Treston iho, buksan mo ang pinto. Si yaya Lucy ito.
Nakarinig ulit kami ng nabasag na gamit sa loob, kaya lumapit na ako sa kanila.
May susi po ba kayo ng kwarto ni Treston? Tanong ko.
Sigurado ka ba iha? Ayaw ni Treston magpapasok ng kahit na sino sa loob. Baka masaktan ka?
Hindi po iyon magagawa ni Treston. Pakibuksan nalang po ang pinto ako na po bahala kumausap kay Treston. Tiningnan lang ako ni Yaya lucy daw bago niya kunin ang susi.
Agad siyang bumalik dala ang susi at binuksan ang kwarto ni Treston.
Ako na po ang bahala dito. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob. Iniwan naman kami ni Yaya Lucy at ng mga kasambahay.
Pagkapasok ko sa loob ay bumungad sa akin ang ilang sirang gamit. Nagkalat din sa sahig ang mga basag na salamin. Hinanap ng mata ko si Treston sa kabuuan ng kwarto nito.
Nakita ko siya sa isang gilid habang nakaupo sa sahig at nakalagay ang kanyang isang kamay sa mga mata niya. Dumudugo pa ang kamao niya.
Treston. Mahina kong tawag sa kanya.
Get out. Mahina pero may diin niyang sabi. Nanatili lang akong nakatayo sa harap niya.
I SAID GET OUT!!!!! Nagulat ako ng bigla niyang ibato ang isang gamit malapit sa akin.
Pilit kong tinanggal ang kaba ko at huminga ng malalim, pagkatapos ay umupo ako malapit sa tabi niya.
Kahit ilang beses mo akong paalisin, hindi ako aalis sa tabi mo. Mahina kong sabi sa kanya. Nanatili naman siyang tahimik.
Gusto kong mapag-isa...no, matagal na pala akong mag-isa.
Hindi ka mag isa. Andito ako at ang mga kaibigan mo. Kaya wag mong iisipin na mag isa ka. Tinanggal na niya ang kamay niya sa mata niya pero nanatiling nakapikit ang mga mata nito at malayang lumalandas ang mga luha nito.
Umalis na naman sila. Mahina niyang sabi. Hindi ba ako worth it sa time ng mga magulang ko? Hindi ba ako ganoon kahalaga sa kanila kaya kahit makasama ako ay hindi nila magawa? Umasa ako eh... Umasa ako na may mababago, umasa ako na magbabago sila kapag sinabi ko yung nararamdaman ko. Kaso mali ako, mali ako na umasa na magbabago sila... na kapag nalaman nila hindi na sila aalis, pero wala... pinili parin nilang umalis. Siguro hindi ganoon ka importante ang nararamdaman ko para sa kanila dahil natiis nilang umalis kahit alam nilang masasaktan nila ako. Hindi ako makasagot sa kanya dahil hindi ko naman alam ang side ng mga magulang niya. Ayaw kong pangunahan ang mga magulang niya tungkol sa kung ano talaga ang totoong dahilan kung bakit hindi nila magawang bigyan ng oras at panahon si Treston.
BINABASA MO ANG
Oh my Angel!
Fantasy• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members