[Gail]
Lumipas ang isang araw, ngayon ay papasok na ako sa school. Ayos naman ang resulta ng mga test ko, maliban lang sa may benda ako sa ulo dahil sa nangyari pero pwede na daw ako pumasok sabi ng doktor.Palabas na ako ng bahay ng makita ko si Sky sa labas at naghihintay.
Sky, anong ginagawa mo dito? Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap.
I'm sorry. Mahina niyang sabi.
Bakit ka nagso sorry? Wala ka namang kasalanan sa nangyari Sky. Bumitaw ako sa yakap at nginitian siya.
I'm sorry dahil wala ako sa tabi mo ng kailangan mo ako. Nang malaman ko ang nangyari sayo kahapon pagbalik namin galing seminar, gusto kitang puntahan kaso sabi ni Cindy ay nagpapahinga ka daw.
Wag ka na mag alala Sky. Ayos lang ako. Tsaka nakita mo na ako oh! Ayos na ayos ako. Nakangiti ko parin sabi sa kanya. Sumeryoso naman siya.
Malalagot sa akin ang may kasalanan nito sayo. Umiling ako kay Sky at hinawakan ang kamay niya.
Hindi na kailangan Sky, hayaan nalang natin na ang school ang gumawa ng aksyon tungkol sa nangyari. Napabuntong hininga naman siya. Pinasakay na din niya ako sa sasakyan niya dahil sabay na daw kami papasok sa school.
Pagdating namin ng school. Nagiiwas samin ng tingin ang mga estudyante. Ano problema? Parang may mali.
Gail.
Cindy. Nginitian ko lang siya.
Kala ko ba nagpapahinga ka? Bakit ka pumasok? Ayos ka na ba? Sunod-sunod na tanong niya.
Natawa lang ako sa kanya dinaig pa niya si Nana kung pagalitan ako.
Ayos na ako Cindy. Pinayagan na din ako ng doktor pumasok, tsaka konting sugat lang ito. Nakangiti kong sabi. Napatingin naman siya kay Sky.
Good morning vice pres. Ngumiti lang sa kanya si Sky.
Gail, mauna na ako sa inyo may dadaanan pa ako sa office. Hindi ka ba dadaan? Nagkatinginan lang kami ni Cindy bago ko siya sagutin.
Mamaya nalang siguro. Tumango lang ito at umalis na.
Hinatak ko naman si Cindy sa tambayan namin.
Anong nangyayari Cindy? Bakit iwas akong tingnan ng mga tao dito? bago yung nangyari sa akin ibang tingin ang binibigay nila.
Kahapon nang malaman ni Sky ang nangyari, nag iwan siya ng mensahe sa lahat na pag naulit daw ulit ito sayo ay mararanasan nila magalit ang second leader ng 7aces. Nagulat naman ako sa sinabi ni Cindy. Hindi ko inaasahan na ganoon ang gagawin ni Sky.
Si Mr. President din gumawa ng action tungkol sa nangyari. Napatingin naman ako kay Cindy.
Anong ibig mong sabihin?
Kinausap niya ang dean at ang guidance councilor tungkol sa nangyari. Eh dahil si Mr. President ang nag sabi kaya agad kumilos ang school para mabigyan action ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Oh my Angel!
Fantasy• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members