[Gail]
Pag uwi ko sa bahay, iniisip ko parin ang nangyari kanina sa park. Paano ko matutulungan si Xave kung galit ito sa akin? Paano na din ang misyon ko?Pumunta muna ako ng kusina para kumuha ng tubig. May nakita naman akong note na iniwan ni Cindy na sinabing pumasok na siya sa trabaho.
Pumasok ako sa kwarto para magpahinga. Biglang sumama kasi ang pakiramdam ko.
[Third person]
Nang makatulog si Gail ay agad lumabas ang naatasang bantayan ang misyon niya dito sa mundo ng mga mortal.Agad niyang hinawakan ang pisngi ni Gail.
Hindi mapigilan ang paghina ng proteksyon mo. Mahina at malungkot nitong sabi matapos hawakan ang pisngi ni Gail. Hindi ako papayag na mapahamak ka kahit anong mangyari. At naglaho na ito.
[Gail]
Agad akong nagising dahil sa naririnig kong ingay.Ang bigat ng pakiramdam ko ngayon, may mawawala na naman ba sa kakayahan ko?
Gail?? Mahinang tawag sa akin ni Cindy kaya napatingin ako sa pinto ng kwarto namin. Halika na, mag aalmusal na tayo. Hindi ko pinakita kay Cindy na may nararamdaman ako.
S-Sige susunod ako. Sinara na niya ang pinto matapos kong sumagot. Agad naman akong napahawak sa dibdib ko at pinagpapawisan dahil sa kirot na aking nadarama, hinahabol ko din ang aking hininga.
Pinigilan ko naman ang aking sarili na wag makagawa ng ingay dahil maari akong marinig ni Cindy mula sa labas ng kwarto.
Pinilit ko ang sarili ko na lumabas ng silid at pumunta sa kusina. Nagtataka naman akong tiningnan ni Cindy.
Bakit pawis na pawis ka Gail?
H-Ha?!! A-ah eh nag exercise kasi ako. At alanganin ko siyang nginitian. Buti nalang hindi na siya nagtanong pa.
Nang magsimula kaming kumain ay pinagmamasdan ni Cindy ang galaw ko. Pilit kong inaayos ang sarili ko para hindi niya mahalata na may nararamdaman ako.
Ayos ka lang ba Gail? Hindi naman mainit pero kung pag pawisan ka. Agad naman niya pinunasan ang tumulong pawis ko.
O-oo naman Cindy. Epekto lang ito ng pag eexercise ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng nagpatuloy na itong kumain. Agad kong kinagat ang ibabang labi ko dahil sa sakit na aking pinipigilan. Pag haharap si Cindy ay agad kong binabago ang ekspresyon ko. Ayaw ko ng pag alalahin si Cindy dahil kaya lang ako nagkakaganito ay siguro dahil may kakayahan na naman akong naglalaho.
Matapos kaming kumain ay nanatili akong nakaupo dito sa may mesa habang naghuhugas si Cindy. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa gilid ng mesa dahil sa sobrang kirot na nararamdaman ko.
Gail, ang aga mong natulog kagabi ah! Sabi ni Cindy habang nakatalikod patuloy padin siya sa ginagawa niya.
A-ah o-oo pagod kasi ako at walang masyadong tulog kaya nagpahinga ako pagkauwi ko. Buti nalang nakaya kong magsalita ng tuwid sa kabila ng nararamdaman ko. A-ah Cindy mag ccr lang ako. Hindi ko na inintay ang sagot niya at agad pumunta ng cr.
Pagkasarado ko ng pinto ay doon ko na pinakawalan ang isang mahinang impit. Hapong-hapo kong hinawakan ang dibdib ko. Hindi ko na ininda ang butil-butil na pawis na namumuo sa akin.
Lumabas lang ako ng cr nung humupa ang kirot.
Grabe ang tagal mo sa cr ah! Biro sa akin ni Cindy pagkatapos ay siya naman ang sumunod na pumasok sa loob ng cr para maligo.
——————————————————
Gail, mauna na ako ha. Nagtext kasi si president pinapapunta niya ako sa office. Pinapanood ko siyang mag ayos ngayon habang nakaupo ako dito sa may kama.
BINABASA MO ANG
Oh my Angel!
Fantasy• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members