-86-

219 10 94
                                    

(A/N: Before you read this Chapter make sure na may handa kang tissue. Areng lang 😂)

[Gail]
Kinaumagahan, sabay kaming pumasok ni Cindy sa school. Alam ko na may nais itanong sa akin si Cindy pero pinili na lamang nitong manahimik. Mabuti nalang at nirespeto niya ang desisyon ko na wag pag usapan ito. Mula ng umuwi ako kagabi ay naging tahimik ako.

Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit nagkakaganito ako. Hindi mawala sa isip ko yung nangyari kagabi.

(Hours passed)
Natapos na ang klase namin ngayon hapon ng wala akong naintindihan sa mga lessons. Ni pag alis ng aming guro ay hindi ko namalayan. Masyadong okupado ang isip ko, na hindi ko mapaliwanag.

Nag aayos na ako ng gamit ko ng makatanggap ako ng text. Galing ito kay Xave. Bumuntong hininga muna ako bago ko ito buksan at basahin.

From: Xave
Let's talk. School garden.

Matapos basahin ay tinago ko na ang cellphone ko sa bulsa ko.

Napatingin naman sa akin si Cindy, napabuntong hininga naman ako bago magsalita.

Cindy, mauna ka na. May kakausapin lang ako. Umiling lang siya bago nakangiting sumagot sa akin.

Hindi. Iintayin na kita dito. Saan ka ba pupunta?

Sa school garden lang. Tumango ito bago ako nginitian. Pilit ko naman siyang nginitian. Alam kong nag aalala sakin si Cindy.

Nagsimula na ako maglakad papunta sa garden. Nang makarating ako ay humugot muna ako ng lakas ng loob at tuluyan pumasok.

Pagdating ko doon ay nakatayo lang si Xave habang nakatingin sa akin kaya nginitian ko siya.

Sige lang Gail! Ngiti ka lang!

Nang makalapit ako sa kanya, agad siyang nagsalita.

Xie and I are back together. Hindi ko mawari yung nararamdaman ko sa mga oras na ito. Alam ko na naman na nagbalikan na sila, bakit parang hindi ako masaya?

Tinapik ko naman siya. Congrats, nagbunga din yung plano mo. I-Iyon naman talaga ang gusto mo diba? Nakangiti kong sabi.

Yes. Seryoso niyang sagot. Matapos marinig ang sagot niya ay parang bumigat ang pakiramdam ko, parang babagsak ang mga luha ko. Bakit? Bakit ko nararamdaman ito?

Ito ba ang dahilan kung bakit mo ako gusto makausap? Kahit alam ko na ang sagot ay tinanong ko parin.

Yes, and also I want to inform you na tapos na yung pagtulong mo sa akin. Thanks for your help. Ayaw kong magselos pa si Xie at mag cause pa ng misunderstanding. Seryoso niyang sabi.

G-Ganun ba! W-walang a-anuman. Dapat tinext mo nalang, nag abala ka pa. Nakangiti kong sabi. Siguro mukha na akong tanga sa harap ni Xave kakangiti ko.

I-I'll go ahead. Xie is waiting. At nilampasan naman niya ako. Agad nawala ang ngiti sa mukha ko at nanghihinang napaupo.

A-ano ka ba Gail!! Bakit ka naiiyak? Dapat masaya ka kasi natulungan mo si Xave!! Tumahan ka na nga!! Dapat hindi ka umiiyak, wala ka dapat emosyon!! Sermon ko sa sarili ko habang pinapahid ang mga luhang tumatakas sa mata ko.

Mukhang kailangan mo nito. Napatingin naman ako sa panyong nakalahad sa akin at agad akong tumingala para makita kung sino ang nag mamay-ari nito.

Sky. Mahina kong bigkas ng pangalan niya.

Sige kunin mo na. Nakangiti niyang sabi. Agad naman akong napaiwas ng makita ang ngiti niya. Ang sakit makita ng pekeng ngiti ni Sky. Alam kong nasasaktan ko na siya.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon