-29-

251 17 0
                                    

[Gail]
Nang imulat ko ang mata ko ay nandito na kami sa tambayan. Agad ko naman inalalayan si Xave sa kwarto niya. Ang tagal bago ko siya nadala dahil sa bigat niya.

Nang makarating kami sa kwarto niya agad ko naman siyang inihiga sa kama. Tinanggal ko ang sapatos niya ng makahiga siya ng maayos. Bumaba din ako saglit para kumuha ng maligamgam na tubig at maliit na towel para mapunasan ko siya sa mukha.

Nang matapos ko gawin iyon. Umupo ako sa gilid ng higaan niya at pinagmasdan siya.

Hindi ko maitatanggi na meron siyang kaakit-akit na mukha na siyang dahilan ng pagkahumaling ng mga babae sa school namin.

Alam mo nakakainis ka, ang hilig mo sa gulo. Hindi naman ako palagi nasa tabi mo. Buti nalang sinundan kita, paano kung hindi? Anong mangyayari sayo? Mahina kong sermon sa kanya. Alam ko naman na hindi niya ako naririnig eh, kaya malakas ang loob ko na sabihin ito.

Paano ba ako makakalapit sayo? Bakit ang ilap mo sa akin? Dagdag ko pa. Hinawakan ko ang mukha niya. Ang ganda ng mga pilik niya.

Kung hindi ko kilala si Xave na gangster at ikukumpara ko siya sa nakikita ko malayong malayo siya sa pagkakakilala ko.

Napabuntong hininga naman ako. Alam kong mauulit na naman ang ganitong bagay lalo na't wala ako sa tabi mo lagi. Para masigurado ko na hindi ka masyadong masasaktan. Bibigay ko sayo ang kalahati ng proteksyon ko. Pagkatapos ko sabihin iyon ay agad ko siyang ginawaran ng halik sa kanyang noo. Agad naman nagliwanag ang paligid namin.

Ngayon, mapapanatag na ang loob ko dahil kahit wala ako sa tabi mo may proteksyon ka na kahit papaano. Magiging madali ang paghilom ng mga sugat mo. Pero mag-iingat ka parin dahil mga minor na sugat lang ang kaya ng proteksyon ko.

Pagkatapos ko sabihin iyon ay lumabas na ako sa kanyang silid.

Bago ako makalabas ay naagaw ng paningin ko ang larawan na nakalagay sa may lamesa niya. Nakataob ito. Dahil sa pagtataka, ay agad ko itong tiningnan.

Larawan ito ng isang babae kasama ang dalawang bata, siguro ay si Xave at Sammie ang mga bata. Agad naman napadako ang tingin ko sa babae na kasama nila, parang pamilyar sa akin ang mukha ng babaeng ito. Parang nakita ko na siya.

Nagkibit balikat nalang ako at binalik ang larawan saka ako tuluyan ng bumaba at bumalik sa aking silid.

(Kinabukasn)
Maaga ako nagising para maghanda ng pagkain ni Xave. Buti walang pasok ngayon pero kailangan ko pumunta ng school para sa SSC.

Pero bakit ganun? Kakaiba ang nararamdaman ko? Bakit parang hinihigop ang lakas ko? Hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Makalipas ang ilang minutong paghahanda nakaramdam ako ng may nakatitig sa akin. Agad ko naman itong nilingon.

Gising ka na pala. Halika nagluto ako ng umagahan. Nakatingin lang ito sa akin.

Bakit ako nandito? Sa pagkakatanda ko nasa bar ako at wala dito. Seryoso niyang tanong.

Oo tama ka nasa bar ka, sinundan kita kagabi dahil narining ko na may gustong bumugbog sayo. Kaya niligtas kita, hindi ko alam kung saan ka nakatira kaya dito kita dinala. Nakangiti kong sabi.

Bakit ba ang hilig mong makialam? Nagulat naman ako sa pagsigaw niya.

You know what? Pilit kang nilalayo ni Dos sa gulo but you still want to get involve. Hindi ko alam kung bakit ang laki ng tiwala sayo ni Dos. Patuloy niyang sabi.

Ayos lang sa akin ang simpleng pasalamat. Hindi mo naman ako kailangan sermunan sa mga bagay bagay Xave.

Don't call me Xave, hindi kita kaibigan para tawagin akong sa pangalan ko. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Pasensya ka na uno, sige kumain ka na. Kung masakit ang ulo mo dahil sa pag inom mo kagabi, may gamot akong hinanda. Sa sala lang ako. Malungkot ko siyang nginitian. Wag kang mag alala walang lason or kahit ano iyan, kaya wag kang mag dalawang isip na kainin iyan. At iniwan ko na siya at nagtungo ng sala.

Nang makarating ako sa sofa agad akong napahawak sa ulo ko. Anong nangyayari sa akin? Tiningnan ko din ang kamay ko nanginginig ito. Di ko mapaliwanag ang nangyayari sa akin.

Pinikit ko lang ang mata ko. At inihiga ang sarili sa sofa. Lumipas ang ilang minuto mas lumala ang nararamdaman ko, nanginginig na  ang mga kamay ko, nanghihina din ang mga paa ko.

Agad naman ako napatingin sa tao sa harap ko pero hindi ko siya makita ng maayos dahil nanlalabo ang mata ko. Iniling iling ko ang ulo ko nagbabakasakaling aayos ang paningin ko hindi naman ako nabigo.

Okay na ba? Ako na magliligpit mamaya. Paalis ka na ba? Nakatitig lang ito sa akin. Kailangan ko na siya mapaalis. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Pinagpapawisan na ako ng malamig.

Namumutla ka? Anong nangyayari sayo? Seryoso niyang sabi.

Ganito lang ako pag umaga. Tumayo na ako para ihatid siya, kaso bago pa ako makatayo ay natumba ako sa sakit na nararamdaman ko bakit nahihirapan ako huminga? napahawak ako sa dibdib ko dahil kumikirot ito.

Nagulat naman ako ng alalayan ako ni Xave.

You're not okay. Tingnan mo ang kamay mo nanginginig ka, mamumutla ka at pinagpapawisan. Balak ako iupo ni Xave pero bago niya magawa iyon ay tuluyan na akong nawalan ng malay.

[Xave]
(AN: for the first time nagka POV din siya.)
Nagulat ako ng bigla siyang mawalan ng malay. Agad ko naman siyang dinala sa kwarto niya and call Nana Ising.

Iho?

Nana, Nahimatay si Gail.

Ano!! Sige punta na ako diyan.

Dadalhin ko na siya sa hospital Nana.

Wag!! ... nagulat naman ako sa pagsigaw ni Nana.

Ang ibig kong sabihin ay wag mo siyang dalhin sa hospital, tatawagan ko ang personal doctor ninyo papapuntahin ko siya diyan. Ayaw ni Gail sa hospital.  At binaba niya ang tawag. Agad naman ako napatingin sa babaeng kasalukuyang nakahiga sa kama at pinagpapawisan.

Sino ka ba talaga? Bakit di ko magawang magtiwala sa sinabi ni Nana na ayaw mo sa hospital, nararamdaman ko na may iba pang dahilan.

Lumabas ako saglit ng silid niya, para kumuha ng maligamgam na tubig at towel para punasan siya. Pagbalik ko, mas dumoble ang pagpapawis niya nanginginig na din ito. May lagnat na din siya at mataas ito, sigurado ba si Nana na hindi siya kailangan dalhin sa hospital? Baka mamatay ito.

Tinuloy ko nalang ang balak kong gawin. Nang matapos ako tiningnan ko lang siya. Ano ba ang meron sayo? Sino ka ba talaga?

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon