(A/N: Super fast forward ulit. 2 weeks na ang nakalipas)
[Gail]
Pagdating namin ni Cindy sa school ay agad kaming dumiretso sa gymnasium dahil wala kaming klase ngayon. Dito kasi sa school namin gaganapin ang practice game mamaya pagkatapos ng lunch, makakalaban namin ang katabing school. Kaya pinapunta lahat ng year level para magpractice ng cheer para mamaya.Kailangan ba talaga natin umatend ng practice? Mahina kong tanong kay Cindy.
Oo naman, kailangan ng basketball team natin ng suporta lalo na't magagaling ang mga makakalaban nila. Pagpasok namin sa loob ng gym ay marami ng estudyante ang nandoon.
Nasaan kaya yung mga classmates natin? Tanong ni Cindy. Nilibot ko naman ang tingin ko para hanapin ang mga kaklase namin. Nang bigla kaming makarinig ng tilian sa di kalayuan sa amin. Kaya napaharap ako sa unahan, nagulat pa ako ng makita ko si Sky sa harap ko, nakasuot na ito ng jersey niya.
Ngumiti siya sa akin bago tumingin kay Cindy. Cinds, pwede ko ba hiramin yung kaibigan mo? Doon ko siya papaupuin sa bench namin. Kailangan ko kasi ng inspiration eh. Nagulat naman ako kay Sky dahil sa sinabi niya.
Oo naman. Nilingon ko naman agad si Cindy dahil sa pagpayag niya. Sinenyasan ko siya na parang tinatanong ko kung bakit siya pumayag. Aba! at ngumiti lang sa akin.
Let's go Gail? Sabay lahad ni Sky ng kamay niya. Napatingin naman ako sa paligid, lahat pala ay nanonood na sa amin, yung iba kinikilig, yung iba naman ay napairap nalang. Nang hindi ko pa kinukuha ang kamay ni Sky ay siya na mismo ang humatak sa akin papunta doon sa upuan nila.
Pagdating namin doon ay pinakilala niya ako sa mga ka team niya. Alam naman namin kung sino siya Vice cap eh, halos mahiya na nga ang recorder sayo kakakwento mo tungkol sa kanya. Sabi ng isang ka team ni Sky.
Napadako naman ang tingin ko kay Xave. Nakita kong seryoso itong nakatingin sa akin, kaya nag iwas akong tingin. Bakit ganun siya makatingin sa akin? Pakiramdam ko tuloy may ginawa akong masama, kahit wala naman.
Nag umpisa na ang practice game nila. Alam ko dalawang oras lang sila mag practice para hindi sila mapagod para sa laro mamaya.
So, ikaw pala si Gail. Agad naman akong bumati sa coach nila Sky. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.
Hello po. Ngumiti naman siya sa akin.
Kaya pala inspired si Park eh! Nanonood ang inspiration. Biro nitong sabi bago tumawa. Agad naman akong namula sa hiya. Bumalik na naman ito sa pokus sa panonood ng practice nila. Maya-maya ay dumating si Trixie, may dala-dala itong isang inumin na siguradong para kay Xave.
Hello po coach! Masayang sabi nito.
Trixie??! Nakabalik ka na pala?
Yes po coach, as an exchange student lang po.
I see. So, manonood ka ng practice?
Yes po, you know naman po na lagi ako nanonood ng game ni Vier. Ngumiti lang si coach kay Trixie.
Nang makalapit si Trixie sa upuan kung saan ako nakaupo ay tumabi siya sa akin kaya nginitian ko siya. Hindi na ako magtataka kung bakit pekeng ngiti ang ginawad niya sa akin, dahil nitong nakaraang linggo biglang nag iba ang pakikitungo niya sa akin.
Sandali naman kaming iniwan ni Coach dahil may kumausap sa kanya kaya naman naiwan kaming dalawa ni Trixie dito.
So, anong ginagawa mo dito? Nakatingin niyang sabi sa akin. Kakaiba ang paraan ng pagkakatingin niya sa akin parang pakiramdam ko ang nais niyang ipakahulugan ay dapat hindi ako nandito.
BINABASA MO ANG
Oh my Angel!
Fantasy• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members