-72-

235 19 0
                                    

[Dustin]
More glass. Agad kong ininom ang alak na binigay ng bartender sa akin. Nakakailang baso na ako pero wala parin epekto sa akin. Parang hindi ako nalalasing. Kahit ngayon lang, gusto kong malasing. Para kahit papaano malimutan ko ang mga nalaman ko.

(Flashback)
(A.N: ito yung after mag usap ni Dustin at nanay niya sa park)
Nagmamaneho ako ngayon papunta sa mansion.

Pagdating na pagdating ko ay agad kong inabot sa isa sa mga driver namin ang susi ng sasakyan ko at agad akong pumasok.

Sir, kanina pa kayo iniintay ng daddy ninyo. Bigay alam ng secretary ni Dad. Inihatid naman niya ako kung saan naghihintay si Dad.

Dinala niya ako sa study room.

Sir, nandito na po si Sir Dustin. Hindi naman sumagot si Dad sa kanya kaya nagpaalam na itong lalabas na.

Agad naman tumayo si Dad mula sa pagkakaupo nito sa kanyang silya.

Nanatiling seryoso ang mukha ko.

Ako ba talaga ay sinusubukan mo ha, Dustin?!!! Pinahiya mo ako sa business partners ko!!! Galit na sabi niya sa akin. Akmang sasampalin niya ako ng bigla akong magsalita.

Sasaktan ninyo din ba ako gaya ng pananakit ninyo kay Mom noon? Natigilan naman ito dahil sa sinabi ko at dahan-dahang binaba ang kamay.

W-what did you say?

Diba sinasaktan ninyo dati si Mom dahil inaakala ninyo na may iba siya pero ang totoo ay kayo ang may babae? Nagulat naman siya sa sinabi ko.

P-paano mo nalaman ang bagay na iyan? Galit ko siyang tiningnan.

So...hindi ko pala pwede malaman ang totoo? dati nagtataka ako kung bakit bago mamatay si Granny ay panay ang hingi niya ng tawad sa akin, now I know dahil siya ang dahilan kung bakit napalayo ako kay Mom. Siya ang dahilan kung bakit sira ang pamilya ko ngayon!!! Sigaw ko kay Dad.

I'm sorry son. Mahina niyang sabi.

Sorry... all this time Dad alam ninyo ang totoo pero ano ginawa ninyo?? hinayaan ninyo ako lumaking may galit sa kanya. Why Dad?!! Bakit??!! Tumutulo na ang luha ko.

I'm so sorry son, natakot ako na magalit ka din sa akin at iwan mo ako. Alam ko nagkamali ako noon pero pinagsisihan ko na lahat ng ginawa ko. Naghahanap lang ako ng tamang oras para sabihin sayo kaso habang tumatagal lumalayo ang loob mo sa akin. Please forgive me, son. Umiiyak na sabi ni Dad.

Napailing lang ako sa kanya. Hindi ko na kaya ang mga nalalaman ko. Pakiramdam ko isang malaking kasinungalingan ang buhay ko.

I can't Dad... give me more time. Hindi ko pa kaya ngayon. Tumalikod na ako at palabas na sana nang magsalita ulit ako.

...and one more thing Dad, kung gusto ninyo mapatawad ko kayo, hayaan ninyo akong gawin ang dapat ginawa ko na noon. At tuluyan ko na siyang iniwan. Nakita ko naman ang step mom ko kaso nilagpasan ko lang siya. At tuluyan na akong umalis sa mansion.

Pagkagaling ko ng mansion ay agad akong pumunta sa bar na lagi kong pinupuntahan. Inom lang ako ng inom. Hindi ko namamalayan umiiyak na pala ako. F*ck this life.

Umuwi akong lasing na lasing sa condo ko. Agad akong humiga sa kama ko. Tumutulo na naman ang mga luha sa mata ko. F*ck! Hindi ikaw ito Dust!

C'mon wake up Dust!

Agad naman pumasok sa isip ko ang sinabi ng babaeng iyon.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon