-77-

229 12 5
                                    

[Gail]
Nandito kami ngayon sa tambayan niya. Nakaupo lang kami dito walang nagsasalita samin.

So you help us again? Nagulat ako dahil bigla siya nagsalita.

H-ha?

Six. Agad ko naman nakuha ang ibig niyang sabihin.

Hmm... Sabihin na natin na binigyan ko lang siya ng payo na sa tingin ko ay makakatulong sa kanya. Nasa kanya parin ang desisyon pero sana magkaayos na sila ng kapatid niya. Hindi na naman ito nagsalita pa matapos kong sabihin iyon.

Flat woman. Napatingin naman ako sa kanya. Sanay na ako sa tawag niyang iyon sa akin. Wala din naman mababago kung sisitahin ko siya. Kung ano man ang gagawin ko, just promise me na you stay with me parin. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya pero napangiti ako.

Oo naman pangako. Nasa tabi mo lang ako kahit anong mangyari. At nginitian ko siya. Iniwas naman niya ang tingin niya sa akin.

Don't be flattered about what I've said. I-I c-considered you as one of my friends now. Nginitian ko parin siya. Masaya ako dahil masasabi ko ng malapit na ako talaga kay Xave dahil sa sinabi niya.

About Sky. Tumingin lang ako sa kanya. He said na he will court you.

Tumango lang ako sa sinabi ni Xave. He's a good man. I know he will love you sincerely and he will take care of you. Pilit ko lang siyang nginitian. Bakit ganun? Bakit may kakaiba akong nararamdaman?

Matapos niya sabihin iyon ay wala ng nagsalita sa amin. Wala din ako maisip na pag-usapan dahil hanggang ngayon iniisip ko parin yung kakaibang naramdaman ko. Hindi ko kasi ito maintindihan bago lang sa pakiramdam at hindi ko ito gusto.
——————————————————
[Sandrex]
Nandito na ako malapit sa bahay namin. Hindi ko magawang paandarin ang sasakyan ko papasok ng mansion. Natatakot ba akong harapin sila? O natatakot akong malaman na nagkamali ako? Na hinusgahan ko pala sila all this time?

Nilakasan ko ang loob ko at nagumpisa ng paandarin ang sasakyan ko.

Nang makarating ako ng mansion. Sinabi sa akin ng mga maids namin na nasa dining hall sila Dad at kuya kaya doon ako nagpunta.

Dad, I think hayaan nalang natin si Sand sa gusto niya. Siguro mali na yung ginagawa natin paraan kasi the more na ginagawa natin ito ay the more na lumalayo siya sa atin.

Sa tingin ko tama ka. Hindi ko na alam ang gagawin ko para malaman niya na hindi iyon ang nais nating marealize niya. I hope someday marealize niya na talaga.

Natigilan ako dahil sa narinig ko. Mali ba talaga ako ng iniisip? Hinusgahan ko ba talaga sila?

Pumasok na ako sa loob nagulat pa sila ng makita ako.

Sand. Tawag ni kuya. Tiningnan lamang ako ni Dad. Gulat din siya ng makita ako.

I'm sorry. Natigilan naman sila dahil sa sinabi ko. I'm sorry Dad for being an immature son. I'm sorry kung naging irresponsible ako. And kuya sorry din kung sayo ko lahat sinisisi ang insecurities ko. Na pinili kong lumayo sayo dahil akala ko nakikipag compete ka para sa atensyon ni Dad.

Son, we're sorry din dahil you feel that way but hindi iyon yung nais namin maramdaman mo. We want you to be responsible in everything and to be mature dahil soon ipapasa ko na sa inyo ang responsibilidad sa company natin. Your kuya needs your help dahil alam kong mas magiging maganda ang pamamalakad kung parehas ninyong pagtutulungan ito. Maraming umaasa sa company natin son at marami din gustong sirain ito. I want you to be prepared enough dahil lahat gagawin ng mga competitors natin to drag you and your kuya down. Sana maintindihan mo son. And I'm not comparing you to your kuya parehas ko kayong mahal so, wag na wag mong iisipin iyon. Agad akong lumapit kay Dad at niyakap siya. Ganun din ang ginawa ko kay kuya.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon