[Gail]
Ngayon kasama na namin sila Cindy, Sky at Four na nagsasaya ngayon. Nag picture lang kami ni Cindy dahil gandang-ganda kami sa fireworks. May mga pictures din kami kasama sila Sky. Niyaya naman ni Seven si Cindy sa dance floor kaya ang kasama ko ngayon ay si Sky, Treston, Four, Five at Si Xave na kanina pa tahimik mukhang malalim ang iniisip.Hindi rin nagtagal sinundo nila Seven si Tres, Four at Five at inaya sumama sa kanila. Inis pa nga si Five dahil dinamay siya ng medyo lasing nang si Seven.
Lalo tuloy nakakailang dahil kaming tatlo lang naiwan dito.
Tss. Napatingin kami kay Xave ng bigla itong umalis pumunta siya sa may drinks station.
Ummm... Gail. Napatingin naman ako kay Sky ng tawagin niya ako. Congrats nga pala ang galing mo kanina. Nakangiti niyang sabi sa akin.
Nginitian ko naman siya. Salamat ikaw din ang galing mo kanina mag host. Mukhang abalang-abala ka ngayon dahil sa school festival ah.
Oo nga eh. Madalang na tuloy kitang makasama. Natigilan naman ako dahil sa sinabi niya. (Buti pa siya lagi kang kasama.)
Ano iyong huli mong sinabi Sky? Hindi ko kasi narinig eh. Masyado kasing mahina ang pagkakasabi niya.
Wala, sabi ko dapat bumawi ako naging busy ako eh. Nakangiti niyang sabi.
Ako din naman eh. Naging abala din ako sa pag practice kaya ayos lang.
Ahhmm... Gail. Seryoso niyang tawag sa akin. Kinakabahan ako sa pagiging seryoso ni Sky. Tiningnan ko lang siya at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Alam kong sinabi ko sayo na maghihintay ako hanggang sa hindi na complicated ang sitwasyon, pero gusto na talaga kitang ligawan. Gusto ko ipakita at iparamdam sayo na sincere ako sa sinasabi ko sayong mahal kita. Ayaw kong manood lang sa isang tabi at walang ginagawa para ipakita sa taong mahal ko na mahal ko siya. Kaya sana payagan mo na akong ligawan ka. Hindi ko alam kung anong isasagot ko ngayon kay Sky.
Bakit kasi bigla niyang binuksan ang topic na ito? Nanatili akong tahimik, Cindy pwede bang sumingit ka muna dito o kahit isa sa 7aces manlang?
Alam kong kinausap mo na ako about dito. Don't worry I'll settle this I won't let anyone hurt you. Just allow me to court you Gail. Nakangiti niyang sabi.
Hey guys! Masyado kayong serious diyan. Let's have some fun. Pag putol ni Seven sa usapan namin, inakbayan niya si Sky at hinila papunta sa dance floor.
Nakahinga ako ng maluwag ng makitang nadala na ni Seven si Sky sa dance floor. Lumapit naman sakin si Cindy at nakangiti.
Magkwento ka later ha. At hinila na din niya ako sa dance floor.
——————————————————
Natapos na ang party. At ngayon ay isa-isa ng naguuwian ang mga estudyante.Nakatingin ako ngayon sa tatlong ito na nakaupo ngayon sa silya. Si Treston na nakatulog na sa sobrang kalasingan, ganun din si Seven. Si Four naman ay nakapikit lang habang nakaupo mahahalata mo na din na umeepekto na ang ininom niya.
Five. Kaya mo bang mag drive? Tanong ni Xave kay Five.
Yes. Ako ng bahala sa tatlong ugok na ito. Sagot ni Five. May umalalay naman sa kanya na member ng SSC na may dalang wheel chair para madala yung tatlo sa sasakyan ni Five.
Gail hatid ko na kayo ni Cindy. Nakangiting sabi ni Sky.
Sasagot na sana si Cindy ng biglang dumating si Liam.
Sky, we need to stay here para mamonitor natin lahat ng students na nakauwi and inform their parents. Tumingin naman sa akin si Sky.
Ayos lang Sky. Maiwan ka na dito. Tulungan mo nalang si Pressident. Nakangiti kong sabi kay Sky.
BINABASA MO ANG
Oh my Angel!
Fantasy• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members