[Gail]
Papasok na kami ngayon sa school ni Cindy at sinundo ulit kami ni Sky. Sabay sabay kaming tatlo, parang nakagawian na namin ito dahil mapilit si Sky na sunduin at ihatid kami. Sinabihan na namin siya na hindi naman niya kailangan gawin iyon pero makulit siya kaya hinayaan na namin siya.Cinds, busy ka ba ulit mamaya? Tanong ni Sky kay Cindy.
Oo eh, may review ulit kami mamaya. Bakit?
So, wala ulit kasama si Gail? May meeting ako mamaya kasama ang officer ng SSC.
Ano ba kayo, ayos lang ako no. Gawin ninyo na yung mga gagawin ninyo wag ninyo ako isipin. Pag sermon ko sa dalawa. Iyon pala ang iniisip nila. Ayaw lang pala nila na mawalan ako ng kasama.
Nakarating naman kami sa school, agad kaming pumunta sa mga rooms namin.
Gail, sorry talaga babawi ako promise. Sabi ni Cindy nang makaupo kami.
Ano ka ba sabing ayos lang. Galingan mo nalang sa pag rereview para manalo ka. Ayos lang naman ako. Parehas na parehas kayo ni Sky eh.
Ikaw ha, may dapat kang ikwento sa akin mamaya pag break natin. Nagtaka naman ako sa sinabi niya, tatanong ko na sana kung ano iyon ng biglang dumating ang prof namin.
Pokus lang kami sa buong oras ng klase. Ngayong break naman, nagyaya si Cindy dito sa paborito naming lugar, bitbit ang pagkain binili namin sa cafeteria.
Nang makaupo kami ay nagsimula na kaming kainin ang pagkain na binili namin.
Ikaw ha! Nakakatampo ka Gail, kala ko ba bestfriend mo ako? May himig ng pagtatampo niyang sabi
Oo nga bestfriend kita. Ano ba iyang sinasabi mo?
Hindi ka na nag kwento sakin. Porket busy lang ako sa academic club.
Ano ba gusto mong malaman? Tanong ko bago ako kumagat sa sandwich na hawak ko.
Kelan pa kayo naging sobrang close ni Sky?
Nililigawan ka na? Agad naman akong nabilaukan sa sinabi niya kaya inabutan niya ako ng inumin. Tiningnan ko lang siya ng masama, aba't nginitian lang ako. So, ano nga? Kwento na!Napailing naman ako sa sinabi niya bago ko siya sinagot.
Ayan ka na naman Cindy, magkaibigan lang kami ni Sky at hindi niya ako nililigawan. Siya yung madalas ko kasama kasi abala ka sa academic club. Tsaka anong masama kung maging close kami eh magkaibigan naman kami. Walang malisya iyon. Paliwanag ko kay Cindy.
Sayo wala, eh sa kanya mukhang meron. Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Cindy. Anong ibig niyang sabihin. Ay naku Gail, manhid ka ba? Naguguluhan naman ako sa sinasabi niya.
Anong ibig mong sabihin?
Hindi mo ba napapansin? parang may gusto sayo si Sky. Yung mga ngiti niya sayo, yung mga hatid-sundo niya sayo sa school at work, yung pagsama niya sayo kahit na ang dami niyang ginagawa. Wag mong sabihin na hindi mo napapansin iyon? Umiling lang ako sa sinasabi niya sa akin.
Ano ka ba Cindy, wag mo nga lagyan ng malisya yung mga pinapakita ni Sky sa akin. Sabi nga niya isa ako sa importanteng kaibigan niya tsaka hindi lang naman ako ang hinahatid-sundo niya ah! kasama ka din naman. Kaya wala lang iyon. Ikaw talaga kung ano-ano ang nakikita mo. Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Oh my Angel!
Fantasy• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members