[Gail]
Limang araw mula ngayon ay kaarawan na ni Treston. Ngayong araw din na ito ang tinakdang araw para makausap ko ang mga magulang ni Treston. Sabi ni tito Greg magkita daw kami sa Mcafe dahil doon niya ako pupuntahan para ihatid sa lugar kung saan kakausapin ko ang mga magulang ni Tres.Kasalukuyan akong papunta sa Mcafe. Kakalabas ko lang sa school. Magsasabi nalang ako kay ate Maggie na hindi ako makakapasok ngayon dahil may importanteng bagay akong aasikasuhin.
Nang makapagsabi ako kay ate Maggie. Ay nag intay nalang ako sa labas. Hindi naman nagtagal ang pag iintay ko dahil dumating na si tito Greg.
Ready ka na ba iha? Tumango lang ako sa sinabi ni tito Greg. At pinasakay na niya ako sa sasakyan. Habang nasa byahe kami ay kinakabahan ako, hindi ko kasi alam kung paano ko umpisahan kausapin ang mga magulang ni Treston.
Isang oras din ang tinagal ng byahe namin papunta sa lugar na pagkikitaan namin ng magulang ni Treston. Tumigil ang sasakyan sa isang magandang bahay. Sobrang laki ng bahay na ito. At nang maalala ko na si Treston lang ang nakatira dito kasama ang mga katulong at ilang kasambahay nila ay nalulungkot na ako. Huminga muna ako ng malalim bago bumaba.
Agad kaming pumasok sa loob, namangha naman ako lalo ng makita ko kung gaano kaganda ito sa loob. May sumalubong naman kay tito Greg pagdating namin sa sala. Kahit na may kaedadan na ito ay mababakas parin ang magandang pisikal na anyo nito. Nakasunod naman dito ang isang babaeng nasa edadan din nila at hindi ko matatangging napakaganda nito.
Greg, my friend, kamusta? It's been a long time. Masayang bati nito kay tito Greg.
Yeah, matagal tagal na rin Timothy. Agad naman napatingin sa akin ang mag-asawa.
Oh! May kasama ka pala. Maupo muna tayo.
Oh! This is Gail, isa sa kaibigan ni Treston. Gail, sila naman ang mga magulang ni Treston. Pagpapakilala sa akin ni Tito Greg. Actually, She's the one who wants to meet you personally. Tumingin naman si Tito Greg sa akin at nginitian ako. Maiwan ko na kayo. At umalis na siya.
So, iha bakit mo kami gustong ma meet? Tanong sakin ng nanay ni Treston.
Gusto ko po kasi kayong makausap tungkol kay Treston.
Anong tungkol kay Treston iha? Hindi agad ako nakasagot sa tanong ng nanay ni Treston dahil hindi ko alam paano ko sisimulang sabihin sa kanya yung sadya ko sa kanila.
Malungkot po kasi si Treston noong hindi kayo nakapunta sa performance niya sa sports festival namin sa school.
Hindi naman siya malungkot noong sinabi kong hindi ako makakapunta dahil may mga meetings ako noon. Mukhang masaya naman siya noong nakausap ko siya iha. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nila. Hindi kasi nila nakita kung paano umiyak noon si Treston at kung paano ito nalungkot na wala sila sa araw ng performance niya.
Sigurado po ba kayo na masaya talaga siya? Tinanong ninyo po ba siya kung masaya siya at ayos lang na wala po kayo? Hindi naman sila nag salita pagkatapos ko itanong sa kanila ang bagay na iyon. Base po sa reaksyon ninyo, ay hindi rin kayo sigurado. Alam ko pong wala po akong karapatan para makialam sa mga bagay na ganito, pero hindi ko po kasi kaya na makitang ngumingiti si Treston sa harap ng maraming tao para ipakita na ayos lang siya. Gaya po ng sinasabi ko sa iba importante po para sa akin ang mga kaibigan ko, at kaibigan ko si Treston kaya po gagawin ko ang lahat para bumalik ang mga totoong ngiti niya.
BINABASA MO ANG
Oh my Angel!
Fantasy• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members