-78-

242 14 0
                                    

[Gail]
Tumigil ang sinasakyan namin sa isang malaking bahay. Hindi ito kagaya ng mga mansion na madalas kong makita pero masasabing mong may kaya sa buhay ang nakatira dito. Agad naman sinalubong ng mga kasambahay ang nanay ni Xavereign para bitbitin ang pinamili nito.

Yaya, pakidala si Xavereign sa kwarto niya para makapagpalit ng damit. Pasabihan din si manang na magluto dahil may bisita tayo. Agad naman siya sinunod ng kasambahay na kausap niya.

Mamaya makikilala mo ang asawa ko nasa trabaho lang siya ngayon. Nakangiti niyang sabi sa akin kaya ngumiti nalang din ako. Pinaupo naman niya ako sa sofa pagkatapos ay nag paalam sandali para tawagan si ate Maggie.

Agad ko naman ginala ang mata ko sa kabuuan ng sala nila. Maganda ang pagkakaayos ng mga gamit nila simple lang ito pero mayroong pagka elegante. Nadako naman ang tingin ko sa mga larawan sa ibabaw ng isang kabinet kaya tumayo ako para tingnan isa-isa ito.

Puro mga larawan ni Xavereign noong bata pa siya at ilang larawan nilang buong pamilya. Sa pinaka dulong bahagi ng kabinet may nakita akong pamilyar na larawan. Dahan-dahan ko naman itong kinuha at tiningnan ito.

Isang larawan ng dalawang bata, isang batang lalaki na nakangiti habang nakayakap sa kanya ang batang babae. Tinitigan kong mabuti ang larawan, bakit mukhang pamilyar?

Mga kapatid sila ni Xavereign. Nagulat naman ako ng may nagsalita sa likod ko mabuti nalang hindi ko nabitiwan itong hawak ko. Agad naman akong nahiya ng makitang ang nanay ni Xavereign ang nagsalita, baka isipin nito na masyado akong pakialamera.

Binalik ko na ang larawan at humarap dito. Pasensya na po kung pinakialamanan ko po yung mga pictures. Agad naman itong lumapit at kinuha yung larawan na hawak ko kanina.

Ayos lang iha. Mga kapatid sila ni Xavereign. Nakangiti niyang hinaplos ang larawan kaso may kakaiba sa ngiti niya bakit parang may halong lungkot ito. Bago ako ikasal sa ama ni Xavereign ay may una akong pamilya. Kwento nito sa akin. Hindi ko na nga lang magawang makita sila dahil galit sila sa akin dahil iniwan ko sila. Wala rin silang ideya na may kapatid pa sila. Malungkot nitong sabi. Maraming nagsasabi sa akin na kamukha ko si Sammie, ang anak kong babae. Natigilan ako ng marinig ko ang pangalang binanggit niya. Imposible naman siguro ang iniisip ko? Madami naman Sammie ang pangalan dito sa mundo? At kamukha naman ng panganay kong si Xavier ang una kong asawa. Nakangiti nitong kwento. Natulala ako matapos kong marinig ang huli niyang sinabi. Napansin naman niya ito.

Iha, ayos ka lang ba? Nag-aalala nitong tanong.

I-ikaw?! Nauutal kong sabi. Ikaw ang nanay ni Xave na nang iwan sa kanya. Mahina at hindi makapaniwalang sabi ko.

Teka kilala mo ang anak ko?! Tumango ako sa tanong niya. Agad naman itong lumapit sa akin at maiyak-iyak.

Kamusta siya? Galit parin ba siya sa akin? Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya.

Pasensya na po pero wala po ako sa posisyon para sabihin sa inyo.

Naiintindihan ko, pero kamusta na ang anak ko?

Ayos naman po siya. Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko. Maari mo ba akong kwentuhan tungkol sa kanya. Tumango lang ako sa hiling niya at nag umpisang magkwento tungkol sa anak niya.

Ngumiti lang ito ng malungkot matapos kong ikwento ang tungkol sa anak niya.

Iha! Alam kong malaki ang utang na loob ko sayo dahil sa pagligtas mo kay Xavereign pero nais kong hingin ang tulong mo na sana ay makausap at makita ko si Xavier. Gusto kong humingi ng tawad sa nagawa kong pag iwan sa kanya at kay Sammie. Gusto ko din humingi ng tawad sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya at nais ko ding makilala niya si Xavereign. Gustong-gusto siya makita at makilala ni Xavereign. Kaya sana ay matulungan mo ako.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon