-36-

240 14 4
                                    

[Gail]
Natapos ang activity namin sa club at kasalukuyan akong naglalakad palabas ng university. Nang may tumawag sa akin.

Gail!! Pagharap ko mukha ni Sky na nakangiti ang bumungad sa akin. Halika ka na. Nakangiti niya akong hinawakan at nagsimula na siyang hilahin ako papunta sa sasakyan niya.

Habang hila-hila niya ako, hindi nakaligtas sakin ang mga mapanuring mata ng mga babaeng humahanga sa lalaking humahatak sa akin ngayon. Pilit ko naman hinahatak ang kamay ko pabalik kaso mahigpit ang pagkakahawak sakin ni Sky.

Nang makarating kami sa sasakyan ni Sky ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto. At nang masiguradong maayos na ay umalis na kami.

Sky, ano bang nangyayari? Naguguluhan ako sa mga kinikilos mo. Kala ko ba iiwasan mo muna ako sa school dahil may rason ka?

Ngumiti lang ito sa akin. At pinagpatuloy ang pagmamaneho. Tiningnan ko lang siya at bumunting hininga.

Nakarating naman kami sa park kung saan lagi kami pumupunta ni Sky. Hinila lang niya ako sa mga nagtitinda ng mga street food.

Com'on Gail, mamaya ka na mamangha sa kagwapuhan ko. Just eat okay. Nakangiti niyang sabi.

Nang makabili kami ng pagkain ay agad niya akong niyaya sa isang park bench. Naupo lang kami habang kumakain.

Sky, ano ba ang nangyayari? Bakit kinakausap mo na ako sa school? Mahina kong sabi habang nakatitig sa pagkain dala ko.

Dahil narealize ko na mali ang ginagawa ko. Dapat hindi ko ginagawa na iwasan ka, kaibigan mo ako at kaibigan kita. Kaya simula ngayon hindi na kita iiwasan at hindi na ako magpapanggap na hindi kita kilala okay?  Seryoso niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. Kung iniisip mo ang rason ko, ako na bahala doon at wag kang mag alala I'll protect you no matter what happens, para saan pa ang pagiging second leader ko ng 7aces kung hindi ko kayang proteksyunan ang kaibigan ko? At ngumiti siya sa akin. Agad ko naman iniwas ang tingin ko at binaling sa pagkain. Bakit ganun ang gwapo ni Sky sa pag ngiti niyang iyon? Tsaka bakit ang saya ko noong sinabi niya na proteksyunan niya ako?

Salamat Gail. Tumingin ulit ako sa kanya. Nagtataka ang mukhang binigay ko.

Para saan?

For helping me na sabihin kay dad ang problema ko. Because of you, nagkaayos kami. Nakangiti niyang sabi habang ang tingin niya ay nasa pagkain hawak niya.

Wala naman ako ginawa eh. Sinabi ko lang ang alam kong nararamdaman mo. Kagustuhan din ng dad mo na magkaayos kayo, kaya hindi mo kailangan magpasalamat sa akin. Alam kong masaya ka na na nagkaayos kayo ng dad mo iyon lang ang mahalaga sa akin. Ang maging masaya ka. Nginitian ko lang siya at binalik ko na ang tingin ko sa pagkain at sinimulan ko na itong kainin.

[Sky]
Masaya ako na ayos na kami ni Dad, thanks to this girl. I feel guilty dahil iniwasan ko siya for some reason na kaya ko naman solusyunan. Inexplain ko lang sa kanya na iyon ang dahilan ng pag-iiba ko ng pakikitungo sa kanya sa school kanina. Nagpasalamat din ako  sa kanya regarding sa pagtulong niya sa amin ni Dad.

Wala naman ako ginawa eh. Sinabi ko lang ang alam kong nararamdaman mo. Kagustuhan din ng dad mo na magkaayos kayo, kaya hindi mo kailangan magpasalamat sa akin. Alam kong masaya ka na nagkaayos kayo ng dad mo iyon lang ang mahalaga sa akin. Ang maging masaya ka.

Pagkasabi niya noon ay natulala lang ako sa kanya. Napahawak ako sa puso ko dahil ang bilis ng tibok nito. Pamilyar ang ganitong pakiramdam sa akin. Sa mga sandaling nakatitig lang ako sa kanya ay iba ang sayang nararamdaman ko. Iba ang pakiramdam ko dito... I think I'm..........










I'm in trouble...

Sky?? Sky?? Tawag sa akin ni Gail. Agad naman ako nabalik sa realidad mula sa malalim na pag iisip.

Ha? Ano iyon?? Nagpapanic kong sabi.

Sabi ko bakit bigla kang natahimik? Ano ang iniisip mo?

Ahh. Wala may naalala lang ako. Tumango lang siya sa sinabi ko. May napansin naman ako sa mukha niya. Agad naman akong natawa ng mahina at binigyan lang niya ako ng nagtatakang reaksyon.

Bakit ka natatawa Sky? Nagtataka niyang tanong.

Ang kalat mo namang kumain. At lumapit ako sa kanya at pinahid ang sauce na naka lagay malapit sa labi niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Tumingin lang ako sa kanya at ngumiti.

[Gail]
Nagulat ako sa ginawa ni Sky, nakatulala lang ako sa kanya habang siya ay pinagpatuloy na ang pagkain ng fish ball at kwek-kwek na kanina pa niya hawak.

Nanatili lang kaming ganoon ng ilang oras, kwentuhan, tawanan at kumain ng mga street foods sa park iyan lang ang ginawa namin.

Salamat sa libre Sky. Nakangiti kong sabi, kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse niya at balak niya ako ihatid sa tambayan na tinutuluyan ko.

Wala iyon. Sa susunod ulit. Nakangiti niyang sabi.

Nang makarating kami ay hindi na siya nag abalang pumasok dahil may dinner daw sila ng dad niya, natuwa naman ako ng malaman ko iyon kaya nagpaalam na ako sa kanya.

Ilang araw na din hindi nagpaparamdam sa akin si Shin, galit parin kaya siya sa akin? Napabuntong hininga naman ako dahil sa naisip ko. Inabala ko nalang ang sarili ko na maglinis at magpaghinga. Sigurado may panibago na naman akong haharapin kinabukasan.
--------------------------
(Kinabukasan)
Agad akong gumising at naghanda para sa pagpasok sa school. Nang paalis na ako ng bahay may napansin akong babae, teka pamilyar siya.

Ahmm... excuse me po. Ano po kailangan ninyo? Kayo po yung huli kong nakausap na nagkamali ng bahay, tama po ba?

Ahh oo pasensya na. At nagmadali itong umalis. Kakaiba talaga ang kinikilos ng babaeng iyon. Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy na sa pagpasok.

(Montereal University)
Nang makarating ako sa school ay may napansin na akong kakaiba sa kinikilos ng mga estudyante dito.

Nagulat naman ako ng may biglang humatak sa akin, at napag alaman ko na si Cindy pala ito.

Dinala niya ako dito sa garden na madalas namin puntahan.

Cindy, ano ba ang nangyayari? Bakit kakaiba ang kinikilos ng mga tao dito sa university?

Walang kakaiba sa kanila, sayo Gail, sayo meron. Naguluhan naman ako sa sinabi ni Cindy.

Ha? Anong ibig mong sabihin? May halong pagtataka kong tanong sa kanya.

Ikaw lang naman ang usapan ngayon dito sa university. Pagkasabi noon ni Cindy nagka ideya na ako sa nangyayari, isa lang ang masasabi ko sa ngayon...























Gulo ito...

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon