-4-

480 22 0
                                    

Gail's POV
Nakakainis iniwan niya lang ako dito pagkatapos ng ginawa niya. Paano ako babalik nito? Ginulo-gulo ko ang buhok ko sa sobrang inis. Ano na Gail? Patay talaga ako nito kay Clyne.

Nagulat ako ng biglang may nagpakita sakin.

Shin! Buti dumating ka. Tulungan mo ako nagkaroon ako ng maliit na problema. Agad kong sabi kay Shin.

Wag mong lakasan ang boses mo Gail nakikita ka nila. Baka pagkamalang kang nababaliw.

Agad akong tumingin sa paligid at tama nga siya nakatingin sakin ang ilang tao.

Kawawa naman siya girl siguro di na niya kinaya problema niya at nabaliw na siya. Narinig kong sabi ng babae at umalis na ito kasama ang isang babae.

Shin, anong gagawin ko? Paano ako makakabalik? Mahinang tanong ko kay Shin.

Hindi ko din alam Gail, wag ka mag alala tutulungan kita kakausapin ko si Clyne. Pero sa ngayon kailangan mo muna manatili dito sa mundo ng mga tao. Napaka laki ng ginawa mo Gail lumabag ka sa no. 1 na rule natin sabi ko naman sayo eh tulungan na kita sa msiyon mo. Sinabi ko din sayo na mag ingat ka sa misyong ito. Kalmadong sermon sakin ni Shin.

Pasensya na Shin. Malungkot kong tugon. Tulungan mo ako makabalik sa mundo natin.

Makakaasa ka na gagawin ko ang lahat makabalik ka lang sa ngayon kailangan mo muna mag tyaga dito at wag kang gagawa ng kahit anong problema ulit Gail. Kakausapin ko si Clyne. Magkikita ulit tayo. Mag iingat ka dito. Pagkatapos niyang sabihin yun agad siyang nawala. Napabuntong hininga nalang ako. Ano ba tong nagawa ko? Kasalanan talaga ito ng kapatid ni Sammie eh. Tapos ko na sana ang misyon ko. Hay! Saan na ako pupunta nito wala naman ako alam sa mundo ng mga tao.

Umalis na ako sa lugar na iyon naglakad lakad  lang ako. Hindi ko namalayan na gabi na pala, nasaan na ba ako? Nakakatakot na sa lugar na tinatahak ko. Malamang Gail buong maghapon ka na naglakad ng naglakad. Hay! Wala parin balita kung----

Tingnan mo nga naman oh si Xavier the great ay nandito. Narinig ko ang boses ng isang lalaki, agad akong nagtago sa isang eskinita at sinilip. May tatlong lalaki ang nag-uusap isang umiinom ng alak at yung dalawa naman ay kinakausap ito.

Nabalitaan ko ang nangyari sa kapatid mo. Namatay na pala siya. Nang-aasar na sabi ng lalaki. Hindi naman siya tinapunan ng tingin ng kinakausap niya patuloy lang ito sa pag inom ng alak niya.

Sayang nga lang namatay agad ni hindi ko manlang natikman ang kapatid mo. Aba!! Nasisiraan na ba siya bakit niya sinabi iyon? Napatigil sa pag inom ng alak yung lalaki.

Anong sabi mo? Malamig na tanong ng lalaki

Ang sabi ko, di ko manlang natikman ang kapatid mo mukhang masarap pa naman siya. Nang-aasar ba siya? Pwes mali siya ng inasar.

Gago ka pala eh!!! Sabay suntok ng kapatid ni Sammie sa dalawang nasisiraan ng bait na lalaki, pero dahil lasing siya di siya makalaban ng maayos hanggang sa napagtulungan na siya ng dalawa. Ano ba kasi ang laban niya lasing siya tapos yung kaaway niya nasa magandang kundisyon.

Mas gago ka!!! Salamat naman makakaganti na kami sayo!!! Matagal na namin gustong dungisan iyang mayabang mong mukha makaganti manlang sayo at sa grupo mo!!! Walang humpay na suntok ng lalaki sa kapatid ni Sammie. Hindi na ito makalaban, duguan na din ang mukha nito. Anong gagawin ko? Gagamitin ko ba yung kakayahan ko? Pero sabi ni Shin wag daw ako gagawa ng kahit anong problema. Pero... hay! Bahala na nga.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon