-34-

238 15 0
                                    

[Sky]
Ilang araw na ang nakalipas at nandito lang ako sa condo ko. Iniisip ko ang sinabi ni Gail. Kaya ko bang sabihin kay dad ang saloobin ko?

Nabalik naman ang isip ko mula sa malalim na pag iisip ng marinig na may nag doorbell sa condo ko. Tsk. Ang kulit nila tres ayaw ko nga muna ng kausap.

Tiningnan ko naman kung sino ito sa monitor na malapit sa pinto ko. Nagulat ako ng makita na si Butler Seo ito.

Binuksan ko ang pinto. Nag bow lang ito.

Young master, pinapatawag po kayo ni Master Greg sa mansyon ngayon. Magalang na sabi ni Butler Seo. Napabuntong hininga lang ako.

Paki intay nalang ako sa baba, mag bibihis lang ako. Nag bow lang ulit ito at umalis na. Nagsimula na akong mag ayos. What is it this time? May nagawa na naman ba ako? Pagkatapos ko mag ayos ay bumaba na ako sa lobby. Masugid naman nag iintay si Butler Seo, nang makita niya ako ay iginawi niya ako sa sasakyang dala niya.

(Park's mansion)
Sumunod lang ako kay Butler Seo. Dinala niya ako sa study room ni dad. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nag bow na siya. Nang makapasok ako agad kong hinanap ang taong nagpapunta dito sa akin.

Prenteng nakaupo ito sa sofa habang nagbabasa ng libro. Agad akong lumapit sa kanya. Naramdaman naman niya ang presensiya ko at sinarado ang binabasang libro.

Have a sit, young man. Kalmado niyang sabi.

What do you think you're doing, young man? Kalmado parin niyang sabi. Nakatungo lang ako.

Bakit hindi mo sinasabi na ako na pala ang may problema?

Agad akong napatingin kay dad ng marinig ko iyon. Anong ibig niyang sabihin?

Na kaya ka nagkakaganyan ay dahil sa akin. Masyado na ako abala para gawing perfect ang buhay mo, at sinantabi ko ang nararamdaman mo, masyado akong naging abala hubugin ang gusto kong pagkatao para sa anak ko without knowing na hindi na ito masaya at nasasaktan ko na ito. All of my life naging selfish na ama ako sayo, lahat ng gusto ko ginawa at sinunod mo, and still tinawag parin kitang disappointment. Hanggang sa humantong ka sa point na natatakot ka na magkamali sa mga mata ko. All I want for you is the best and perfect life pero sumobra na pala ako. I'm sorry son sa lahat ng nagawa ko. Can you forgive your selfish dad? Sunod-sunod na tumulo ang luha ko matapos kong marinig ang sinabi niya. Agad akong tumayo at niyakap siya.

Yes dad, pinapatawad ko na kayo. And I'm sorry dahil hindi ko naabot ang expectations ninyo. I tried very hard para maging perfect sa inyo but I failed dad. I'm sorry.

No son, ako ang dapat humingi ng tawad sayo. From now on be yourself. Dahil umpisa palang you meet my expectations, no, scratch that nalampasan mo pa ito. I'm so proud of you.

And one more thing, let's stop this cheesy thing, its kind'a awkward and embarrassing. Natawa naman ako sa sinabi niya at humiwalay na.

So let's have dinner together son. Pambawi ko sayo. Tinapik lang ako ni dad at umalis na siya. Walang paglagyan ang saya ko, finally ayos na kami ni dad.

Tama si Gail. Pero paano nalaman ni Dad ang saloobin ko? Di kaya? Imposible hindi naman kilala ni Gail si dad eh.

[Gail]
Kinaumagahan, papasok na sana ako sa school gate ng may humintong sasakyan sa harap ko. Agad namang may bumabang lalaki, nag bow lang ito.

Master Greg wants to talk to you, Ms. Dizon.

Hala! Anong gagawin ko? Nagalit ba siya sa sinabi ko kahapon? Ayan kasi Gail eh, walang preno ang bibig. Sana naman di nila ako saktan, pangako, ipepreno ko na ang bibig ko.

Nag aantay lang siya, tiningnan ko muna siya, pinagbuksan niya ako ng pinto. Napabuntong hininga muna ako bago sumakay.

Ah saan po tayo pupunta? May klase po kasi ako eh.

Nanatili lamang itong nakatingin sa daan. At hindi pinansin ang tanong ko.

Nakakabingi ang katahimikan at kanina ko pa kinukulit itong lalaking sumundo sa akin kung saan kami pupunta at hanggang ngayon hindi niya parin ako sinasagot.

Huminto naman ang sasakyan at bumaba yung lalaking kinakausap ko, bigla naman bumukas yung pinto sa tabi ko.

Nandito na po tayo, Ms. Dizon. Pormal na sabi niya. Agad naman ako bumaba at ginala ang mga mata ko sa paligid. Teka bakit nasa M' cafe kame?

Inaantay na kayo ni Master Greg sa loob Ms. Dizon. Nagbow lang ito sa akin. Naglakad naman ako papasok. Agad hinanap ng mata ko ang tatay ni Sky.

Kasalukuyan itong nakaupo sa pinaka dulong mesa ng cafe. Ngumiti lang ako sa staff dito. Lumapit lang ako sa mesa kung saan nakaupo siya.

Please have a sit Ms. Dizon. Pormal na sabi niya.

Umupo naman ako sa katapat na upuan niya.

Bakit po ninyo ako gustong kausapin?

Kinakabahan ako. May nasabi ba akong mali? Natural Gail, kinompronta mo siya tungkol sa kanila ni Sky.

Diba scholar ka sa Montereal University? Gulat naman akong tumingin sa kanya at napatango.

Hindi ninyo naman po ako tatanggalan ng scholarship dahil sa sinabi ko sa inyo? Tama po ba? Pagkatapos ko sabihin iyon ay bigla siyang tumawa ng malakas.

Nakatingin lang ako sa kanya habang tumatawa siya.

May nakakatawa po ba sa sinabi ko?

Wala naman iha, iyon ba ang iniisip mo kaya parang kinakabahan ka mula pa kanina?

Tumango naman ako sa sinabi niya.

I see. Kaya kita gustong makausap ay dahil gusto kong personal na magpasalamat sayo. Dahil sayo narealize ko ang bagay na dapat noon ko pa ginawa. Hindi sana sumama ang loob sa akin ng anak ko.

Wala po iyon. Mahalaga po sa akin si Sky. At gaya ninyo po kasiyahan lang po ang hangad ko para sa kanya. Ngumiti lang ako sa kanya.

Kung kailangan mo ng tulong ko iha, don't hesitate to approach me. I'm willing to help you iha.

Wala naman po ako hinihinging kapalit sa pagtulong ko. Bukal po sa puso ko ang matulungan si Sky.

I see, but if you need anything nandito lang ako iha.

Salamat po.

Sige na maari ka ng pumasok sa school, ipapahatid na kita kay Butler Seo.

Agad naman akong tumayo at nagpaalam sa kanya. Tumigil naman ako saglit at humarap sa kanya.

Sana po ay tuluyan na kayong magkaayos ni Sky. Mahal na mahal po kayo ni Sky at lagi niyang iniisip ang kasiyahan at ikakabuti ninyo. Ngumiti lang siya sa akin at tuluyan na akong umalis.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon