-23-

261 19 0
                                    

Gail's POV
(Kinaumagahan)
Maaga akong gumising para tulungan si Nana magluto ng pagkain namin. Naghanda na din ako para sa pagpasok ko sa school, ngayon ang araw para sa mga clubs sa school. May napili na din akong sasalihan.

Pagkatapos ng lahat ng gawain, nagpaalam na ako kay Nana na papasok na. Pinili ko ang maglakad nalang dahil mas gusto ko ito kaysa sumakay.

(Montereal University)
Naglalakad na ako papunta sa silid ko ng may mapansin ako.

Gail!! Agad akong lumingon sa tumawag sa akin.

Oh Cindy, itetext palang sana kita na andito na ako eh. May sasabihin pa sana ako kaso pinutol na agad niya ang dapat kong sasabihin

Bakit naka uniform ka? Wala tayong klase ngayon diba? Agad naman ako napatingin sa suot niya. Naka pang p.e uniform siya. At ganun din ang suot ng ibang estudyante.

Hindi ko ba nasabi sayo kahapon na ito ang isusuot?

Sa pagkakatanda ko wala ka nasabi sa akin Cindy.

Ooopss sorry... dala mo ba ang p.e uniform mo? Magpalit ka nalang?

Oo nasa locker ko siya. Agad naman niya ako hinatak papunta sa locker area. Nang makarating kami agad niyang pinakuha ang p.e uniform ko. Nang makita na niyang hawak ko ito tinulak na niya ako papasok sa changing room para magpalit.

Bilisan mo Gail. Mag o-audition ka pa. Bakit ba madaling madali si Cindy? Kinakabahan ba siya?

Ano matagal ka pa? At kinatok pa niya ang pintuan kung saan ako nagpapalit.

Oo na palabas na. Bakit ka ba nagmamadali? Ang aga aga pa. At binuksan ko na yung pinto at lumabas na ako, naabutan ko naman nakasimangot si Cindy.

Eh kasi mamaya mahaba na ang pila sa mga clubs kaya dapat makapag sign up ka na.

Ako lang? Bakit hindi ka ba mag audition? Umiling lang ito.

Kung dati ka ng kasali sa club pwedeng hindi ka na mag audition, kaya lang meron kasing mga members na naglilipat ng ibang club kaya choice mo kung mag audition ka or hindi. Sa mga sinalihan ko naman ay hindi ko na kailangan pang mag audition.

Ganun ba? Hindi ba ganoon kahirap para sa iyo dahil dalawa ang sinalihan mo?

Hindi naman, time management lang naman, pero mas abala ako sa SSC kaysa academic club. May limit na hanggang dalawang club ang pwede mong salihan gada school year.

Tumango lang ako sa sinabi niya. Nag umpisa na kami maglakad papunta sa silid aralan namin.

May napili ka na bang salihan?

Meron na kaso nagdadalawang isip pa ako sa napili ko.

Ganun ba, gusto mo pumunta tayo sa open area? Nandoon lahat ng booth ng mga clubs, maari ka mamili kung hindi ka pa sigurado sa napili mo.

Booths?

Oo, every school year naglalagay sila noon para makapamili ang mga students ng club na gusto nila tapos pagnakapili ka na saka nila ituturo sayo kung saan ang audition area nila.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon