-93-

272 14 0
                                    

[Gail]
Abala ako ngayon dito sa trabaho, medyo madaming tao kasi at madami din reservation.  Naglilinis ako ngayon ng table ng kakaalis lang na guest. Nang may yumakap sa aking bewang.

Ate Angel! At medyo tumawa pa ito ng mahina ng mapansin nagulat ako

Xavereign. Tawag ko dito sabay tingin kay Tita Celestine ngumiti naman ito sa akin.

Agad naupo si Xavereign sa upuan ng table na kakatapos ko lang linisin.

Break mo na ba iha? Tanong sakin ni Tita Celestine.

Hindi pa po. Tumango-tango naman ito, inabot ko na kay Tita Celestine ang menu.

Two carbonara, one pesto marinara. 2 milkshake and one green apple and cucumber lemonade. Agad ko naman sinulat ang order ni Tita bago ako nagpaalam para i punch ang order niya sa counter.

Nang magawa ko iyon, ay di naman nagtagal ay tinawag na ako para iserve ang order nina Tita Celestine. Pagbalik ko sa counter ay nandoon si ate Maggie.

Gail, mag break ka na then pumunta ka sa table nina Tita. Naguguluhan man ay sinunod ko na si ate Maggie.

Pumunta naman ako sa table kung saan nakaupo sina Tita Celestine kaya nung napansin niya ako ay nginitian niya ako.

Have a sit iha. Kaya umupo ako sa tapat ni Tita Celestine katabi ko si Xavereign.

Pinapunta ninyo daw po ako dito? Agad naman nilagay sa tapat ko ni Xavereign ang carbonara at milkshake. Ngumiti naman ako dito.

Yes iha, gusto ko lang makadinner ang girlfriend ng anak ko. Agad naman namula ang mukha ko dahil sa sinabi ni Tita Celestine, medyo natawa pa ito. Xavier told me na kayo na daw and I'm so happy iha that you end up together. Nakangiti nitong sabi. Buong break ko ay nagkwentuhan lang kami ni Tita Celestine.

Nang matapos ang break ko ay bumalik na ulit ako sa trabaho.
——————————————————
Natapos ang shift ko, at sobrang nakakapagod. Nag aayos na kami ni Cindy para umuwi.

Nagpaalam na kami sa mga kasama namin at lumabas na.

Paglabas namin ay may nakaparadang magandang sasakyan.

Mukhang sinusundo ka na ng boyfriend mo ah. Napatingin naman ako kay Cindy.

Baka hindi iyan si Xave hindi na— hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang lumabas ng sasakyan niya si Xave.

See? Hinatak na ako ni Cindy papalapit kay Xave.

Xave. Mahinang tawag ko dito. Nakatingin lang siya sa akin. Binuksan naman ni Xave ang pinto.

Hope in. Papasok na sana ako ng magsalita ito. What are you doing? Napatingin naman ako kay Xave matapos marinig iyon nakatingin siya kay Cindy na pasakay na sa likod ng sasakyan ni Xave.

Ahh. Hindi ba ako kasama? Hehe. Sorry. Nahihiyang sabi nito at sinarado nito ang pinto sa likod.

It's not like that. There's someone who wants to give you a ride. Parehas naman kami naguluhan ni Cindy sa sinabi ni Xave. Look behind you. Agad naman tumingin si Cindy sa likod niya. Agad naman kaming nasilaw sa ilaw na nanggagaling sa isang sasakyan. Nang mawala ito ay bumungad samin ang nakangiting mukha ni Seven.

Bumaba ito ng sasakyan at lumapit ito kay Cindy. A-Anong ginagawa mo dito abo?! Gulat na sabi ni Cindy.

Ngumiti naman si Seven kay Cindy. Nagiintay ng chicks. Napairap naman si Cindy kaya natawa si Seven. Psh! Sungit talaga. Sabay pisil sa ilong ni Cindy. Inis naman inalis ni Cindy ito kaya natawa ulit si Seven sa kanya agad naman nitong kinuha ang kamay ni Cindy at hinila papunta sa sasakyan nito.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon