[Gail]
Tahimik lang byahe namin at wala akong ideya kung saan kami pupunta. Hindi na din ako pamilyar sa tinatahak naming daan. Ang napapansin ko lang ay nasa main road kami na may dagat kang makikita. Tumigil ang sasakyan at bumaba si Treston, agad naman akong sumunod sa kanya. Nasa may dalampasigan na kami ng huminto siya at maupo sa buhanginan.Tiningnan naman niya ako, kaya lumapit ako sa kanya. Naupo din ako sa tabi niya. Ilang minuto ang lumipas ng walang nagsasalita sa amin kaya nagtanong na ako.
Anong gusto mong pag-usapan? Matapos kong itanong iyon ay hindi niya sinasagot kaya napatingin na ako sa kanya.
You know what? I don't trust you. Nagulat naman ako sa sinabi niya.
Alam ko naman iyon eh, hindi mo naman kailangan sabihin pa. Mahina kong sabi at iniwas ang tingin sa kanya.
But right now, I'm starting doing it. Napatigil ako ng marinig ko ang sinabi niya, kaya napatingin ako ulit sa kanya. Dos is right, you're totally opposite of what we're thinking. Kahit alam mong hindi kaibigan ang turing ko sayo at hindi tayo close, hindi ka nag hesitate na puntahan ako para i comfort at ipaalam sakin na handa kang makinig sa mga problema ko. Tumingin naman ako sa dagat bago ako magsalita.
Alam ko naman na hindi pa kayo nagtitiwala sa akin dahil natatakot kayo na maulit yung dati. Pero maniwala kayo, wala akong intensyon na ganoon dahil nakita ko kung paano ninyo pahalagahan ang pagkakaibigan ninyo. Tinuturing ninyo ang isat-isa na kapatid at kapamilya at hindi ko kayang sirain ang magandang samahan na meron kayo. Kung may problema ang isa sa inyo, handa ko kayong tulungan sa abot ng makakaya ko. Tumingin ulit ako sa kanya at ngumiti.
Hinawakan ko ulit ang pisngi niya gaya ng ginawa ko noon. Pangako, ibabalik ko ang mga ngiti mo Treston. Hindi ka na ulit magtatago sa mga pekeng ngiti mo. Tumulo naman ang mga luha niya kaya pinahid ko ito.
Salamat Gail, tulungan mo ako bumalik sa dating ako. Tumango lang ako sa kanya at binalik ko na ang tingin ko sa dagat.
You know what? This place is one of my favorite. Dito ako pumupunta pag gusto ko mapag isa. Pag tumitingin ako sa dagat gumagaan ang pakiramdam ko. Sabi niya habang binalik ang tingin sa dagat
Pero bakit dito mo ako dinala?
I don't know. Pero alam mo kapag kausap kita gumagaan ang pakiramdam ko. Kahit wala kang sabihin, kahit nakikinig ka lang you make people comfortable with your presence. Kaya kahit na nandiyan ang 7aces ay ikaw ang pinili kong sabihan. Paliwanag niya. Friends? Nakangiti ko naman itong tinanggap.
Friends.
-----------------------------------------------------------
Nandito na kami sa tapat ng apartment ko. Nagpasalamat lang siya at umalis na din.Pagpasok ko nag iintay na si Cindy sa may sofa.
Pwede ka na bang mag explain kung anong nangyayari? Tumango naman ako sa kanya. Nang makaupo ako ay nagumpisa na ako mag kwento sa kanya ng lahat ng nangyari.
Ay nako Gail, hindi porket kaibigan natin si Sky ay dapat lahat ng member ng 7aces ay kaibigan natin. Mahal ko pa buhay ko no! Ayaw ko masangkot sa mga away nila. Kaya ikaw tigilan mo na ang pagsali-sali sa mga problema nila.
Hindi naman siguro. Kaibigan ko sila kahit na ayaw nila sa akin. Iilan na nga lang ang kaibigan ko lalayuan ko pa sila. Pag mas nakilala mo sila Cindy, maiisip mo na hindi naman pala sila ganoong kasama gaya ng iniisip ng iba. Napabuntong hininga naman si Cindy.
BINABASA MO ANG
Oh my Angel!
Fantasy• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members