-26-

250 14 0
                                    

[Gail]
Tumigil kami sa isang kainan. Agad naman bumaba si Sky at pinagbuksan ako ng pinto. Nginitian niya lang ako pero ako nakatitig lang sa kanya.

Com'on Gail, we're supposed to celebrate, don't mind me. I'm okay. Nakangiti niyang sabi pero hindi niya ako maloloko sa mga ngiti niya.

Pagkaupo namin ay agad siyang nag order ng pagkain. Nakatitig parin ako sa kanya.

Masyado ka bang nagwapuhan sakin Gail at ganyan ka makatingin sa akin. Tumatawang sabi niya. Nginitian ko lang siya. Hahayaan ko muna siya mamaya ko nalang aalamin ang nangyayari sa kanya. Kahit iniiwasan nila ako mahalaga parin sa akin si Sky.

Dumating na ang pagkain na inorder niya at nagsimula na kami kumain.

Congrats Gail. Nakangiti niyang bati sa akin.

Salamat. Ngumiti lang ako sa kanya. Nanood ka pala kanina sa auditorium hindi kita napansin sa dami ng tao.

Yeah, hindi mo ba alam na naka live ang audition ng glee club kaya rinig kayo sa buong university. Agad naman ako nasamid sa sinabi niya. Inabutan naman niya ako ng tubig.

Anong sabi mo rinig sa buong university? Tumango lang ito.

Kaya nung narinig ko ang boses mo agad akong pumunta ng auditorium para makita kung sino ang nagmamay-ari ng boses na naririnig ko kanina sa buong university, nagulat pa ako ng ikaw ang makita ko na nag peperform, I never expect na ganoon kaganda ang boses mo, you know what, ang sarap pakinggan ng boses mo. Sabi nga ng iba para daw may dumaan na anghel habang nagpeperform ka. Nakakagaan ng pakiramdam ang boses mo. Masyado ako na amazed sa boses mo nakalimutan ko siyang irecord haha.

Nahihiya naman ako sa sinabi ni Sky sa akin. Nagpatuloy na kami sa pagkain.

Kamusta naman ikaw sa tambayan? At sa school?

Ayos naman ako sa tambayan. Kaya ko naman mag isa dapat hindi mo na inabala si Nana. Sa school naman medyo ayos naman ako nakakapag adjust na ako dahil tinutulungan ako ni Cindy. Siya yung nagpapaliwanag sa akin pag may hindi ako alam.

Buti naman at nakahanap ka ng kaibigan agad.

Sorry Gail, kung iniiwasan ka namin ayaw ka lang namin madamay sa gulong dala namin. And besides, nay inaasikaso din kami ngayon na importanteng bagay. Once na maging okay na don't worry hindi ka na namin iiwasan. Nakangiti niyang paliwanag.
Tumango tango naman ako sa sinabi niya. Buti naman at pinaliwanag na niya ang dahilan ngayon alam ko na, naiintindihan ko na.

Matapos namin kumain pumunta kami sa park. Nag ikot ikot lang kami doon ng ilang minuto. Pagkatapos namin maglibot umupo lang kami sa may duyan. Tahimik lang kaming dalawa. Ilang minuto din kami ganoon.

Okay ka lang ba Sky?

Alam kong kahit nakangiti siya sa akin, alam kong may problema siya. Nararamdaman ko iyon. Pwedeng pwede ko malaman kung ano ang problema niya gamit ang kakayahan ko kaso nirerespeto ko ang pribadong saloobin ni Sky. Hahayaan kong siya mismo ang magsabi nito sa akin.

Tumingin lang sa akin si Sky. Ngumiti ito ng mapait. Ibang iba sa ngiti ng masayahing Sky.

Oo Gail ayos lang ako......

...Ayos pa ako. Mahina niyang sabi sa huling salita.

Ngumiti ako sa kanya. Andito lang ako Sky, handang makinig sayo. Tumayo na ako, halika ka na Sky, maglakad lakad tayo. Tatalikod na sana ako ng bigla niya ako niyakap.

Gail... pagod na pagod na ako....

...sobrang pagod na ako. Hindi ko man maintindihan ang sinasabi niya. Niyakap ko nalang din siya pabalik.

Edi magpahinga ka, walang masama magpahinga Sky. Kung pagod ka na, mag pahinga ka muna tapos pag okay ka na saka ka ulit magpatuloy. Wag mong pwersahin ang sarili mo, hindi ibig sabihin na pagod ka na ay mahina ka na dahil lahat ng tao napapagod, kaya pag pagod ka na magpahinga ka lang at pag okay ka na at kaya mo na ulit saka ka magpatuloy. Humigpit naman ang yakap niya sa akin. Ilang minuto lang kami nanatili ng ganoong posisyon nang siya na mismo ang bumitiw sa yakap. Hindi naman nakatakas sa mga mata ko ang pagpahid ng luha niya.

Halika ka na Gail. Ihahatid na kita. Sigurado hinahanap ka na ni Nana. Ngumiti lang ako sa kanya at sabay na kami naglakad papunta sa kotse niya.

Nang makarating kami sa tambayan ay nagiintay na nga si Nana sa harap ng pinto.

Pasensya na Nana at ginabi kami. Hingi ko ng paumanhin kay Nana

Sorry Nana nag celebrate kasi kami ni Gail sa pagpasa niya sa glee club.

Ayos lang Sky iho, nag alala lang ako kay Gail dahil hindi naman niya nabanggit na gagabihin siya. Pinapasok naman na kami ni Nana pero si Sky ay hindi na daw papasok dahil uuwi na siya.

Nag paalam nalang ako sa kanya at inantay na makaalis ang sasakyan niya bago ako pumasok sa loob. Mukhang hindi lang si Xave ang misyon ko, ang hirap naman ng misyon ko.

Pag pasok ko agad naman ako kinausap ni Nana.

Gail iha, mawawala ako ng ilang araw dahil magiging abala sa mansyon. Kailangan lang ako ni Celine.

Ayos lang po Nana. Kaya ko naman po mag isa. Nakangiti kong sabi.

Sigurado ka ba? Inaalala lang kita dahil bago ka lang dito sa mundo namin. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya.

Opo Nana. Salamat po sa lahat ng tulong ninyo sa akin habang nandito ako. Nakangiti kong sabi.

Oh sya sige. Babalik din ako pag natapos ang gawain ko sa mansyon. Kumain ka na ba? Gusto mo bang ipaghain kita.

Kumain na po ako Nana. Magpapalit na po ako ng damit at tutulungan ko po kayo.

Naku hindi na, tapos ko na rin naman ang gawain. Magpahinga ka nalang sa kwarto mo. Tumango lang ako kay Nana. At pumunta na ako sa silid ko.

Ano kaya ang problema ni Sky? Sana nakagaan ng pakiramdam ang sinabi ko sa kanya para kahit papaano ay nakatulong ako. Ngayon ko lang siya nakita na nagkaganoon siguro ay sobrang bigat ng pinagdadaanan niya. Buti pa kaming mga anghel ang problema lang namin ay ang misyon namin pati narin kung papaano mapapataas ang aming rank, samantalang ang sa mga tao ay napaka komplikado.

Sana maging maganda ang araw bukas para sa akin at sa misyon ko.

Oh my Angel!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon