[Gail]
Ilang araw na ang lumipas, mula noong nakausap ko si Five hindi ko siya makita ngayon sa school kahit sa practice namin para sa festival na gaganapin ay hindi siya sumisipot. Ano na kayang nangyari sa kanya?Isa pa si Xave, mula noong insidente kay Chelsea hindi ko na siya makita. Iniiwasan ba ako noon? Akala tuloy ng mga tao sa school hiwalay na kami at ikinatuwa nila dahil may pag asa na daw sila tapos karma ko daw iyon dahil malandi ako. Napabuntong hininga nalang ako, pakiramdam ko tuloy parang bumalik na naman ako mula sa umpisa ng misyon ko.
Tungkol naman sa kakayahan ko...
...Ito ang ikinababahala ko dahil habang lumilipas ang araw nararamdaman ko ang panghihina ko at nung huli nawala na ang koneksyon ko sa kanilang nararamdaman.
Gail focus nag paflat ka!! Inis na sabi ni Sir sa akin. Agad naman naputol ang pag iisip ko.
Pasensya na po.
Mag break muna kayo. At tiningnan naman niya yung pag practice ni Seven. May solo kasi sila ni Five tapos duet naman kami ng isa kong ka member.
Agad akong naupo sa isang tabi, excuse kami sa klase ngayon dahil sa paghahanda sa festival. Taon taon daw itong pinaghahandaan ayon kay Cindy. Nagpaalam naman ako kay Sir para pumunta ng ladies room.
Paglabas ko ng ladies room ay nakita kong nagiintay sa labas si Treston.
Ngumiti ito ng mapansin ako. Agad naman niya inabot ang tubig na dala niya. Narinig kong todo ang pag practice ninyo kaya dinalhan kita ng maiinom. Nakangiti niyang sabi.
Ahhmm... salamat. Balita ko kayo din todo practice din kayo para sa festival. Napahawak naman siya sa batok niya na parang nahihiya.
Uhmm... oo, panoodin mo yung performance ko may solo kasi ako. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Nagpaalam na ako sa kanya at ganun din siya.
Pagdating ko sa club room namin nakita kong nagiintay sa labas si Sky kaya nilapitan ko siya.
Sky anong ginagawa mo dito? Tanong ko sa kanya ng makalapit ako.
Inabot naman niya sa akin ang isang sandwich at tubig. Baka kasi hindi ka pa kumakain kaya dinalhan kita.
Nagpasalamat naman ako sa kanya at ngumiti. Diba abala kayo Sky? Wag mong sabihin na---
Nagpaalam naman ako kay President tsaka gusto kitang makita kahit saglit lang. Nahihiya at namumula niyang sabi. Napangiti naman ako dahil ngayon ko lang nakita ng ganun si Sky.
Sige na bumalik ka na doon. Salamat dito. Nakangiti kong sabi at nagpaalam na akong papasok na sa loob.
(Few hours passed)
Hay... sa wakas natapos din! Kapagod mag practice. Binilinan lang kami ni Sir bago pauwiin ng ilang paalala.Habang nag iintay ng masasakyan pauwi ay naalala ko nga pala na ako ang pinakiusapan ni Cindy na bumili ng grocery namin dahil day off ko ngayon. Nang may masasakyan na ay agad akong sumakay.
-----------------------------------------------------------
Nang matapos akong mamili ay naglalakad na ako papunta sa sakayan, nang mapansin ko si Five, lalapitan ko na sana siya nang mapansin ko na may pinapanood siya. Sinundan ko kung saan siya nakatingin, nakita kong sa isang babaeng abala magtinda ng mga prutas. Nang ibalik ko ang tingin ko kay Five ay nakita kong parang may pinapahid siya sa bandang mata niya. Hindi kaya??!!
BINABASA MO ANG
Oh my Angel!
Fantasy• Completed • First story • bts and yoona story •includes: character chapters and side story of 7aces members