I

15.9K 205 9
                                    



MUNTIK ng iatras ni Brien ang kanyang Dogde Charger ng makita ang isang lumang dilaw na pick-up truck sa garahe ng tahanan ng kanyang mga magulang. Ang pick-up ay pag-aari ng kanyang lolo. Lolo niya na ama ng kanyang nasirang daddy. At nakatitiyak siya na hindi mag-isa ang kanyang lolo. Siguradong kasama nito ang iba pang elders––na binubuo ng mga kapatid nito na lolo naman ng iba niyang mga pininsan.

Did something happen? Sana lamang ay wala. Sana'y isa lamang ito sa mga casual visits ng elders. Elders comprised the older members of the de Gala clan. Mga lolo nilang magpipinsan na nakatira ditto mismo sa lupang kinaroroonan niya ngayon. It was a huge estate here in Baguio. Parang tulad rin ng Kanaway. Ngunit mas higit na pribado dahil tanging pamilya de Gala lamang ang nananahan.

Maliban sa mga lolo at lola nilang magpipinsan ay naroon din ang kanilang mga magulang. His mother in particular, while his father had died ten years ago. Pero hindi naman nag-iisa ang mommy niya. Kasama nito ang kanyang nakababatang kapatid na si Elia. His sister visits Kanaway from time to time subalit dito talaga sa lugar ng mga elders ang tunay nitong tirahan.

Pagbaba niya ng kotse ay kaagad siyang umibis at lumakad patungo sa pinto. Lalapat na lamang ang kanyang kamay sa malaking pinto upang kumatok ng bumukas iyon. Tulad nga ng kanyang inaasahan ay lolo niya ang bumisita. Si Jeronimo de Gala, ang siyang pinakamatandang miyembro ng kanilang angkan dahil ito ang pinakapanganay sa lahat ng mga kapatid. Kasama nito ang mga kapatid na sila Maximo, lolo ni Achaeus, at si Patricio na lolo naman nila Yanno at Migo.

Kung nasorpresa ang mga ito sa pagkakita sa kanya ay hindi nagpahalata. Lalo na ang kanyang Lolo Jeronimo. Sa edad nito sa seventy-eight ay matikas pa rin ang tindig nito at hindi kakikitaan ng senyales na tila ba maari na itong mawala anumang oras. The old man's face and stance exudes authority. Ang tanging panahon lamang na naaalala niyang nag-crack ang kapormalan sa mukha nito ay iyong panahon na namatay ang daddy niya.

Remembering his father tightens a knot inside his chest. Ngunit kaagad niyang pinalis sa isip ang mga alalahanin.

"Lolo Jeronimo, Lolo Max, Lolo Pat," pag-acknowledge niya sa mga ito sa kaswal na tinig at ekspresyon.

"Mabuti at inabutan kita rito," tugon ng kanyang Lolo Jeronimo sa mas higit na pormal na tinig at anyo. "You're a real disappointment to this family. You and Migo."

He was suddenly alert. The old man says those words without even batting an eyelash. The old man's choice of words only meant one thing.

Liam.

"Nagiging palaaway raw sa eskwela ang iyong anak. Kasalanan mo iyon."

His instinct was right. Something happened to his son. Or maybe his son did something.

Hindi na siya hinintay na tumugon ang matanda. Nilagpasanan na siya nito kasama ang mga kapatid. Ano rin ba ang dapat niyang maging tugon sa mga sinabi nito? He decided to step inside without giving a backward glance to the elders.

His parent's house was a chalet bungalow type. It was old but clean and has an easy and homey vibe on it. Regular na pinapipinturahan iyon ng kanyang ina kaya't maganda pa ring tingnan sa kabila ng katandaan. May tatlong silid, isang dining area, kitchen at dalawang restrooms na kasama na ang shower rooms. Walang anuman ang nabago mula ng magkaisip siya. Kung ano ang nakagisnan niya'y ganoon pa rin hanggang ngayon.

Everything reminds him of his old days. Lalo na noong nabubuhay pa ang daddy niya.

Tumungo siya sa kusina. His mother was there. Kagyat itong tumingin, marahil ay nadama ang kanyang presensiya. Lumapit siya sa ina at hinagkan ito sa noo. Napansin niya ang tamlay sa mga mata nito.

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon