VI

4.9K 117 4
                                    


HABANG pababa si Paola ng hagdan ay sumalubong sa kanya ang mabangong amoy. Tinahak niya ang daan patungo sa kusina. Ilang minuto lamang ang nakakaraan ay kumatok sa pinto ng silid na kanyang inookupa si Elia. Ginising siya nito upang sabihin na handa na ang almusal.

Pagtapak niya sa may bungad ng kusina ay hindi kaagad siya tumuloy. Nagulat siya ng makita na ang naroon at nagluluto ay si Brien. Habang si Elia ay nakaupo naman sa mesa. Nagtatawanan ang magkapatid.

And Brien... he was wearing white once again. But a white apron this time. He looked astonishingly adorable in his cooking attire. Tila ba sanay na sanay talaga ito sa pagluluto kung kumilos sa kusina.

"Paola, please do come here bago pa maubos ni Elia ang mga niluto ko."

Napakurap si Paola. Kapwa na nakatingin sa kanya ang magkapatid. Brien's eyes were smiling. Mas lalo pa itong naging kaaya-aya sa paningin niya.

"Hey, what do you think of me, Kuya? But yeah, pumasok ka na rito, Paola."

"Marunong kang magluto?" tanong niya kay Brien ng tuluyang makaupo. Simple lamang ang mga pagkaing nakahain. Typical breakfast. But still.

Habang tumatagal ay pahaba ng pahaba ang listahan ng mga good qualities ni Brien.

Hey, what list?

"Yes," ani Elia na siyang pumukaw sa itinatakbo ng pag-iisip ni Paola. "Magaling magluto ang mga lalaki sa pamilya namin. You should meet our male cousins. But my Kuya Brien here was the real master chef."

"Talaga?" napapangiti si Paola. Parang nakikita niya si Brien na nagluluto ng puspusan ng isang espesyal na putahe.

Lumawak ang ngiti ni Brien. "Well..."

Napatawa na ng tuluyan si Paola. Kakaibang sigla ang hatid sa kanya ng ganitong normal na usapan at pagtrato. As if she isn't strange looking. Mas lalo siyang napapanatag.

The rest of their breakfast was enjoyable. Maganang nag-uusap ang magkapatid. Matiyaga naman siyang nakikinig sa mga ito. Isinasali rin siya ng mga ito sa usapan but of course, she can't say much.

Matapos ang almusal ay nagpaalam na si Brien.

"I'm going to the hospital," paalam ni Brien sa kanya. "Tawagan mo ako kapag may kailangan ka."

That brought a warm and fuzzy feeling inside her. I want to touch your hand, gusto sana niyang sabihin. But she kept still. Nakuntento na lamang siya na sundan ng tingin ang likod ng binata.

"Hey."

Kagyat na napabaling si Paola kay Elia. Nag-iinit ang mukha niya dahil huling-huli siya nito na nakatitig kay Brien. Gayunpaman ay walang sinabi ukol roon si Elia. She looked casual. Na labis naipagpasalamat ni Paola.

"Sumama ka sa'kin sa taniman, ha, Paola? Siguradong maaaliw ka. Naroon sila Teyonna, Jules at Ching. At iba pa na hindi mo nakilala kahapon. Magugustuhan mo sila, sigurado ako."

STRAWBERRIES, cabbages and other fruits and vegetables. And flowers as well. Iyon ang mga pananim sa bahaging taniman ng Kanaway. Habang patungo sila roon ay bahagyang ipinaliwanag sa kanya ni Elia ang pagkakabuo ng Kanaway.

She thought the place was beautiful. The houses were big and uniquely built. Bawat bakuran ay naka-landscape ng mga magaganda at namumulaklak na halaman. Brien said it was a small village. But there was nothing small about it.

Sampung taon na raw mula ng madevelop ang Kanaway. Ngunit nasa pitong taon pa lamang mula ng magsimulang panahanan ng mga tao. Their family was of Spanish descent. May lahing Igorot din daw ang mga ito. Their great grandfather was half-Spanish, half-Igorot.

Tungkol naman raw sa kulay ng mga mata ni Brien, namana raw iyon ng binata sa ina ng mga ito na half-American.

Sa gitna ng taniman ay mayroong kubo. Na sa tingin naman ni Paola ay hindi na maituturing na kubo. May isang silid, at may dining area din. Pagdating nila roon ay may mga bagong ipinakilala si Elia. A certain Raya, another cousin. At ang hipag nito na buntis, si Micah. A very charming woman. Ang naroon lamang sa pagkakataong ito ay sila Jules at Ching. May pinuntahan raw na business meeting si Teyonna habang si CJ ay nasa Maynila para sa isang shoot.

Nag-e-enjoy siya sa pakikinig sa pag-uusap ng magpipinsan. Wala naman siyang mai-se-share na kwento gustuhin man niya. She can't remember a thing. Though last night, there were bits and pieces of a dream. Pero hindi niya iyon gustong i-share sa kahit na sino.

Someone was saying the name Jaquelyn over and over. But who is Jaquelyn? Siya ba iyon? Maari. Pero maari ring tao na malapit sa kanya.

But if that was her real name, then she's just too glad to know it.

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon