HINDI mapigilan ni Jaquelyn ang pagsulyap-sulyap sa batang lalaki habang kinakain nito ang sandwich na kanyang ginawa. Hanggang ngayon ay in-a-absorb pa rin niya ang katotohanan na anak ni Brien ang sampung taong gulang na batang lalaki.
Brien doesn't look someone in his late thirties. Or is he? Sa tingin niya thirty lamang ito or thirty-one. If that's the case, ibig sabihin ay bata pa ito when he had Liam.
Elia didn't say much. At hindi rin niya tinangkang magtanong. Nagkasya na lamang siya sa mga paliwanag na sinabi ni Elia kahapon.
PAGBUKAS ni Jaquelyn ng pinto ay bumungad sa kanya si Elia. Sa tabi nito ay ang isang batang lalaki na... malaki ang pagkakahawig kay Brien. Perhaps their younger brother?
"Kumusta ang mama n'yo?" tanong ni Jaq ng makaupo na sila sa sala.
"She's better now. Nakalagpas na siya sa kritikal na kondisyon," tugon ni Elia.
Mukha itong pagod na pagod dahil sa pagkahapis sa mukha nito. Habang ang bata naman sa tabi nito ay tahimik lamang na nakaupo bagaman ang mga mata nito ay nakatutok sa kanya. She really does remind her of Brien.
"Oh, by the way, Liam, this is Tita Jaquelyn, she's my and your daddy's friend," pakilala ni Elia kay Jaquelyn batang katabi nito. Hindi tiyak ni Jaq kung nakaringgan lang niya ang salitang daddy. But when Elia looked at her, alam niya na may sasabihin ito na dapat niyang paghandaan. "Jaquelyn, this is Liam. He is Kuya Brien's... son."
Tila may nagbagsakang mga bakal sa paligid ni Jaquelyn. Brien's son? Lumipad ang nanlalaking mga mata niya sa bata. Sinalubong naman ng bata ang kanyang paningin. And yes... walang duda na anak nga ito ni Brien. If Brien has a son... then he must be...
Lumipat ang kanyang paningin kay Elia. "Where is his... wife?" kung nailabas ba niya ang tinig ay hindi nakatitiyak si Elia.
Sa halip na tumugon ay bumalik si Elia sa bata. Hinaplos nito ang buhok ni Liam. "Liam, you said you want to get to the bathroom when we get here?"
Walang salitang tumayo ang bata at tumungo sa direksiyon kung saan naroon ang restroom. Nang makatiyak na wala na sa hearing distance ang bata ay saka pa lamang nagsalitang muli si Elia.
Jaq's heart was thumping so hard against her chest. She was dreading to her the inevitable. Nakasunod ang kanyang mga mata sa pagbuka ng labi ni Elia.
"Walang asawa si Kuya. At kami ni Mama ang nag-aalaga kay Liam."
Pakiramdam ba ni Jaq ay sadyang iyon lamang ang gustong sabihin ni Elia kaya't hindi na siya nagtanong pa patungkol roon. It's just a relief na walang asawa si Brien. Na wala siyang sinisirang pamilya.
"How is Brien?" sa loob ng halos isang linggo ay hindi niya nakita ang binata. Though he called several times to check on her. hindi niya mapigilan ang pag-aalala
"He's fine but I'm worried na kung hindi pa siya uuwi at matutulog ng normal ay baka bumigay na rin siya. Kaya ko dinala dito si Liam ay para si Kuya muna ang bahala sa bata habang ako naman ang magbabantay kay Mama sa ospital. I'll ask our other cousins to look after you and Liam sakaling ayaw pumayag ni Kuya at gusto lang na mag-stay sa bahay namin sa Baguio."
She knows that Elia meant well by what she said. Subalit sa bahagi na gusto nito na pabantayan pa siya at ang anak ni Brien sa mga pinsan nito ay hindi niya gaanong gusto. Malakas na siya. Maliban sa nawawalang memorya ay nag-fa-function ang lahat ng bahagi ng kanyang katawan.
She can take care of herself and the boy as well. Masyado ng maraming nagawa para sa kanya ang magkapatid maging ang buong pamilya ni Brien para hindi niya magawa ang maliit na bagay na pag-aalaga sa anak nito.
"Kailan ka aalis?" kanyang tanong kay Elia.
"Bukas ng umaga."
"Ako na ang bahala kay Liam," kagyat niyang deklara na hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Elia.
Gaya ng inaasahan ay bumakas ang pagkagulat sa mukha nito. "Are you sure?"
"I've never been sure since I woke up from my hospital bed."
Sa bahaging iyon ay napangiti si Elia. She smiled too upang bigyan ito ng assurance. Natuwa siya na hindi na ipinilit ni Elia na paalagaan sila ni Liam sa mga pinsan nito. She was empowered by the trust. And nervous at the same time.
Simula ng iwan ni Elia si Liam sa pangangala ni Jaq ay marami na siyang nadiskubre sa kanyang sarili. She knows how to cook. She didn't recall herself cooking. Subalit habang kumikilos siya sa kusina ay nakadarama siya ng familiarity.
She prepared Liam's sandwich and she think its edible dahil nakakapangalahati na ang bata. And speaking of the child, ngayong maghapon ay wala pa yatang sampung kataga ang naging pagpapalitan nila ng mga salita. Marahil ay nahihiya ang bata. She wanted to try subalit mukhang wala itong gana na makipag-usap. He just sat there at the couch in the living room while reading.
Siya man ay nagbabasa rin ng libro na nakuha niya sa mini shelf na nasa may corner ng hagdan.
Subalit makalipas pa ang ilang sandali ay hindi na siya makatiis. She needed to say something. Anything. Basta't mag-usap lamang sila ng bata. She cleared her throat when she heard the knocking on the door.
Saved by the bell or rather, disturbed by the bell.
Gayunpaman ay tumayo pa rin siya upang pagbuksan ng pinto kung sinuman ang kumakatok. Must be one of Brien's cousins––but it's not. Dahil si Brien mismo ang kumakatok sa pinto.
"Brien," bulong niya para sa sarili lamang. The week felt like a year lalo na ngayong nasa harap na niya ito. She stared at his tired and haggard face na sa halip ay mas lalo pang dumagdag sa appeal nito.
He was staring at her as well. With a longing look on his face. She would have reached for his face ng mapansin niya may dala itong mga bag. Sa halip ay sa mga iyon tumungo ang kanyang kamay. "Tutulungan na kita."
"No need," maagap na naiiwas ni Brien ang mga dala. "I can handle this." Sa halip ay ibinagsak nito ang mga iyon at kinabig siya upang yakapin. "And instead, you can help me with this." Huminga ito ng malalim.
She rubbed his back using her hands. She could feel the tensing of his muscles. He was bigger than her in every way. Walang bahagi ng katawan ni Brien ang hindi matigas. Ngunit sa mga sandaling ito ay dama niya na mas higit siyang malakas rito. Lumipat ang kanyang mga kamay patungo sa buhok nito. Hinaplos niya ng paulit-ulit ang buhok nito hanggang sa madama niya na unti-unting humuhulas ang tensiyon sa malaking katawan nito.
"Everything okay?"
Unti-unting inilayo ni Brien ang sarili bagaman nahawak pa rin ang mga kamay nito sa kanyang baywang. "Yes... yes."
Kinuha niya ang magkabilang palad nito. "Your son is here."
"Yeah, where is he?"
Nagpatinuna siya sa pagpasok sa loob. "Liam, narito na ang daddy mo," masiglang turan niya sa bata.
Mula sa pagbabasa ay nag-angat ng paningin ang bata. Jaq was expecting to see him smile, get excited. Or anything. Just any reaction. Sa halip ay tumango lamang ito bago ibinalik ang atensiyon sa pagbabasa. She can't believe how cold his eyes were. That exact moment his eyes were ice cold blue.
At bago pa niya malimi kung bakit ganoon ay naroon na rin si Brien sa sala.
"Hi, Liam."
"Hi," balik na pagbati ng bata na hindi man lamang nag-angat ng paningin.
Jaq was ashtonished habang pinaglilipat ang mga mata sa mag-ama. Para bang normal lamang sa mga ito ang ganoong batian. Not even a warm smile.
BINABASA MO ANG
Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)
Romance"When I said that I love you, I meant it as a promise, and I mean forever." Brien de Gala doesn't want to have a serious relationship. Kontento na siya sa kanyang kasalukuyang lifestyle-casual dates without definite commitment. Hindi siya handa at h...