IV

6K 120 3
                                    


ANOTHER three weeks have passed. Mas mabuti na ang pakiramdam niya. Sa tingin niya'y isa sa dahilan kaya ganoon ay dahil sa presensiya ni Doctor Brien de Gala. He was always around. Araw-araw ay nagpapakita ito sa kanya. Kinukumusta ang kanyang kalagayan.

Sinabi rin nito sa kanya ang totoo na ito ang nakabangga sa kanya. Ngunit kahit ganoon ay wala siyang nadaramang galit rito.

"What do you want me to call you habang hindi mo pa naaalala ang tunay mong pangalan?" tanong ni Brien ng umagang iyon na bumisita ito. Nag-excuse naman ang nurse na naroon na tumitingin sa kalagayan niya.

Naupo naman si Brien sa may gilid ng kama. Dahil doon ay mas lalong malinaw na nakikita niya ang mukha ng doktor. She blinked. Sa tuwing nakikita niya si Brien ay tila nagiging permanente na ang eratikong tibok ng puso niya. There was something about his eyes. It was intense and kind at the same time. Para bang kahit anong sabihin nito'y sasang-ayon ang sinuman.

"Hindi ko alam," sa disimuladong paraan ay ikinuskos niya ang namamasang palad sa hospital gown na suot. Isa pa iyon sa mga tanong sa isip niya maliban sa kung sino ba siya at saan siya nagmula. Did she always have sweaty hands?

Madalas–lalo na sa tuwing naroon si Doc Brien–ay namamasa ang mga palad niya.

"Hmm," hinimas ni Brien ang baba na ngayon ay may mga pinong balbas. She noticed how his facial hair had grown these past few days. He still look good with facial hair. "Okay lang ba kung ako na lang ang magbigay sa'yo ng bagong pangalan?"

"Ayos lang," tumango siya.

"Paola?"

"Paola sounds good," tugon niya. He's yet to say anything she'd disagreed upon. Ngunit mukhang hindi darating iyon.

Ngumiti si Brien. Iyon klase ng ngiti na gugustuhing titigan ninuman. At kung hindi pa sapat ang tibok ng puso niya sa ngayon ay mas lalo pa iyong nagwawala. And yet she can't turn away from him. noon naman napawi ang ngiti nito. She can't decide whether to be thankful or disappointed.

"May kailangan kang malaman, Paola. I would understand kung pagkatapos nito ay magagalit. But please, let me finish."

Nakaramdam siya ng kaba. "Ano iyon?"

Humugot ng malalim na paghinga si Brien. "Ako ang may dahilan kaya narito ka sa ospital," panimula ni Brien. Kasunod niyon ay sinabi nito sa kanya ang mga pangyayari kung paanong nagmamaneho ito sa isang ilang na kalsada sa Baguio ng bigla na lamang siyang sumulpot mula sa kung saan. At bago pa ito makapagpreno ay nabangga na siya.

Her heart was pounding so madly ng matapos sa pagsasalita si Brien. Hindi niya alam kung ano ang dapat na sabihin matapos malaman ang lahat.

"Please, say something."

Nag-angat siya ng paningin. Ang sumalubong sa kanya ay ang guilt sa mga mata ni Brien. Umiling siya. He can't be guilty over something na wala naman itong kontrol. She should be thankful na hindi siya nito iniwan matapos mabangga. Kung ibang tao iyon ay may posibilidad na iwan na lamang siya. At marahil ay wala na siya ngayon.

She shivered at the thought.

"Thank you," finally ay nausal rin niya.

She has suffered a head injury, some fractured ribs. Sa ngayon ay maayos na siya sa mga bahaging iyon. Nag-undergone na siya ng surgery para sa kanyang ilong. Kaya pala parang hindi siya makahinga ng maayos ay dahil may damage ang kanyang ilong.

Ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin niya nakikita ang kanyang anyo. Ilang beses siyang humiling ng salamin subalit hindi siya binibigyan ni Brien maging ng mga nurse. Nagkasya na lamang siya sa paminsan-minsang pagkapa sa mukha. It felt awful. May cast or bandage siguro ang bridge ng kanyang ilong. She must've looked awful kaya't walang may gustong magpakita sa kanya ng kanyang anyo.

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon