XXVIII

4.6K 107 6
                                    


"WHAT do you mean you don't know? You can't be serious na hindi mo man lang siya tinanong kung anong urgent na bagay ang kailangan niyang puntahan at kung saan iyon?" ginawa ni Brien ang lahat upang maging mahinahon ang pakikipag-usap niya kay Jules kahit na nag-iinit ang kanyang buong katawan at naglalabasan ang mga ugat niya sa leeg.

"Hindi niya gustong magsabi, Brien. At hindi ko rin naisip na hindi na hindi siya babalik. She made it look like as if she would go back, really," sagot ni Jules.

Nakuyom niya sa kamao ang sulat na iniwan ni Jaq habang taas-baba ang kanyang dibdib sa paghingal. "That's bullshit... bullshit... bullshit..."

"Will you calm down?" pagpapagitnan ni Dash na tumayo at tumungo sa bar sa sulok ng living room ng bahay nito kung saan sila naroon. Nagsalin ito ng brandy sa baso at iniabot iyon kay Brien. "Nakapag-report na tayo sa mga pulis. Walang mangyayaring masama kay Jaquelyn. She's strong and smart."

Inisang lagok lamang niya ang laman ng baso bago walang paalam na umalis sa bahay ni Dashiell.

Inaalala rin niya na baka may mangyayaring kung ano kay Jaq. Subalit hindi talaga iyon ang dahilan ng kanyang matinding galit. It was the content of the letter. The entirety of it. Iniwan nito ang sulat sa kanya na para bang iyon ang kailangan niya. Sa buong buhay niya'y hindi pa siya nakadama ng kagustuhang mahawakan ang isang tao ay yugyugin ito hanggang sa matauhan.

He's not some stupid guy who could be left behind with just one letter. What did she say in the letter? He deserves this much? Tinitigan niya ang gusot na sulat sa kamay. She think he deserve this letter and not her?

Gusto niyang magwala at magsisigaw. But that's not a smart thing to do lalo na at kasama niya ang anak sa bahay.

Ang tanging magagawa niya ay maghintay hanggang sa may makapagsabi sa kanya kung nasaan ito. Na para bang siya na ang pinakainutil at walang kwentang tao sa mundo. Because she never mentioned in her letter where she's headed to.

Sinabi lamang nito ang lahat ng pinagdaanan ng magbalik sa Pilipinas. Which led her to the accident kung saan napunta ito sa kanyang pangangalaga.

Kung sino man ang mga iyon na gumawa ng kawalanghiyaan kay Jaq ay isinusumpa niya na magbabayad ang mga iyon. His heart was pierced and stabbed and beaten until nothing is left but numbness. That must be the memory she recovered ng gabing iyon. Now wonder she reacted differently.

HABANG nakatanaw sa balkonahe ay umiinom siya ng brandy. The moonlight was particularly bright and harsh that night. Para bang mas lalo pang gustong ipaalala sa kanya si Jaq.

He should have known that morning. Ngayon niya na-realize kung ano ang nasa mga mata ni Jaq ng umagang iyon. She was saying goodbye.

His heart was emptier and colder. Para bang isang vital na bahagi ng kanyang katawan ang nawala. He needed to see her, to touch her... to assure her na walang nagbago sa damdamin niya rito. Bagkus ay lalo pa iyong sumidhi.

"Daddy?"

Pumihit ang ulo ni Brien patungo sa pinto ng balkonahe kung saan nakatayo ang kanyang anak.

"Sorry, son. Susunod na ako sa kwarto mo, give me five more minutes. Maghihilamos lang ako."

Sa halip na tumango ay lumapit pa ito kay Brien at humarap din sa kadiliman. "I miss, Tita Jaq."

His eyes automatically closed. He missed her so. Terribly. He loves her. So very much.

"You know what, dad? I like her to be my mom. If she would like," kaswal na wika pa ni Liam.

Sa kabila ng lahat ay may munting ngiti na sumilay sa mga labi ni Brien. Hinaplos niya ang buhok ng anak. He like her to be his wife as well. If he would find her. And if she will have him.

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon