XXIX

4.7K 96 0
                                    


MULA sa pagkakatingin sa computer monitor ay sandaling nag-angat ng paningin si Jaquelyn. Kahit nasa may pinto ang kanyang mga mata ay patuloy sa pagkilos ang kanyang kamay sa computer keyboard.

"I'm leaving. Do you need anything before I go?" ang sekretarya niya iyon na si Dewey.

"No, Dewey, thank you," mabilis na tugon niya bago ibinalik ang tingin sa monitor.

It had been two weeks since she came back to Chicago. It was sensational and all. For most people–if not all–believed she was dead. Hindi tulad ng inaasahan niya na magiging tahimik lang ang lahat. Inisip niya kung mag-re-resign na lamang at magbabakasyon pansamantala. O kaya ay mag-file ng leave.

But that would be next to insanity. Kung mag-iisa siya ay mas lalo lamang siyang mahuhulog sa pag-iisip. She would only think about Kanaway. About Brien.

Hindi tulad ngayon na trabaho ang mas umookupa ng oras niya. At sa sandaling makauwi siya sa munting apartment kung saan siya nakatira ay isang baso ng scotch o brandy lamang ang kailangan niyang inumin at nakakatulog na siya.

The hardest part was the mornings actually. Minsan ay nagigising siya na akala ba niya'y naroon ulit siya sa kama na naging pamilyar sa kanya. And she would look outside the veranda and she honestly hope to see Brien. It's the freaking veranda's fault. Kailangan na siguro niyang humanap ng bagong apartment. Iyong walang veranda.

And then the saddest part was the Christmas and New Year. Kasama niya ang kanyang Tita at Tito sa mga okasyong iyon. But there was a hollow inside her chest. At patuloy iyong lumalaki.

So she keeps on working hanggang sa nangangalay na ang kanyang leeg at batok. Nang tingnan niya ang orasang pambisig at makita na alas nueve na ay nagpasya siyang umuwi na. Subalit bago siya tuluyang umuwi sa kanyang apartment ay dumaan muna siya sa isang liquor shop. But no, not a bottle of wine. She can't drink that for now. Or maybe forever.

It will only remind her of Brien.

Pagdating sa apartment building kung saan siya nakatira ay binati siya ng guard roon.

"There's someone waiting for you at the lobby."

Nangunot ng bahagya ang kanyang noo. "Who?" ang uncle o aunt lamang niya ang maaring bumisita sa kanya pero masyado naman na yatang late.

"It's a man," tugon ng guard.

A man. Kakaunti lamang ang lalaking kaibigan niya pero walang nagtatangkang dumalaw sa kanya ng ganoong oras at ng hindi man lamang tumatawag. Gayunpaman ay bumilis ang mga hakbang niya. Ngunit pagdating sa lobby ay walang sinuman ang naroon.

Hindi na siya naghanap pa o nagtanong sa receptionist. Marahil ay umalis na iyon ng hindi namamalayan ng guard. Sumakay na siya sa elevator at pinindot ang 7th floor kung saan naroon ang kanyang apartment. Sumarado na ang pinto ng elevator ng bumukas iyon.

Sinalubong siya ng pares ng asul na mga mata.

Her heart went wild and crazy.

It was Brien. And he was holding a bunch of yellow tulips. At pumasok ito sa loob ng elevator. Parang mabibingi na siya sa lakas ng tibok ng kanyang puso.

Diyata't si Brien ang naghahanap sa kanya.

Pero hindi naman ito kumikibo sa kanyang tabi. Kaya't hindi rin siya nagsalita. But his scent, man and wild was beginning to fill her nostrils. Ginamit niya ang lahat ng lakas huwag lamang harapin ang lalaki sa kanyang tabi, yakapin ito at ibaon ang kanyang mukha sa dibdib nito. And worst, she could kiss her. At her mood right now, she could probably kiss him kung hindi pa sila magkakalayo.

Sa sandaling tumunog ang bell at bumukas at ang pinto ng elevator ay kagyat siyang lumabas at sumagap ng hangin. Subalit hindi niyon mapalitan ang amoy ni Brien na tila sadyang dumikit na sa kanyang ilong.

She's in trouble.

"Jaq..."

Hindi siya tumigil sa kabila ng narinig niya ang tinig ni Brien. Tuloy lamang siya sa paglakad hanggang sa makarating siya sa pinto ng apartment niya. She was fumbling with the key ng tumabi sa kanya si Brien.

"Let me," offer nito.

"No! I can handle this," pabiglang wika niya na iniiwas ang kamay rito. Dahil doon ay nahulog ang susi. Nang yumukod siya upang kunin ang susi ay naunahan siya ni Brien. Their fingers touched in the process.

It was electrifying and shockingly hurtful. Napakatagal na ng huling magkadaiti ang mga palad nila. And a simple touch isn't enough. She wanted more.

Jaquelyn.

Tumabi siya at hinayaan si Brien na magbukas ng pinto. At dahil doon ay wala na rin siyang nagawa ng pumasok ito. O wala naman talaga siyang ibang gustong gawin kundi ang papasukin ito.

"Nice home," wika ni Brien habang pinadadaanan ng daliri ang mga kasangkapan. "You live here alone?"

"Yes."

"Oh." Naupo ang lalaki sa isang pang-isahang couch. He looked relax and cool. Noon lamang napansin ni Jaq kung ano ang suot ni Brien. He was wearing a suit. A dark blue suit. And when she say suit, it really is an incredible one. With vest and tie. And he looked sinfully gorgeous in it. "What is that?" turo ni Brien sa paper bag na hawak niya. nakalabas ang dulo ng bote.

"Brandy," maiksing tugon ni Jaq.

"I didn't know you drink brandy."

Pakibit-balikat na humakbang si Jaq patungo sa kusina na nakaharap sa living room. Inilapag niya sa mesa ang bag niya at ang bote. "You don't know anything about me."

Nag-igting ang mukha ni Brien. But he relaxed in a short while. "Sure, I do."

Napapalunok na kumuha siya ng dalawang baso upang salinan ng brandy. Sure he really did investigated her kaya nga narito ito ngayon. Seems funny. Here they are inside her apartment in Chicago, talking casually. Hindi na siya magtataka kung hallucination lamang pala ang lahat ng ito. "So you had me investigated?"

"Yes," walang kagatol-gatol na tugon ni Brien.

His face was very serious. At kahit ng tumayo ito at lumapit sa kinatatayuan niya'y hindi nagbabago ang ekspresyon sa mukha ni Brien. Gusto niyang umatras subalit sukol na ang baywang niya sa mesa. At habang palapit ng palapit si Brien ay tila ba dito na nanggagaling ang hangin na hinihinga niya.

This is madness. This must be a dream.

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon