XIX

4.2K 107 1
                                    


NAGYAYA ang bata na pumunta sa strawberry farm upang mamitas ng mga bunga. Subalit pagbalik nila sa bahay ni Brien ay ayaw na nitong lumabas pa. At kahit anong i-offer niya rito ay wala itong tinatanggap na anuman. He just sat on his usual spot, reading a comic book.

Siya naman ay nakaupo rin sa usual spot niya–sa harap ni Liam–habang nagbabasa ng libro. O mas tama sigurong sabihin na nagpipilit unawain ang libro na kanina pa niyang binabasa.

"Are you my dad's girlfriend?"

"Ha?" gulat na napaangat ang paningin ni Jaq mula sa libro.

"You're my dad's girlfriend." Sa pagkakataong iyon ay hindi na nagtatanong ang bata.

She's not exactly Brien's girlfriend. Hindi niya rin alam. At hindi niya dapat na i-discuss sa bata kung anuman ang relasyon nila ni Brien.

"Liam, your dad––"

"Can you drive me out of here, Tita Jaq?" putol ng bata sa akmang sasabihin ni Jaq. "Gusto kong pumunta sa bayan. May gusto akong bilhin."

Sa pagkakataong iyon ay ibinaba ng bata ang hawak na comic book. Nangangahulugan na gusto talaga nitong lumabas. That's a great thing. Ngumiti siya at tumayo. "Sure. Kakausapin ko lang ang Tita Jules mo. I'll ask her kung pwede niya tayong ipag-drive papunta sa––"

"No. I want you to drive for me."

Natigilan ng husto si Jaq. "Me? Pero, Liam..." napalunok siya. "I don't think..."

"Please, Tita Jaq," the kid was persistent. "Nakita ko kung saan inilagay ni Daddy ang susi ng pick up. You can drive, right?"

She's not really sure. Hindi pa niya nasubukan kung kaya ba niya. At kung kaya man niya, hindi rin niya sigurado kung gugustuhin ba niyang mag-drive ng sila lamang ng bata ang nasa sasakyan. That could be dangerous.

But in the end, napahinuhod pa rin siya ng bata na ipag-drive ito. At ng masubukan niya at malaman na kaya nga niyang mag-drive, naidasal na lamang niya na sana'y walang mangyaring anuman sa kanila ni Liam.

BUTIL-BUTIL ang pawis ni Jaquelyn ng makarating sila sa may pamilihang bayan ng La Trinidad. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang mag-drive mula Kanaway hanggang sa lugar na ito.

At ngayon na narito na sila at unti-unting humuhupa ang kanyang kaba at pag-aalala ay nakuha niyang ngumiti. It felt good to do something. Nilinga niya ang bata. Nginitian niya ito. "We're here, Liam."

Tumango lamang ito. At matapos alisin ang seatbelt ay lumabas na ito ng sasakyan. Nagagahol naman siya sa paghabol sa bata. Hindi nito sinabi kung ano ang bibilhin. Siguro ay wala naman talaga itong bibilhin at gusto lamang lumabas. That's fine with her.

Bago tuluyang lumayo sa sasakyan ay tiningnan muna niya ang sarili sa side mirror. Of course she still looked funny in her black bonnet, jeans and sweater. Dahil may plaster pa rin siya sa ilong. She can't wait na matanggal na iyon sa susunod na araw.

Nang hayunin niya ng tingin kung nasaan na ang bata ay nakita niya na tumatakbo ito patawid ng kalsada.

"Liam, wait!" tawag niya sa bata. Lumingon naman ito subalit nagpatuloy pa rin sa pagtawid.

Sumunod siya rito. He wasn't stopping. Sa halip ay tila mas lalo pa nitong binibilisan ang paglakad. Dahil doon ay hindi niya inaalis ang tingin rito. She can't lose him for the place was pretty much commercial. The sidewalk was almost filled with fruit and vegetable vendors. May mga tao rin na naglalakad.

Nang tumakbo ito patawid sa kabilang bahagi ng kalsada ay pabigla rin ang ginawa niyang pagtawid upang hindi ito mawala sa kanyang paningin. Dahil sa kanyang ginawa ay muntik na siyang mabangga ng paparating sasakyan. The car never hit her. But she swayed. May mga imahe at pangyayari na nagsalimbayan sa kanyang isipan.

"Tatawid ka ba o ano?" sigaw ng sakay ng sasayan na muntik makasagi sa kanya.

Taas-kamay na tumawid siya ng kalsada. She shut her eyes tightly upang ibalik ang mga imaheng nakita ngayon lamang.

Think, Jaquelyn! Think!

Umalon ang kanyang dibdib sa lalim ng hinugot niyang paghinga.

Jaquelyn... Jaquelyn... Jaquelyn Ricarte!

Pabigla siyang napadilat. Her real name is Jaquelyn Ricarte and she's... her eyes went wide sa paunti-unting ala-ala ukol sa kanya na nagsisimulang dumaloy sa kanyang isipan. She's twenty-nine and she spent most of her life in Chicago. And she's a lawyer. Yes, she is. Mas lalo siynag napahinga ng malalim. Kailangan pa niyang makaalala.

Ngunit napigil iyon ng makita niya sa may di kalayuan si Liam. Nakatingin sa kanya ang bata at nakatayo lamang.

Oo nga pala. Kasama niya si Liam. Hindi dapat na makalayo sa kanya ang bata. Sa mabibilis na hakbang ay nakalapit siya sa kinatatayuan nito. Naipagpasalamat niyang labis na hindi na ito nagpahabol pa. Tila sadyang hinihintay siya na makalapit rito.

Nang tuluyang makalapit sa bata ay hinawakan niya ito sa braso. "We have to go now, Liam."

"No!" pabiglang wika nito. At sa labis na pagkabigla ni Jaq ay pumiksi pa ang bata. "I don't know you!"

She was astonished. "What?" pinakatitigan niya ang mukha ng bata. At isa lamang ang nababasa niya roon. Labis na disgusto. Napailing siya. "Sa bahay na tayo mag-usap," tinagka niya itong hawakan subalit mabilis itong nakaiwas. Huminga siya ng malalim bago nagpilit na hulihin ito. Nagawa naman niya itong mahawakan sa kamay. She used a bit of force upang mahila ito.

"Ayokong sumama sa'yo! Saklolo, tulungan n'yo ako! She's forcing me to come with her! Help me!"

Awtomatikong nakakuha sila ng atensiyon mula sa maraming tao. Awtomatiko rin na bumitaw si Jaq kay Liam ng mapansin niya na may mga taong nakapaligid na sa kanila. People are looking suspiciously at her. And some people are on Liam's side and consoling the child.

People swarmed around. At kahit saan tumingin si Jaquelyn ay naghihinalang tingin kung hindi man disgusto ang ibinibigay sa kanya ng mga tao. Ang mga bagay na dapat ay bulong-bulungan lamang ay tila lumalakas sa kanyang pandinig. Samahan pa ng mga tinig at imahe na nagsasalimbayan sa kanyang isip.

Beads of perperation ran down her face. She can't stand it. She can't breathe. She covered her ears and started backing away kahit wala siyang ideya kung makakaraan ba siya. Pagpihit niya––o pinihit siya ng kung sinuman. Ang sumunod niyang nadama ay nakakulong na siya sa matitigas na pamilyar na bisig.

Unti-unting ang naging pagkalma ni Jaq. She inhaled deeply. Just like his warmth, his scent has an amazing effect on her nerves. She immediately calmed down.

Nang mag-angat siya ng paningin upang tingnan ang mukha ni Brien ay nakatiyak siya na ito nga ang may yakap sa kanya. But he isn't exactly the Brien she knew. His face was grim. His scowl unfathomable.

"Brien..."

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon