GISING pa si Jaq ng madama niya na may nagbukas ng pinto ng balkohane. Of course, it was Brien. Nang maramdaman niya na may tumabi sa kanya sa kama at yumakap mula sa kanyang likuran ay napapikit siya at huminga ng malalim.
"Did I wake you up?"
Umiling siya. "I can't sleep."
"Same here," tugon ni Brien. His lips were near her ears.
"I'm sorry if I haven't told you about my son."
She inhaled deeply. Her nostrils were filled with his musky scent. Pumihit siya upang magkaharap sila ni Brien. Their noses were almost touching. Kung kikilos pa siya ng kaunti ay magkakadikit na iyon ng tuluyan. At baka hindi lamang iyon.
"It's okay."
"Thank you for looking after him today."
Jaq closed her eyes and touched his chest. His warm breath tickled her nostrils. She can't concentrate. Siguro ay dapat na tumalikod na lamang siya ulit. But she don't want to remove her hand in his chest. Ang tibok ng puso nito sa kanyang palad ay tila ba eksakto rin sa bawat tibok ng kanyang puso.
"I need to leave again tomorrow. But don't worry. Bukas ay dadalhin ko si Liam sa bahay ng isa sa mga pinsan ko. And you can spend time with Tey and Jules."
Unti-unti ay naging seryoso si Jaq hanggang sa tuluyan siyang bumangon. Hindi niya minsan man inalis ang tingin kay Brien. "Brien, kaya kong alagaan ang sarili ko. At kaya ko ring bantayan si Liam. Trust me, I can look after your son habang wala kayo ni Elia."
Bumangon rin si Brien. "I know you mean well, but––"
"But what?" agaw niya sa sasabihin nito. "Let me do this, Brien. Hindi na siya kailangang alagaan. He just needs company. At hindi naman kami magkukulong lang rito. We'll be with your cousins."
Pumikit si Brien habang hinihilot ang batok. He looked really tired and weary. Naalala niya ang sinabi ni Elian a kailangan nito ng tulog. She pressed on. "Please, Brien."
Nang dumilat si Brien ay tumango ito. "Alright."
"Good!" she smiled. Pagkuwa'y tinapik niya ang gilid ng kama. "Lie here."
He suddenly looked perplexed. Mula sa mukha ni Jaquelyn ay tumungo ang mga mata nito sa pinto ng balkonahe. Para bang iniisip nito kung lalabas na roon. At hindi niya gustong lumabas ito.
"Wala akong gagawing masama sa'yo. Just lie on your stomach."
He chuckled. "I get it." Humiga ito ng nakapaling ang mukha sa kanya.
"Close your eyes."
"This sounds promising."
Hindi napigilan ni Jaq ang paghagikhik. Sa kabila ng amusement ay sinimulan niya na imasahe ang mga balikat ni Brien. She put just a little bit of pressure upang masubukan ang magiging reaksiyon nito. His one eye flew open. "God, that feels good. Can you make that harder?"
She willingly obliged. Bawat pagdiin ng kanyang mga daliri sa likod nito ay umuungol ito. Sleepy groans. It made her feel good.
"Where did you learn that?" he whispered, his eyes closed.
"Nah, I just feel like I'm doing this before."
Pabiglang dumilat ang mga mata ni Brien sukat roon. "You remembered something?"
Nang akmang babangon ito at maagap na natuunan ni Jaq ang likod nito. "No, not at all. I just feel like... I've done this thing before. Along with other things."
"What other things?"
Masuyong idinikit ni Jaq ang mukha sa ulo ni Brien. She whispered in his ear. "Some things like cooking and this. Kapag may naalala ako ay sasabihin ko sa'yo. But for now, kailangan mo munang magpahinga." Ipinagpatuloy niya ang pagmamasahe sa likod nito.
He moaned. "I... should be the one doing things for you..." his voice was slurry. She can tell that he's almost asleep. "Brien?"
"Hmm..."
"I missed you."
Umangat ang sulok ng mga labi nito. "I know. Me, too."
Kahit nangangawit na ang kanyang mga daliri ay ipinagpatuloy niya ang pagmamasahe sa mga balikat nito at likod hanggang sa tuluyan na itong ma-relax. Sa klase ng paghinga nito'y alam niyang tulog na ito. She lie on her stomach as well and stared at his handsome sleeping face. "I like you, too, Brien." She leaned and kissed his lips. "And I may be falling in love with you..."
BINABASA MO ANG
Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)
Romance"When I said that I love you, I meant it as a promise, and I mean forever." Brien de Gala doesn't want to have a serious relationship. Kontento na siya sa kanyang kasalukuyang lifestyle-casual dates without definite commitment. Hindi siya handa at h...