XVIII

4.2K 112 5
                                    


"THIS will be done in ten minutes," nakangiting sabi ni Jaq kay Liam.

Walang ibang reaksiyon ang bata kundi simpleng pagtango.

She was referring to the pancakes she was making. Nagulat siya ng pagkagising ay naroon na sa sala si Liam. He was reading again. Nang batiin niya ito ay ibinalik naman nito ang kanyang pagbati. At ng kanyang itong yayain sa kusina upang ipagluto ng breakfast ay sumunod naman ito.

Magaan ang loob niya sa bata sa kabila ng hindi nito pakikipag-interact sa kanya. She could feel something about the way he focus on reading.

"What are you reading?" interesadong tanong niya sa bata.

Sa halip na tumugon ay itinaas nito ang binabasa na comic book pala. Batman iyon. She smiled. He's still a kid afterall.

"So he's your favorite comic book hero?"

Nag-angat ng paningin ang bata mula sa binabasa. "No. Spiderman is my favorite."

"Ah," tumango-tango siya. Hinango niya ang nalutong pancake sa kawali at naglagay ng panibago. "Isn't he whiny?"

"Whiny? You think spiderman is whiny?" his brows shot up.

Jaq almost smiled. Hindi niya intensiyon na insultuhin ang paborito nitong comic book hero. She just wanted to trifle him para magkaroon sila ng conversation. At base sa reaksiyon ng bata ay mukhang natumbok niya ang tamang subject upang magsalita ito.

"He is not whiny," mariing wika ni Liam. "He lost his parents at a very young age. Then he lost his uncle, too. The only person who truly cares for him. Wala ba siyang karapatang magalit, masaktan, matakot at magreklamo? You think he's just whining for the sake of being whiny?"

Natigilan si Jaq. Napatitig siya ng husto sa mukha ng bata. No coldness lurking in his blue blazing eyes. Just pure anger and... fear. Fear. Umalon ang kanyang dibdib ng ma-realize niya kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi nito. He was afraid dahil sa nangyari sa lola nito. And no one... not even his father seems to notice.

Ngunit ngayon ay nakikita niya iyon sa mukha ng bata. Her emotions swelled as her heart went out to this brave and proud child. Pinatay niya ang stove.

"Liam––"

"Good morning," Brien's sleepy voice from the doorway of the kitchen.

Nakatingin ito sa kanya habang may munting ngiti sa sulok ng mga labi nito. His hair was mussed at kinukusot pa nito ang mga mata. And he was barefooted. That made him looked soft and playful. Her eyes went down. He really has nice biceps na mas lalong na-e-emphazied ng puting shirt na suot nito. His tan skin looked deliciously good in white. And this time, he wasn't wearing a pajama bottom but a green cotton shorts. He looked cute and cuddly. Well, cuddly...

Wala siyang panahon para mag-isip ng ganoon sa ngayon. Bumalik ang kanyang mga mata kay Liam. She was surprise to see the boy seating properly on his chair. Nagbabasa na itong muli ng comics na tila ba walang conversation na namamagitan sa kanila ngayon lamang.

"I'm sorry, I should be the one cooking for us," apologetic na wika ni Brien. Naupo ito sa kanyang tabi. He even gave her a little kiss on the hair.

Sa buong sandaling iyon ay kay Liam nakatukok ang kanyang atensiyon kaya naman hindi nakatakas sa kanya ang bahagyang pagsingkit ng mga mata nito.

"Good morning, son," saka pa lamang binati Brien ang anak nito ng mapansin na nakatingin siya sa bata. "Put that down, were going to eat breakfast first."

Kagyat na sumunod ang bata. Prior to this, malamang na inisip ni Jaquelyn na masunuring bata si Liam. Ngunit ngayon ay malinaw niyang nakikita ang relasyon ng mag-ama. If their relationship is normal, hindi magiging ganoon ang reaksiyon ni Liam. Magrereklamo ito o kaya naman ay hihiling na magbasa pa ng kaunti.

Sa durasyon ng breakfast nila ay hindi halos malunok ni Jaq ang pagkain. Manaka-naka silang nag-uusap ni Brien habang tahimik na tahimik naman ang bata.

Pagkatapos ng breakfast ay nag-ayos kaagad si Brien upang umalis. Tuluyan ng nawalan ng oras si Jaq upang kausapin si Brien. At kung sakali man. Ano naman ang sasabihin niya? May karapatan ba siyang makialam o magbigay ng payo ukol sa pagpapalaki ni Brien sa anak nito?

"Liam, si Tita Jaq ang bahala sa'yo habang wala kami ng Tita Elia mo, got it?"

"Yes, dad," tugon ng bata sa normal na tono.

"I'll be back later," wika naman ni Brien ng ihatid ito ni Jaq hanggang sa may pinto. "May mga bagay tayo na dapat pag-usapan mamaya," bulong pa ni Brien bago siya bigyan ng mabilis na halik sa sulok ng mga labi.

Ngayon ay sila na lamang ni Liam ang naiwan.

What now, Jaquelyn?

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon