HABANG nagmamaneho ay madilim ang mukha ni Brien. At sa backseat naman ay kunot na kunot rin ang noo ni Liam. At hindi alam ni Jaquelyn ang gagawin upang kahit papaano ay mapaluwag ang sitwasyon.
Ang sasakyan ni Brien ang ginamit nila pabalik ng Kanaway. Babalikan lamang daw nito ang isa pang sasakyan.
She's fine now. She must've overreacted kanina. But now she's really good. Pero hindi niya magawang sabihin iyon kay Brien ng hindi ito magagalit kay Liam. Hindi niya gustong palawakin pa ang lamat sa relasyon ng mag-ama.
Ang magagawa niya lamang ay pilit na paliwanagan si Brien sa sandaling makarating na sila sa bahay.
THE moment na nakapasok sila sa bahay ay kagyat na humarang sa line of vision ni Brien si Jaq. Nagpapahinuhod ang ekspresyon sa mukha ng dalaga. But he's not in the mood for it. He needs to deal with his son like a real father does.
Hindi nito dapat ginawa ang ginawa kanina.
"We'll talk later," aniya bago lagpasan si Jaq.
"Saan ka pupunta, Liam? Mag-uusap pa tayo!" mariing wika niya sa bata. Subalit sa halip na tumigil ay tumuloy pa rin ito at mukhang balak na umakyat sa itaas. Oh, no. He can't hide inside the room. Not now. Sa ilang malalaking hakbang ay naabutan niya ito sa may puno ng hagdan. Sinaklit niya ito sa braso at pilit na iniharap sa kanya.
"I don't want to talk to you! I hate you so much!"
"It's fine with me. Pero hindi mo dapat ginawa ang mga ginawa mo kay Jaquelyn! Apologize to her!" hindi na niya napigil ang hindi magtaas ng tinig.
"No, I would never ever do that!" puno ng galit at pagrerebelde ang mukha ng bata.
Para bang umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang ulo. "What did she ever do to you para gawin mo ang lahat ng iyon?" he was seething his teeth at every word.
Mas lalong nagsiklab ang galit sa mukha ng bata. And his eyes became liquid blue and red.
"And what about me? What did I ever do to you? What did I ever do to you to deserve such treatment?"
His brows snapped. "What? Ikaw ang nagkamali––"
"Kasalanan ko ba na naging anak mo ako? Kasalanan ko ba na wala akong mommy? What did I ever do for you to ignore me all my life? Para hindi mo man lang ako tingnan kahit minsan?" tears were streaming down his face subalit mabalasik pa rin ang ekspresyon nito. While Brien was awe-struck. Daig pa niya ang sinampal sa mga sinabi ng anak.
"You care about her! You love her!" turo ni Liam kay Jaquelyn na nakatayo sa may di kalayuan. "While you don't care about me!" his eyes were shimmering with tears and yet, the defiant tilt in his face was still there.
Brien was immobilized. Kahit ng tumakbo na si Liam paakyat ng hagdan ay hindi pa rin siya makakilos. The words of Liam hit him like lightning and thunder. At hindi niya magawang bumangon o maka-recover.
The boy is right... damn right.
Wala siyang kwentang ama.
"Brien..."
Napapitlag siya sa haplos ng kamay ni Jaquelyn sa kanyang braso. He stared at her face like he had seen her for the first time. Habang tumatagal ang pagtitig nyia sa mukha ni Jaq ay saka lamang niya napansin na parang may nagbago rito. Her eyes has a new glow. And she looked at him with warmth and understanding and... love?
Naipilig niya ang ulo. If that's what she feels, it felt awful. Hindi siya deserving tulad sa anumang affection ni Jaq. He was selfish. She deserves better.
"Come," ani Jaq habang marahang hinihila si Brien paupo sa mahabang couch. And he can't resist. Nang makaupo na sila ng magkatabi ay pinagsalikop ni Jaq ang kanilang mga kamay. "First of all, may punto si Liam. But don't be hard on yourself, Brien. Lahat naman ng tao ay nagkakamali. Surely, there's a reason kung bakit... bakit ganyan ang relasyon n'yo ni Liam."
Isinandal ni Brien ang ulo at ipinikit ang mga mata. Humigpit ang pagkakahawak niya sa palad ni Jaq.
"Liam is sad," wika ni Jaq sa mahinahong tinig makalipas ang ilang sandali ng pananahimik ni Brien. "Probably as sad as you are, Brien."
Gusto sana niyang sabihin na hindi siya malungkot. But who is he kidding? Ano pa ba ang kailangan niyang itago o pagtakpan mula kay Jaq?
So he opened his eyes and looked at her dark ones.
"I didn't initially plan to be a doctor. My dad wants me to. And I don't like it. So instead I took up architechture. Sa bandang huli ay pumayag na lang rin si daddy. He actually became supportive of me. Then when I was nineteen, he suddenly died of heart attack. I didn't even have the chance to say goodbye. And then I realized na kung sinunod ko si daddy, I might have done something for him... to save him."
"Brien," agaw ni Jaq. "It's not your fault."
"I know. I realized later on na wala rin akong magagawa even if I studied medicine earlier. But I can't help hating myself. Dapat ay sinunod ko siya. I should have been the son he deserved. I immediately shifted to medicine afterwards."
"And then... then Liam happened when I was twenty. I met a girl whom I don't even remember the name. Next thing I knew, when I was twenty-one, she was standing at the doorstep of my apartment carry a one month old baby. Anak ko raw iyon at iiwan na niya sa akin."
PINISIL ni Jaq ang palad ni Brien upang hikayatin ito na magpatuloy. Sa bawat salitang inilalabas nito ay nababawasan ang tila bigat na nakapasan rito. Base sa ekspresyon ng mukha nito at sa tono ay mukhang ngayon lamang nito inilalabas ang mga sinasabi sa kanya ngayon.
Bumitaw siya sa palad ni Brien. She held his head and let him rest on her shoulder.
"At first, I didn't really believe that he was my son. I mean––heck, I wasn't even aware of the pregnancy."
She smiled. "Magkamukhang-magkamukha kayo. Lalo na kapag galit."
"I know. But yeah, I was stupid enough. I decided na hayaan si Mama at Elia ang mag-alaga sa bata. Habang ako naman ay sa Canada na nagpasyang magpatuloy ng medicine. We grew apart, me and Liam. Ang alam ko lang, parang hindi naman ako kailangan ng anak ko. At hindi ako sigurado sa sarili ko kung kaya ko ba siyang alagaan."
Sa pagkakataong iyon ay lumayo si Jaq upang matingnan ang mata ni Brien. noon lamang niya napansin kung gaano kakapal ang mga pilik-mata nito. Kapag ganitong kalapit ay mas lalong na-e-emphasize kung gaano kaamo ang mga mata ni Brien. At ang mga kilay nito ay kakatwa. Mas makapal ang kaliwang kilay nito kaysa kanan. Hinaplos niya iyon.
"Pero kaya mo na ngayon. Kung nagawa mo akong alagaan at pagmalasakitan, lalo na ang anak mo."
Humugot ng malalim na paghinga si Brien. "I'm not sure. Maybe it's too late."
"Hindi totoo 'yan, Brien. You will always have the opportunity. You're his father. And I always believe that everyday is a new day. So you will have a chance."
Biglang bumalikwas si Brien. "What did you say? May naaalala ka na ba?" puno ng pag-asam ang mukha nito.
Yes. Yes, she does. "Bits and pieces."
"Anong naaalala mo?"
"Well, I'm Jaquelyn Ricarte. And I'm a lawyer."
"Oh, God, let's go to the hospital," tumayo si Brien at hinawakan sa kamay ni Jaq.
Tinanggap naman niya ang palad ng binata. Subalit hindi siya nagpahila kundi masuyo niya itong hinila paupo. "That can wait, Brien. This is more urgent. I appreciate the care and affection you're giving me. Pero si Liam muna ang isipin mo ngayon," she cupped his beautiful and worried face. The scruffs were grazing her skin. But she doesn't mind. "Gusto mong magkaayos kayo ng anak mo, right?"
Ipinikit nito ang mga mata. "Hindi ko alam kung paano. I'm ashamed of myself. Maybe you should just prosecute me."
She smiled. Hinila niya si Brien at isinandal ang ulo nito sa kanyang dibdib habang marahang hinahaplos ang buhok nito. "I have a plan. Much better."
BINABASA MO ANG
Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)
Romance"When I said that I love you, I meant it as a promise, and I mean forever." Brien de Gala doesn't want to have a serious relationship. Kontento na siya sa kanyang kasalukuyang lifestyle-casual dates without definite commitment. Hindi siya handa at h...