PAGDATING ni Brien sa ospital ay gising ang kanyang Mama. At naroon din si Elia. Tulad ng inaasahan ay pilit siyang pinauwi nito. Hindi raw niya dapat na gugululin ang kanyang rest day sa ospital. Hindi pumayag ang kanyang ina na hindi siya umuwi upang samahan si Liam at si Jaquelyn.
So here he is, at malapit na sa Kanaway. He's exactly in La Trinidad.
He was planning to buy something for Jaq and for his son as well. It's nearly Christmas. At naalala niya na wala pa siyang naibibigay na kahit ano sa kanyang anak ngayong taon. Not even on his birthday. Though wala pa siyang ideya kung ano ba ang bibilhin niya. Maging ang kay Jaq ay hindi rin niya alam.
He can't give her fruits. Marami niyon sa Kanaway. Hindi rin ang bulaklak dahil may flower farm din ang Kanaway.
Nasa ganoon siyang pag-iisip ng mapatingin sa may labas ng bintana. At hindi niya alam kung namalik-mata lamang ba siya o si Jaq talaga ang nakita niya na nakatayo sa may gilid ng kalsada. His heart was beating faster than the usual so marahil ay si Jaq nga talaga iyon.
But... she can't be here. Why would she be here? Unless isinama ito ng mga pinsan niya.
Nagpasya siyang itabi ang sasakyan upang malaman kung si Jaq nga iyon. Ngunit ng magbalik siya sa lugar kung saan nakita ito na nakatayo ay wala na roon ang dalaga. Luminga siya sa paligid. And he saw her. Hindi siya maaring magkamali dahil ay batang hawak nito ay si Liam.
"Ayokong sumama sa'yo! Saklolo, tulungan n'yo ako! She's forcing me to come with her! Help me!"
Iyon ang sigaw ni Liam na nakarating sa pandinig ni Brien. What was that all about? What's happening to his son? Kagyat na huminto ang mga tao at napaikutan si Jaq at Liam. He can't see her face dahil likod ng dalaga ang nakaharap sa kanya. Subalit hindi na niya kailangang makita ang mukha nito para malaman kung ano ang reaksiyon nito.
She must've been so afraid and confused right now. And she was slowly backing away. Walang duda na para makalayo. Ngunit duda siya kung palalagpasin ito ng mga tao. So he stepped in. Pinihit niya ito paharap sa kanya at niyakap ng mahigpit. Her stiff and rigid body instantly relaxed.
He looked down on her face the same time she looked up to him. Confusion at takot ang nasasalamin niya sa mga mata ng dalaga. He was outraged.
"Brien..."
He framed her face. "Are you alright?"
"Yes, I am," matatag na wika nito sa kabila ng garalgal sa tinig. Lumagpas ang tingin nito patungo sa kanyang anak. "Liam... he's..."
"I'll deal with him," pigil ang galit na tugon niya.
"Brien––"
Binitawan na niya si Jaq at sa madilim na ekspresyon ay lumapit siya sa kanyang anak na hawak ng dalawang babae.
"I'm his father," pagpapakilala niya sa sarili sa dalawang babae. "And woman there is my girlfriend," dagdag pa niya. Habang sinasabi ang lahat ng iyon ay hindi niya inaalis ang tingin sa mukha ng bata. Namumutla ang bata bagaman hindi sinasalubong ang tingin ni Brien.
"Come here, Liam, we will go home," ginawa ni Brien ang lahat huwag lamang maging pabulyaw ang tinig niya.
Sa halip na humawak sa kanyang kamay ay nilagpasan siya ni Liam. He gritted his teeth to control his raging senses. Binilisan niya ang paglakad at sinaklit ang kamay ng bata. Ng madaanan niya si Jaq ay sinaklit naman niya ito sa baywang. Nagbigay daan naman ang mga tao na unti-unti ng nagsisipag-alisan. And while they were walking, he was almost carrying the weight of the two.
In his mood right now, he could probably carry ten sacks of rice and not feel anything about it.
NA/ Hindi po ako makakapag-update bukas kaya in-advance ko na. Happy reading!😊
BINABASA MO ANG
Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)
Romansa"When I said that I love you, I meant it as a promise, and I mean forever." Brien de Gala doesn't want to have a serious relationship. Kontento na siya sa kanyang kasalukuyang lifestyle-casual dates without definite commitment. Hindi siya handa at h...