VIII

4.9K 114 5
                                    

"HINDI ka makakatakas, Jaquelyn. Hindi ka makakaalis sa lugar na ito," wika ng tinig na nagmumula sa dilim.

Nanginginig ang buong katawan ni Jaquelyn habang pilit na tumatakbo. Ngunit tila kahit gaano pa kalayo ang marating niya ay hindi pa rin niya matatakasan ang humahabol sa kanya.

"Jaquelyn! Jaquelyn!"

May biglang humiklas sa kanyang buhok. Bagsak siya sa lupa. And then he was all over her. She can't see his face. Wala siyang ibang magawa kundi sumigaw.

Gusto niyang umalis. Ayaw niya rito. Parang unti-unting nawawasak ang pagkatao niya.

Paola ... Paola, come back to me.

The voice filled her senses. Tila hinihila siya pabalik sa kamalayan. Pabigla siyang nagmula ng mga mata. Worried blue eyes filled her gaze. At ng yakapin siya ng mahigpit ng nagmamay-ari niyon ay tila gusto niyang matunaw.

It was just a dream. A very bad dream.

"Brien?"

"Yeah, yeah, it's me. Don't worry now."

His soothing voice was like lullaby. Unti-unting pumatak ang mga nagbabadyang luha sa mga mata ni Paola. She felt so heartbroken and alone. Hindi niya alam kung bakit. Kahit ngayon na mahigpit siyang nakakulong sa mga bisig ni Brien ay ganoon pa rin ang nadarama niya. Napahagulgol na siya ng tuluyan.

"I'm... Jaquelyn. My name is Jaquelyn," nagawa niyang usalin sa kabila ng pag-iyak. Alam niya at nararamdaman niyang siya talaga si Jaquelyn.

She didn't know what caused her heart broken. Hindi niya matandaan kung ano ba ang napanaginipan niya para matakot siya ng ganito. Brien didn't ask anything. He just kissed her head over and over. Patuloy ito sa paghaplos sa buhok niya hanggang sa unti-unting magmaliw ang mga hagulgol niya.

Makaraan ang ilang sandali, ng tuluyan ng nakalma si Paola ay sinapo ni Brien ang kanyang mukha.

"Jaquelyn. You're Jaquelyn."

Sunod sunod siyang tumango.

"May iba ka pa bang natatandaan?" Napapikit siya. She tried to remember anything other than her name. Ngunit nagdulot lamang iyon ng confusion sa kanya. "It's okay," mabilis na wika ni Brien. "Go back to sleep."

Kagyat siyang umiling. "H-hindi na ako makakatulog."

"You can," tiyak na tugon nito. He guided her back to bed. Ngunit ng mamaluktot siya ay nadama niya ang pagtabi sa kanya ng binata. Niyakap siya nito mula sa likuran. "I'll stay with you. At kahit makatulog ka, pangako, hindi ako aalis. I'll look after you."

Napalunok si Jaquelyn at mariing napapikit. This is the closest she had been to him. Her back on his upper body, their feet and hands were tangled up. She could feel his warmth. He was all but security.

"Brien..."

"Shh... matulog ka na. I'll slay the dragons if they were to bother you, Jaquelyn."

Sa pagkakataong iyon ay napangiti si Jaquelyn. It's good to be the real her kahit sa pangalan lamang.

NAGISING si Jaquelyn na nag-iisa na lamang sa kama. The sunlight was peeking through the open window to the balcony. Ngunit ng bumaling siya sa kabila ay naiwan pa sa unan ang bakas ng ulo ni Brien. He also left his scent. She closed her eyes and filled her nostrils with the clean scent of him.

She felt relax. Para ngang hindi na niya natatandaan kung ano ang nararamadman niya kagabi. She just felt good and refreshed. Ang huli niyang natatandaan ay ang mga bulong ni Brien malapit sa may tenga niya. His soothing voice that's full of assurance.

Pinalipas pa niya ang ilang sandali bago siya tuluyang nag-ayos at lumabas. Diretso siya sa kusina kung saan tiyak na naroon ang magkapatid. Ngunit pagpasok niya roon ay si Brien lamang ang inabutan niya. Inihahanda na nito ang mesa ng pumasok niya.

"Good morning," nakangiting bati nito. His face was bright. Napansin rin ni Jaquelyn na tila mas lalo pang kumapal ang facial hair ng binata. And he surprisingly looked good in it.

He was wearing a pajama bottom and black shirt. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay na nakikita ito sa kaswal na suotin. Nasanay siya sa pagiging doktor nito. And now that he's seeing less of him as a doctor ay parang mas lalo niya itong nagugustuhan at mas lalo siyang napapanatag rito.

"Good morning," naupo siya sa pwesto na parati niyang inookupa. Katapat iyon ng upuan naman ni Brien. Luminga siya. "Nasaan si Elia?"

"She went to Baguio. Maagang umalis. Hindi ka na ginising para magpaalam."

Tumango siya. "Kailan ang balik niya?"

Nag-angat ng paningin si Brien. His eyes bored into hers. "Tonight."

Nagulat si Jaquelyn. Ngunit ginawa niya ang lahat upang huwag ipahalata iyon. Ibig sabihin ay sila lamang ni Brien ang nasa bahay nito. But then, ano pa ba ang dapat niyang isipin? Hindi nga ba't magkatabi pa silang natulog kagabi?

She could still feel his warm body on her back.

Sukat sa naisip ay parang nag-iinit ang kanyang mukha. Tuloy ay nagpakayuko-yuko siya upang hindi mapansin ni Brien ang nangyayari sa kanya.

"Anong gusto mong gawin ngayong araw? I'm free for the rest of the day. Pero sa gabi ay kailangan ko ng bumalik sa ospital. Don't worry dahil bago ako umalis ay sisiguruhin ko muna na narito na si Elia."

Nag-angat siya ng paningin. She felt somehow disappointed na maghapon lamang itong mananatili. Ilang araw niyang hindi nakita si Brien. But then, inaalok naman siya nito ng nais niyang gawin ngayong araw. At isa lang ang gusto niya.

"What do you want to do? I'm sure na-i-tour ka na ng mga pinsan ko sa ilang mga lugar dito. Pero sigurado rin ako na may ilan pang lugar na hindi nila naipapakita sa'yo."

There's one thing she loved the most.

"We can just... talk," sa kabila ng kaba ay nagawa niyang isatinig ng normal. "I love hearing you talk," pagkasabi niyon ay ngumiti siya. She loves hearing stories since she woke up. Pakiramdam ba niya'y depraved siya sa human companion. There's a hollow inside her heart. A fear of being alone. Of not being able to see and hear and... basically just being by herself.

Kaya naman ng mapaligiran siya ng mga pinsan ni Brien ay napanatag siya. Tila ba sapat na sa kanya ang marinig ang boses ng mga ito.

Siguro ay dahil iyon sa pagkakaospital niya ng matagal.

But most of all, she love hearing Brien's voice. His deep and assuring tone made her feel happy and secure. "I'll talk a lot habang ipinapasyal kita sa kabuuan ng Kanaway. Or rather, sa mga lugar dito na hindi ka pa naisasama ng mga pinsan ko."

She bit back a smile subalit duda siya kung nagtagumpay ba iyon. "I like that."

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon