BAGO ipasyal ay isinama muna siya ni Brien sa bahay ng isang pinsan nito. Para raw iyon sa buwanang meeting ng mga miyembro ng Home Owner's Association ng Kanaway.
Pumasok sila sa bahay na puro salamin ang dingding. Another one of the unique houses around. Pakiramdam nga ni Jaquelyn ay hindi ito ang lugar na sinabi sa kanya ni Brien nuon. Why there's nothing simple about Kanaway. At parang wala pa siyang nakikita na mga Igorot. Or siguro ay masyadong pag-unawa niya sa pagsasabi ni Brien na may lahi itong Igorot at maraming Igorot or part Igorot ang naninirahan sa lugar na ito.
Pagpasok sa loob ng bahay ay tumuloy sila sa isang silid. Doon ay sinalubong sila ng ilang pares ng mga mata. Sinagilahan ng labis na kaba si Jaquelyn. Ang sabi ni Brien ay maraming miyembro ng HOA ang pinsan nito. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag ng makita sila Teyonna at Jules. Jules smiled at her habang tinanguan naman siya ni Teyonna.
Isa sa mga nakaupong lalaki ang tumayo. Tumigil ito sa mismong harap ni Brien at Jaquelyn. A very handsome man. Tall, dark and masculine. And very charming. Malawak na malawak ang ngiti nito.
"You must be, Paola?"
Tumingin muna siya kay Brien. Nang makita na akma itong magpapaliwanag ay hinawakan niya ito sa braso. She gave him a look that says na siya na ang magpapaliwanag. "Actually, I'm Jaquelyn. Naalala ko lang kagabi. It must be the milk."
"Oh," mas lalong lumawak ang ngiti nito. "I'm Dash, the most dashing among all the de Galas," dagdag pa nito bago walang babalang kinuha ang kamay niya. He planted a little kiss at the back of it. "Jaquelyn is a beautiful name."
"Oh, please, you're hardly good looking," sabat ni Brien na pumagitna sa kanilang dalawa. Kinalas nito ang kamay niya na hawak ni Dash. Tatawa-tawa lamang si Dash habang si Brien ay kumunot naman ang noo. "He's boring," bulong pa ni Brien sa kanya.
But Dash heard it. "You're actually the one who's boring. Doctors are boring," he even yawned.
Hindi mapigilan ni Jaquelyn ang mapangiti kahit pa gusto niyang tumutol. Brien is not boring to her. But he looked so adorable sa naiinis na ekspresyon. Lumipat ang kamay nito sa siko niya at iginiya naman siya patungo sa mga nakaupo sa mesa.
"That's Achaeus," turo ni Brien sa nakaupo sa pinakaunahan. "Our president." Parang gustong kumurap ng paulit-ulit ni Jaquelyn. He has the most dazzling male features she had ever seen. Iyong tipo ng mukha na minsan mo lang makikita sa buong buhay mo.
But she still prefers Brien, she thought.
"Hi, Jaquelyn. Welcome to Kanaway," nakangiting wika ni Achaeus. His expression was very warm. "Na-meet mo na ang wife ko na si Micah at kapatid na si Raya, right?"
Tumango si Jaquelyn. Ibinalik niya ang pagbati nito.
"And the not so dashing man there was the vice president."
Tawa lamang ang naging tugon ni Dash sa paraan ng pagpapakilala rito ni Brien.
Iba naman ang ipinakikilala ni Brien. "That's Claude," turo nito sa lalaki na may hawak na kopita. He smiled weakly. Hindi tiyak ni Jaquelyn kung lasing na ba ito or he naturally has a flushed skin. "And that's Yanno," turo naman nito sa lalaki na may maiitim na mga mata na nagpamukha ritong intimidating kung hindi lamang sa ngiti. Binati siya ng dalawa.
"And of course, you already know Tey and Jules."
Bumati siya sa mga ito. She can't help but feel relaxed. Tulad ng mga babae ay magaan rin ang loob niya sa mga pinsang lalaki ni Brien. They don't look at her as though she was pitiful. They treated her like the next normal person.
Ni wala ring indifference sa paraan ng pagtingin ng mga ito sa kanya gayong nakita naman niya ang kanyang itsura sa salamin kanina lamang. She looked ridiculous. Funny even. May bandage ang ilong niya. Nakapusod sa kung paanong paraan na lamang ang hanggang balikat niyang buhok. And yet, hindi siya nakadarama ng anumang animosity mula sa mga ito.
Sa buong durasyon ng meeting ay nakaupo pa siya sa mesa kasama ang lahat ng bahagi ng meeting. Mataman din siyang nakikinig. Tila ba nag-ibang anyo ang magpipinsan habang nag-uusap ang mga ito. Kahit ang mukhang maloko na si Dash ay seryoso din ang pagsasalita at mga suhestiyon.
Mas lalo niyang nagustuhan ang magpipinsan.
She wished she remembered. Gusto niyang malaman kung may pamilya ba siya. Hinahanap kaya siya ng mga ito? Nasaan kaya siya ngayon kung hindi siya naaksidente? Would she be talking and fooling around with his brothers and sisters or cousins?
Ngunit kung hindi naman siya naaksidente ay hindi rin sana niya nakilala si Brien at wala siya dito ngayon.
Author's Note: Hello!
I'm back! Back to regular programming na po. I'm going to update na ulit one chapter a day. 😊 Pero dahil matagal ako walang update two chapters ang update ko ngayon. Okay? Okay.

BINABASA MO ANG
Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)
Romance"When I said that I love you, I meant it as a promise, and I mean forever." Brien de Gala doesn't want to have a serious relationship. Kontento na siya sa kanyang kasalukuyang lifestyle-casual dates without definite commitment. Hindi siya handa at h...