VII

4.4K 114 3
                                    


PAGPASOK ni Brien sa loob ng kabahayan ay kadiliman ang sumalubong sa kanya. It was three o'clock in the morning. He hadn't been home for two days. Maraming pasyente sa ospital.

Sa ibang pagkakataon ay sa ospital na lamang siguro siya matutulog at sa umaga na lamang babalik ng Kanaway. But not for now. Though everything's fine in his house. Nakausap niya si Elia sa telepono. Mabuti naman daw ang kalagayan ni Paola. Nililibang raw itong mabuti ng kapatid niya.

He was tempted to hear her on the phone. Ngunit ng tanungin siya ng kapatid kung gusto ba niyang makausap si Paola ay tumanggi siya. But now he was already home. Pagod na pagod siya dahil sa pagmamaneho ngunit ng tumapat na siya sa pinto ng sariling silid ay tila may kung anong pwersa ang humihila sa kanya para tumungo sa silid ni Paola.

N'ong nakaraang gabi ay naiisip niya kung nakatulog kaya ng maayos ang dalaga. And a lot of things he shouldn't be thinking.

Pagtapat niya sa silid ng dalaga ay nanatili lamang siyang nakatayo. Surely she's asleep. Kaya naman hindi na lamang niya itinuloy ang balak na pagpihit sa serdura. Akmang tatalikod na siya ng makarinig ng mga ungol na nagmumula sa loob ng silid.

Idinikit niya ang tainga sa pinto. May ungol nga.

Sa pagkakataong iyon ay binuksan na niya ng tuluyan ang pinto. He opened the light and rushed to the bed. Bumibiling ang ulo ng dalaga. Pawis na pawis rin ang buong mukha nito. He touched her hand ngunit tila mas lalo lamang itong nagwala.

Dumukwang siya ang inilapit ang mukha rito. "Paola," he cupped her face. "Paola, wake up." Ngunit mas lalo lamang itong pumasag.

"Huwag... huwag... huwag mo akong hawakan!"

He froze. Her voice was shaky and full of agony. Parang tumagos iyon hanggang sa kahuli-hulihang himaymay ng pagkatao niya. He forced to hug her to stop her shaking. "Paola, I'm here. Paola ... come back to me."

Nang pabigla itong dumilat ay parang biniyak at pinagpira-piraso ang puso niya. Her eyes were sparkling with unshed tears. Punong-puno ng takot at sakit ang mga mata nito.

He hugged her fiercely. Hindi niya gustong makita pa ang mga mata nito. All he know is that he wanted to protect her from whatever it is that's causing her pain.

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon