XXV

4.3K 93 1
                                    


SHE woke up because of a carress in her skin. Awtomatiko ang nadama niyang pangingilabot. Nang magtangka siyang itulak kung sinuman iyon ay kagyat siyang kinubabawan. Ang kasunod ay may palad na dumiin sa kanyang labi.

Tinangka niyang magwala subalit wala ring silbi. Malaki at malakas ang katawan na nakadagan sa kanya.

Gusto niyang maduwal ng muling humaplos sa kanyang katawan ang palad na iyon. Tears began to form at the back of her eyes. Subalit hinding hindi niya hahayaan na pumatak ang mga iyon. She was invincible. She won't feel anything kahit na nakakaduwal ang mga bagay na ginagawa sa kanya ng taong nakakubabaw sa kanya.

The man gets of off her afterwards. She felt empty and dirty and lifeless.

That was how she felt after she'd been captive. She was held prisoner by her mother's new husband and his son.

She received a call from her mother, asking for her help. Umuwi siya ng Pilipinas mula Chicago. Next thing she knew, hindi na rin siya pinakakawalan ng kinakasama ng kanyang ina at ng anak niyon. She was abused over and over. She was treated like an animal. Nakatali siya sa isang silid for a month. Her own sanity was threatening to abandon her. Sa ilang beses na pagtatangka niyang makatakas ay gulpi ang inabot niya sa mag-ama.

Isang mata na lamang niya ang nakakakita. Her other eye was closed dahil sa ginawang pagsuntok sa kanya ng anak ng kinakasama ng kanyang ina. But she felt nothing. Numb.

But it all changed that one night.

Nang may tumakip sa kanyang bibig ay wala ng nadarama pa si Jaquelyn. They could do anything to her for all she cares. She's as good as dead. Subalit boses ng kanyang ina ang narinig niya.

"Tumakas ka rito, anak. Tutulungan kita."

Inaninag niyang pilit ang mukha ng kanyang ina habang kinakalas nito ang tali sa kanyang kamay. Noon nito sinindihan ang hawak na lampara. Sa halip na kumilos ay tumitig lamang siya sa hapis na mukha ng ina. Tulad niya ay may putok rin ang gilid ng mga labi nito.

"Halika na, bilisan mo!" pabulong lamang nitong wika.

Dahan-dahan silang lumabas ng silid. Madilim na madilim sa loob subalit dahil sa lamparang hawak ng ina ay nagawa nilang makita ang dadaanan palabas ng bahay. Subalit bago pa sila makalabas ng tuluyan ay may dumadagundong na tinig na pumigil sa kanila.

"Tumakbo ka na, anak!" ibinigay sa kanya ng ina ang lampara at itinulak siya.

Nagtatakbo na lamang siya subalit bago pa tuluyang makalayo ay may sumaklit sa kanyang buhok. Nabitawan niya ang lampara. Dahil doon ay tumapon ang gas at kumapat ang apoy. Nagpapasag siyang pilit. Umigkas ang kanyang siko at tumama iyon sa ilong ng may hawak sa kanya.

Nagpambuno siya ng pumipigil sa kanya. Nagawa siyang kubabawan niyon kaya naman tumaas ang kanyang tuhod patungo sa ibabang bahagi ng katawan nito. She get up. Rinig pa niya ang pagsigaw ng kanyang ina na pilit siyang pinatatakbo.

Tumakbo siya. Hindi niya tinangkang lumingon ni isang beses. Ilang beses na tumama ang kanyang katawan sa mga puno, at kahit ilang siit pa ang kanyang natapakan ay hindi siya tumigil. Liblib at gubatan ang kinaroroon ng bahay. Hindi niya alam kung paano makakalabas roon. Basta't tumakbo lamang siya ng tumakbo.

Kasunod niyon ay nagdilim na ang lahat sa kanya.

SHE flinched at the touch of his hand on her face. "Jaq... Jaq, wake up," niyugyog niya ito ng bahagya. Subalit mas lalo lamang itong nagpapasag. Butil-butil ang pawis sa noo nito. She looks as if she's in pain. Nakadama na siya ng panic. He cupped he face. "Jaq, wake up!"

Sa pagkakataong iyon ay pabiglang dumilat ang mga mata ni Jaquelyn. Her eyes were filled with fear and horror. Nakatingin ito kay Brien ngunit tila ba hindi siya nito talagang nakikita. Her body was shaking.

"Jaq, are you alright?" hinaplos niya ang pisngi ng dalaga subalit pumiksi ito na para bang may kung ano sa kanyang kamay. "Jaq?"

"I..." her lips were trembling. "Can you give me some water? Please?"

Of course, she doesn't need to beg. Kahit anong hingin nito'y ibibigay niya.

He almost ran to the kitchen and back to the room. She looks really different. At pagkatapos nitong uminom ay humiling pa ito na hayaan niyang mapag-isa. Napakarami niyang gustong itanong. Subali sa huli ay nagpasya na lamang siya na sundin ang gusto nito.

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon