MATAPOS makatiyak na hindi na maririnig ni Paola ang kung anumang magiging usapan nila ay hinarap ni Brien ang mga pinsang babae. He put his hands on his hips.
"Anong ginagawa n'yo rito?" tanong niya sa mahinahon subalit mariing tono. "Are you guys trying to scare her?"
Alam ng lahat ng mga pinsan niya kung ano ang nangyari. Alam rin ng kanyang ina. He had no other choice but to confess. Walang ibang mapupuntahan si Paola. At dahil siya ang responsable kaya't naging ganito ang kalagayan ng dalaga ay siya na muna ang pansamantalang bahala rito. Lahat ng pangangailangan nito. Siyempre ay kasali roon ang tirahan.
At dahil nag-iisa lamang siya sa bahay ay doon din muna titira si Elia so things wouldn't be improper. Though God knows kung sino ang mag-iisip ng masama. Was he a monster to ravish a sick woman? He's not honorable. But he was a damn honorable at this one thing.
At ngayon ay heto naman ang mga pinsan niya. Hindi maaring makaligtas sa kanya ang takot at pangamba sa mga mata ni Paola kahit pa pilit nito iyong tinakpan ng pagngiti. Kahit sinong nasa kalagayan nito ay ma-o-overwhelm.
"I didn't plan about this. Sila ang nagpilit," taas-kamay na tugon ni Elia.
"Ano namang masama kung gusto namin siyang i-welcome?" nakataas ang kilay na balik ni CJ bago ito prenteng naupo sa couch. "And by the way, you've chosen a good name, huh. Paola."
Nagbuga ng hangin si Brien. Tinapunan niya ng tingin ang direksiyon kung saan maaring lumabas si Paola anumang sandali. "I will appreciate it kung aalis na muna kayo."
"That's where you're wrong, Brien," tugon ni Teyonna. "Mas matutuwa ka kung mag-i-stay kami rito to entertain Paola. We girls, know what is better to do. We're actually doing you a favor," seryoso ang mukha nito.
"Baka mas lalo pa siyang malungkot ng mag-isip ng iba kung wala kami rito," dagdag pa ni Jules. "We will make her fell comfortable. Unless ang plano mo ay ikulong lang siya rito sa bahay at hindi ipakausap sa amin."
"We would be excellent company when you're in the hospital. Magiging mas mabilis ang paggaling niya," Ching sweetly added.
Brien stared at his cousins one by one. Persistence is one thing every de Gala has on their blood. Kahit magawa niyang itaboy ang mga pinsan ngayon ay babalik pa rin ang mga ito. They would have it their way.
"Just don't say anything strange," nasabi na lamang niya.
"You're the strange one," CJ pointed out.
Brien decided that it was best not to argue with his female cousins.
HINDI tiyak ni Paola kung gaano katagal na siyang gising at nakasandal sa headboard ng kama. She should be exhausted kaysa noong nasa ospital siya. Brien's sister and cousins were pretty energetic.
At aminado siya na mas pipiliin niya ang ingay ng mga ito ng sampung beses kaysa sa katahimikan at pag-iisa sa ospital. Na-overcome rin niya ang takot at pangamba sa mga kaanak ni Brien. They were all nice to her.
And when she went to bed, inaasahan niya na makakatulog kaagad siya.
Iginala niyang muli ang paningin sa loob ng silid. It was fairly spacious. Malaki ang kama, may bedside table at study table sa kaliwang bahagi. May closet naman sa may ibaba ng kama. The room was painted in apple green from wall to ceiling. At mayroon pang munting balkonahe. It was comfortable enough.
Ngunit ng patayin niya ang ilaw ay tila may kung anong takot ang naghahari sa kanya. She can't sleep with the lights off. And when she turned it on, hindi pa rin siya makatulog. She sighed heavily. Para bang may kung anong pangamba sa puso niya na hindi mawala-wala.
Napukaw lamang siya ng may kumatok sa pinto. Kapagkuway bumukas iyon. Sumungaw si Brien.
Seeing him was like breathing the fresh morning air. He really has a calming effect on her. Nakakapanibago ang makita ito na hindi nakasuot ng putting gown. Nakasuot ito ngayon ng sweatpants at puting t-shirt. And his feet were bare. He looked younger and boyish.
"Napansin ko na bukas pa ang ilaw sa kwarto mo ng lumabas ako sa may balkonahe ng silid ko. Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nito habang unti-unting lumalapit sa kama kung saan siya nakahiga. Naupo ito sa gilid niyon.
It was the same in the hospital, she can't help but think.
"Kasi..." nag-isip siya. She can make up anything. Ngunit mas mabuti kung magsasabi siya ng totoo. "Sana okay lang na bukas ang ilaw habang natutulog ako. I don't think I can sleep with the lights off."
"It's alright," mabilis na tugon ni Brien. Tumayo ito. Gusto niyang tumutol ngunit hindi naman niya magawang isatinig. Ngunit mabilis rin nitong idinagdag, "ipagtitimpla kita ng gatas. I'll be back."
Hindi naman nagtagal si Brien. Pagbalik nito ay may isang baso ng gatas.
"Here, drink this," ani Brien habang iniaabot ang baso ng gatas.
Tinaggap naman iyon ni Paola. Their fingers grazed. And the warmth she felt was warmer than what the milk could give her.
BRIEN stared at the face of the stranger he decided to call Paola. Sa loob ng nakalipas na mga linggo ay palagi niyang natatagpuan ang sarili sa ganoong sitwasyon. Holding her hand until she falls asleep.
Hindi pa niya alam kung ano ang susunod na gagawin. Two to three weeks pa bago tanggalin ang bandage sa ilong ng dalaga. Maybe he'd already come up with something after that. What he needed to do right now is to avoid the attachment she was feeling towards him.
"Brien, can you hold my hand hanggang sa makatulog ako? I don't know. It seems to me that I have developed an attachment with your hand."
Tinitigan ni Brien ang magkadaop nilang mga palad. Indeed she had developed an attachment.
Naiiling siya habang marahang kinalas ang magkadaop nilang mga palad.
AN: I'm going to update a couple of chapters now cause I'm gonna be busy for the next few days. 😊
BINABASA MO ANG
Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)
Romance"When I said that I love you, I meant it as a promise, and I mean forever." Brien de Gala doesn't want to have a serious relationship. Kontento na siya sa kanyang kasalukuyang lifestyle-casual dates without definite commitment. Hindi siya handa at h...