XXVII

4.2K 96 0
                                    

MARIIN ang kapit ni Jaquelyn sa telepono habang nagri-ring iyon. She was on a payphone booth para sa isang long distance call sa kanyang Tita na nasa Chicago. Sa ikalimang ring ay mayroong sumagot niyon.

"Hello, who's this?"

Kumulapol ang labis na relief sa buong pagkatao niya ng marinig ang pamilyar na tinig ng kanyang tita. "Hello, Tita Roxan? It's me, Jaquelyn."

"Jaquelyn? Jaquelyn? Oh, my God! Ikaw ba talaga iyan?"

"Yes, it's me."

"What happened? Where are you? Oh, thank God, you're alive! Pinag-alala mo kami ng tito mo! Akala namin ay namatay ka na rin!"

Rin? "Tita, I... I don't know where to begin. I've had an accident. Pansamantala akong nawalan ng memorya." Sa mabilisang paraan ay sinabi niya rito ang mga nangyari. Ang pagkupkop sa kanya ni Brien at pagtira niya sa Kanaway. Of course, she omitted the details about her and Brien. "I went to see mom and..." she choked. Hindi niya magawang sabihin. Subalit pinilit niya ang sarili na magsabi kahit kaunti lamang. kahit ang tungkol lamang sa pagiging captive niya kasama ang ina.

Makalipas ang mahabang katahimikan ay hindi kaagad sumagot ang nasa kabilang linya na gusto ng isipin ni Jaq na naputol na ang tawag. "Patay na ang mommy mo, Jaq. Nasunog ang bahay na tinitirhan niya kasama ang kanyang kinakasama at isa pang lalaki. Oh, we never really lose hope about you dahil hindi kasama ang katawan mo sa mga nakuhang bangkay."

Patuloy sa pagsasalita ang kanyang tita. Ngunit wala ng naririnig si Jaq. Ang tanging malinaw lamang sa kanya ay wala na ang ina. She died. That night na pilit siyang iniligtas nito.

KUNG hindi niya nalaman na namatay ang kanyang ina sa sunog ay hinding-hindi babalik si Jaquelyn sa lugar na ito. But she wanted to. Kung nagawa ng ina na maging matapang upang iligtas siya ay kaya rin niyang balikan ang bangungot na lugar na ito.

Wala ng ibang natira sa lugar kundi ang mga sunog na bahagi ng bahay na nagiba. At kahit nanginginig ang buo niyang katawan at naglalandas ang luha sa kanyang pisngi ay nagawa ni Jaq na makalapit sa mismong bahay at ilagay roon ang mga puting rosas na binili niya.

Sa sandaling tinapos niya ang pagkikipag-usap sa kanyang tita at nakapangako na babalik siya na siya ng Chicago ay nagtungo siya sa apartment na kanyang inupahan at kinuha ang mga gamit na naiwan niya roon. Mabuti na lamang at itinabi iyon ng may-ari. Naroon ang kanyang passport. Ngunit bago tuluyang umalis ng Baguio ay tinipon niya ang lahat ng lakas upang magbalik sa lugar ng kanyang bangungot at sa lugar kung saan nasawi ang kanyang ina.

Nauna na siyang nagpunta sa libingan nito. But she felt the strong need to come here and let go of everything. She will start anew in Chicago where she always belongs.

Subalit habang pasakay siya ng bus at maging ng nasa airport na siya ay kusang pumipihit ang kanyang leeg upang lumingon na para bang makikita niya si Brien na tumatakbo upang pigilan siya.

Which would never ever happen.

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon