III
NAGAWA ni Brien na maturukan ng pampakalma ang pasyente niya bago pa ito maghisterya ng husto. At ngayon nga ay nakatingin siya sa natutulog na mukha ng dalaga.
Hindi niya natupad ang naunang plano na ipaalam rito ang lahat sa sandaling magkamalay ito. Na siya ang nakabangga rito kaya ito nasa ganitong sitwasyon. It had been two weeks. He was monitoring her from time to time. Sa loob ng mga panahong narito ito ay hindi na rin halos siya umalis ng ospital.
She suffered head trauma. At somehow ay inaasahan na niya ang magiging consequences niyon. Tulad na nga lang ng wala itong maalala. Ang problema lamang ay wala itong identification. Aside from the head ay nagtamo rin ito ng fractured ribs, though she was healing.
At marami pa. Mga bagay na para bang hindi nito nakuha sa pagkabangga sa kotse niya. She was beaten black and blue. And she has a lot of bruises all over her body. Her wrists in particular. Her left eye was swollen, too. Halos natakpan na ang buo nitong mata. And her nose was broken as well. Tila ba may kung anong matigas na bagay na inihampas roon. Kung sinuman ang gumawa niyon sa dalaga ay masahol pa sa hayop.
The thought brings a heavy emotion in his chest. Kinasusuklaman niyang labis kung sino ang gumawa niyon tulad rin ng nagagalit siya sa sarili dahil sa pagkabangga rito.
Sa ngayon ay may bandage sa ilong nito. Ngunit sooner ay kailangan itong maoperahan upang maibalik ang kaayusan ng ilong nito. It will damage her breathing kung hindi ito mag-a-undergo ng surgery.
He decided na huwag munang dalhin sa pulisya ang tungkol rito. She was running away ng mabangga niya ito. Too focus on running para hindi mapansin ang headlights ng paparating niyang sasakyan. It was also a miracle na nakuha nitong tumakbo sa kabila ng kalagayan nito.
Pero ano o sino ang tinatakbuhan nito?
He sighed heavily.
Nang mapansin na nagsisimula itong pumasag na tila may kinatatakutan ay kumilos ang kamay niya upang gagapin ang kamay nito. It had been his routine since the day she was first laid into bed. Sa tuwing hahawakan niya ang kamay nito ay tila napapanatag ito.
And that was a heck of a reason to always stay. Maliban pa sa talaga namang responsibilidad niya ito.
Then there was something about her eyes. Tila ba may permanenteng takot na nagbabadya roon. Iyon ang nakita niya sa ilang ulit na pagmulat nito ng paningin. Lalo na ngayon. He looked at her fragile hand. Nang dumaplis ang mga mata niya sa mga sugat sa pulso nito ay nagdiin ng husto ang kanyang mga ngipin.
He shouldn't care about it dahil hindi naman siya ang gumawa niyon. But he do care. He can't help it.
BINABASA MO ANG
Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)
Romansa"When I said that I love you, I meant it as a promise, and I mean forever." Brien de Gala doesn't want to have a serious relationship. Kontento na siya sa kanyang kasalukuyang lifestyle-casual dates without definite commitment. Hindi siya handa at h...