X

5.2K 125 6
                                    


MATAPOS ang meeting ay sinimulan na ni Brien na ilibot si Jaquelyn sa kabuuan ng Kanaway. Nagtungo na ito sa Taniman at sa pigerry kaya't ibang tour naman ang naisip niyang ibigay rito. They went to the field. And then they went to the flower farm. Bago pa lamang iyon na dine-develop ng kanyang kapatid at ng iba pa niyang pinsan na babae.

Buko pa lamang ang mga bulaklak. But Jaquelyn doesn't seem to mind.

Gusto niyang ipakita rito ang bawat bahagi ng Kanaway. He wanted her to feel welcome and to familiarize her with the place. Pagsapit naman ng tanghali ay dinala niya ito sa clubhouse. At pagsapit ng tanghalian ay isinama niya ito sa strawberry farm at kasabay ang iba pa niyang pinsan ay sabay-sabay silang nagtanghalian.

She had been with him for a month and half. Kasama na ang paglagi nito sa ospital. It's a good thing she remembers her name. Sa oras na maalala na ng dalaga ang buong pangalan at matanggal na ang bandage sa ilong nito ay maari na siyang magpa-add sa diyaryo tungkol rito. Sisiguruhin niya na walang mangyayaring masama rito. She'll be under his protection hanggang sa mapunta ito sa tunay nitong pamilya at maging ligtas.

But for now, he wanted her to feel alright. To feel safe and happy.

Ang sabi ng dalaga kanina ay gusto raw nito na naririnig siya. It's the same to him. He loved hearing her husky voice. It's unusual for a girl, but it suits her well. Even her laughter is beautifully unique.

He decided to break inside his cousin's––Lucas––home after their lunch. He knows she's gonna love it. She'll love the view from the top.

Hindi niya alam kung alam ba ni Lucas na gawain nilang magpipinsan ang pumasok sa bahay nito kapag bored sila o gusto nila ng wine. Si Claude ang orihinal na may-ari ng duplicate key na pinagpapasapasahan nila. All of them were fascinated at Lucas' home. More than they want to admit. Lalo na siya.

Hiniram niya ang duplicate key kay Claude pagkatapos ng meeting.

Napansin kasi niya na parang natahimik na si Jaquelyn simula pa ng magsimula ang meeting hanggang sa magtapos iyon. It was good that she remembered her name. At marahil ay pinipilit nitong makaalala pa kaya ito nananahimik ng ganoon.

And that bother's him. Hindi niya gustong pilitin nito ang sarili.

Pagtapat nila sa bahay ni Lucas ay makailang ulit na napakurap si Jaquelyn. "Lighthouse?"

Napangiti si Brien. "No. Bahay ito ng isa sa mga pinsan ko."

"Bahay?" napahinga si Jaquelyn ng malalim dahil sa labis na fascination. "Sinong pinsan?"

"Si Lucas. I'm afraid you haven't met him."

"Ah," tumatangong wika ni Jaquelyn. Her eyes were sparkling.

Jaquelyn, he decided was a lovely name. But it was quite long. Sa tingin niya'y mas bagay sa dalaga ang... Jaq. Yes, Jaq. It sounded unique and strong. Just like her.

"Can I call you Jaq from now on?"

"Huh?" mula sa pagkakatingala sa lighthouse ay bumaling ang dalaga kay Lucas. "Anong sabi mo?"

"Jaq. I will call you, Jaq, from now on," nangingiting sagot niya bago humakbang palapit sa pinto. Isinuksok niya ang susi sa keyhole and...presto! Bukas na ang mahiwagang bahay ni Lucas. "Come in," yaya niya sa dalaga.

Pagpasok nila ay binuksan niya ang lahat ng ilaw.

"Wow," ang tanging nasabi ng dalaga.

Nangingiting hinawakan niya ang kamay ng dalaga at iginiya ito patungo sa hagdan. "Come. Mas maganda sa taas."

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon