XII

4.5K 105 2
                                    

PAGBUKAS ng pinto ay ang masayang mukha ni Jaq ang sumalubong kay Brien. She wasn't smiling, but her face was beaming. Her eyes sparkling.

"Nasa kusina si Elia kaya ako na ang nagbukas ng pinto," paliwanag ng dalaga.

He smiled as he went inside. He eased his necktie. Ang alam niya'y pagod siya. But the moment he stepped inside, para bang nagkaroon siya ng panibagong sigla. As if the oxygen in this place has some magical power that eases his tired body.

"I'll just take a shower," aniya ng humarap kay Jaq. Nakasunod ito sa kanya. He wanted to kiss her lips. Just like what he did two nights ago. "Susunod ako sa kusina," wika niya bago pa tuluyang magawa ang iniisip.

Sa nakalipas na dalawang araw na nasa ospital siya'y wala siyang ibang naiisip kung gaano kalambot ang mga labi ng dalaga. Gusto niya itong maghagkan muli. He was getting demented with the intensity of it. Hindi pa niya nadama ang ganoon kahit na kailan. Tulad rin ng hindi pa siya gumawa ng ganoong aksiyon––ang humalik ng isang babae ng tulad ng ginawa niyang paghalik kay Jaq. Slow, light and simple touching of lips. Subalit daig pa niyon ang epekto ng isang mahabang foreplay.

He was not supposed to kiss her. But her look that night was so... so infinite. The moment she closed her eyes he knew he had to kiss her or he might die at that moment.

Nagkaroon ng bagong kahulugan sa kanya ang gabi dahil sa pangyayaring iyon. He would never think of moonlight without thinking of her ever. He knows it was wrong to take advantage of her. Moreover, it was really wrong to be aroused just by looking at her lips.

Subalit iyon ang nadarama niya. Just like now. He needed to have a shower dahil sa ngiti ng dalaga. It was dangerous. Hindi niya gustong samantahin si Jaq dahil nasa pangangalaga niya ito. Yes, he was supposed to be taking care of her not ravishing her. But he can't help the reaction of his body.

Matapos ang malamig na shower sa kabila ng lamig ng panahon ay na-relieve naman ang nadarama niya. Ang maling nadarama niya.

Maybe he needed a date. But the very thought tires him out.

Or he could just...

NAKAUPO si Jaq sa ibabaw ng kama at binabasa ang libro na ipinahiram sa kanya ni Elia ng bumukas ang pinto sa may balkonahe. Pag-angat niya ng paningin ay si Brien ang nakatayo sa may bungad ng sliding door.

"Can I come in?"

He was wearing his usual attire kapag nasa bahay. Shirt and sweatpants. At napansin niya na may mga dala itong paperbags.

"Sure come in."

Pumasok nga si Brien at tumayo sa may gilid ng kama. Inilapag nito ang mga dalang paper bag sa ibabaw ng kama. "Para sa'yo."

She was instantly thrilled. Lumipat ang mga mata niya sa paper bag. "A-anong mga 'yan?"

"See for your self," there was a little smile on his lips.

Sa nanginginig na mga palad ay binuksan niya ang unang paper bag. Her heart was beating so fast. Nang ilabas niya ang laman ng paper bag ay parang gusto niyang ibagsak ang sarili sa kama. It was a knitted swearter. May ilan pang shirts na kasama. Ang sumunod na paper bag naman ay may mga pants. And the next contains dresses. Pretty dresses. Lahat ay signature clothings. At walang duda na pulos bago.

"I'm sorry it took me this long bago ko na-realize na pulos pala mga damit ni Elia ang ginagamit mo. I don't know if it suits you. I asked the personels' opinion sa lahat ng 'yan. Pero kung may hindi ka gusto pwede ko namang ibalik or palitan."

She swallowed. Her chest and throat was tied in a knot. Hindi niya magawang magsalita. Kung magsasalita siya'y tiyak na gagaralgal ang kanyang tinig.

"Say something, Jaq," wika ni Brien matapos ang ilang sandali ng katahimikan.

Nang mag-angat ng paningin si Jaq ay nakaguhit sa mga mata ni Brien ang pag-aalala at pag-aalangan. Hindi niya napigil ang sarili. What she can't say in words, better state in her action. She lurched from the bed and went straight to him. ipinulupot niya ang mga braso sa katawan ni Brien. "I don't know what to say except for thank you."

Nang tumawa si Brien ay napapahiyang kumalas siya rito.

"And I have another surprise for you. Ten days from now ay tatanggalin na ang bandage sa ilong mo."

Unti-unting napaupo si Jaq sa ibabaw ng kama. Her heart leaped. At least it would only take another week and a half para maging normal na muli ang itsura niya. Quite normal. Iyon ay kung walang maiiwang pilat ang operasyon sa kanyang ilong.

"Huwag kang mag-alala. It will be as good as new," pagbibigay assurance ni Brien habang umaatras upang marahil ay lumabas na ng silid.

"Don't worry, hindi ko naman alam kung katulad ba ng dati o hindi," she meant it as a joke. Subalit ng magbago ang itsura ng mukha ng binata ay mukhang hindi nito nagustuhan ang kanyang biro.

Lumapit ang binata sa kanyang tabi ay tumalungko sa may gilid ng kama. "Babalik ang memorya mo, that I'll make sure," his eyes full of assurance. Tumatango si Jaq ng dumukwang si Brien. Lumapat ang labi nito sa kanyang noo. Her heart sighed with the immeasurable warmth it felt.

Tumayo rin kaagad ang binata at humakbang patungo sa may balkonahe without saying a word. She stood and went after him para sana ay ihatid ito ng tanaw. Nakatingin siya sa pigura ni Brien hanggang sa makatungo ito sa sariling kanugnog na balkonahe at makapasok na sa sariling silid.

Subalit sa sandaling nakapasok ang binata ay kaagad din itong lumabas. At bago pa makakurap man lang si Jaq ay naroon na itong muli sa kanyang harap. His face was intense as he cupped her face and kissed her lips. Kusang napapikit ang kanyang mga mata.

"Good night, Jaq," he murmured when he released her lips.

May ngiti sa kanyang mga labi ng humiga siya sa kama. Alam niyang hindi siya bibisitahin ng masasamang panaginip ngayong gabi.

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon