XXVI

4.4K 98 2
                                    


"SUSUBUKAN kong makabalik bago mag-dinner," paalam ni Brien kay Jaq bago siya tuluyang lumabas ng pinto.

"Okay," nakangiting tugon ni Jaq.

Brien stood in front of her for a while. She was smiling at him. Subalit palagay ba ni Brien ay iba ang sinasabi ng mga mata nito. There was something in her eyes that he couldn't quite fathom. Gusto niyang magtanong, subalit hindi naman niya alam kung ano ang itatanong.

Nang itanong niya kung ano ang napanaginipan nito ilang gabi na ang nakakaraan ay hindi na raw nito matandaan. And she seems fine now hindi tulad noong mga nakaraang araw. Subalit habang tumatagal na nakatitig siya sa mga mata ng dalaga ay parang may kung anong damdamin ang pilit na sumisingit sa kanyang dibdib. He ignored it and gave her a kiss instead.

"I'll see you later."

Nakalabas na siya ng pinto at naglalakad na patungo sa kanyang sasakyan ng tawagin siya ni Jaq. Paglingon niya ay naglalakad na ito palapit sa kanya. Nang tuluyan silang magkalapit ay sinapo nito ang magkabila niyang pisngi at pinakatitigan siyang mabuti. Ang uri ng tingin na ibinibigay nito sa kanya ay nagpatayo sa kanyang mga balahibo.

It's as if... as if... no, he can't really tell.

At bago pa niya malimi kung ano nga ba ang ibig sabihin niyon ay tumiyad na ang dalaga at hinagkan siya sa labi. Then her hand moved to the nape of his neck while the other to his hand. He inhaled, filling his lungs with her sweet scent.

"Goodbye, Brien. Mag-iingat ka."

Goodbye? He stood on his ground habang sinusundan ng tingin ang paglalakad ni Jaq pabalik sa loob ng bahay.

"Jaq!" malakas na tawag niya rito. Huminto naman ito at lumingon bago pa tuluyang makapasok sa pinto. "I love... I love you," emotions swelled inside his chest as soon as he said the word. Parang may sanlaksang emosyon ang nag-uunahanan sa pagbulusok palabas ng kanyang sistema.

At ng unti-unting ngumiti si Jaq ay parang napayapa ang nagwawala niyang puso. Her smile was so warm and assuring.

"Thank you."

Thank you? Naipilig niya ang ulo. "I wish you would stop saying that word."

Nakangiti pa rin si Jaq. "Late ka na."

Later. He decided to deal with her later. That puts a smile on his face. Knowing that he will always be there, waiting for her.

MATAPOS ilagay ang sulat sa side table sa gilid ng kama ay iginala ni Jaq ang paningin sa loob ng silid. Sa silid na naging pag-aari niya sa maiksing panahon. Tumigil ang kanyang mga mata sa ibabaw ng kama. The bed where he and Brien first made love. Her heart ached as she remembered how he taught her how the act of love could be so beautiful and tender.

But she needed to leave. She can't stay here for the rest of her life at magpanggap na maari niyang kalimutan ang lahat ng nangyari sa kanya. This is not her life. She can't live a lie in this paradise.

Kaya't inilagay niya sa sulat ang lahat. Ang lahat ng tungkol sa kanya. Maging ang pangit na pangyayari. Brien deserves the truth. At hindi niya gustong makita ang magiging reaksiyon ni Brien sakaling malaman nito ang pinagdaanan niya. He loved her, the Jaquelyn he thought she is or was.

At isa pa, hindi dito ang lugar niya.

She gave the room one last look bago siya tuluyang lumabas. Pagdating niya sa sala ay naroon si Liam at nakaupo. Nginitian niya ang bata na sa kabila ng maiksing panahon ay napamahal na sa kanya ng husto.

"Let's go," yaya niya rito. Ng ilahad niya ang palad ay humawak ito roon.

Dinala niya ang bata sa bahay nila Teyonna. She can't leave him alone in the house. Isa pa, hindi siya makakaalis ng wala siyang pera at masasakyan paalis ng Kanaway. Hihiram siya ng pera kay Jules. At pagkatapos ay makikisabay siya sa truck na mag-de-deliver ng strawberries sa La Trinidad. Kung tama ang pagkatanda niya ay ngayon nga iyon.

Pagdating sa bahay ni Dash kung saan nakatira sila Teyonna at Jules at hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Sinabi kaagad niya ang kailangan. Nagkatinginan naman ang magkapatid matapos niyang magsabi.

"Alam ba ni Brien na aalis ka ngayon?" si Teyonna ang nagtanong sa kanya.

"No. I forgot to tell him. I'll just tell him... later," through my letter. "Its really urgent," dagdag pa niya.

"Alright," maya-maya ay turan ni Jules. "Pero ihahatid kita kung saan ka man pupunta," dagdag pa nito.

"Hindi na kailangan," pabiglang wika niya. "Really, hindi na talaga kailangan," maigting na wika niya. "Sasabay na lang ako sa truck. I'll be back," she added to appease the sisters.

"Okay," sumusukong tugon ni Jules. Ito na rin ang nagbigay ng pera kay Jaq.

She doesn't want to say goodbye kahit pa iyon ang gusto niyang gawin. Masyado ng naghihinala ang magkapatid para dagdagan pa niya. though in her heart, she was really thankful to both of them and to the rest of the de Galas dahil sa naging mabuting pakikitungo ng mga ito sa kanya.

Pasakay na siya ng truck ng marinig niya ang pamilyar na tinig ni Liam. Paglingon niya ay tumatakbo ang bata palapit sa kanya. Humihingal pa ito ng tumigil sa mismong harap niya. Lumuhod siya sa harap nito.

"Tita Jaq, where are you going?" Liam's blue eyes were intense.

Hinaplos niya ang mukha ng bata. "Somewhere... far."

Napuno ng pagtutol at pag-aalala ang mukha ng bata. "Kailan ka babalik?"

Nagkaroon ng bikig sa kanyang lalamunan. She's not coming back. Sa halip na sabihin iyon ay niyakap na lamang niya ang bata. Bago niya ito tuluyang pakawalan ay hinagkan pa niya ito sa buhok.

She didn't look at his face ng umakyat siya pasakay sa truck. She was afraid her tears would betray her. She used all her might huwag lamang pumatak ang kanyang mga luha habang umaandar ang truck palabas ng Kanaway. She was just too glad na ang driver lamang na empleyado ng magkakapatid ang kasama niya sa truck.

She will terribly miss the whole place. The wild and unique scent. The strawberries and the flowers and the pigs. The moonlight. And Liam and Brien. Especially Brien. His kisses and warmth and his heart.

She and Brien had something wonderful and different and she would treasure it forever as long as she lives.

Bago tuluyang makalabas Kanaway ay tuluyang kumawala ang mga pinipigil niyang luha. Ibinaling niya ang mukha sa labas ng bintana.

Moonlight Kiss (Kanaway Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon